Chapter 16

4.5K 133 6
                                    

Chapter 16

Hindi ako makatingin kay Yuan habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay namin, nag-insist siya na ihatid ako, taragis nahihiya ako. Though masaya ko na pumayag siya. Meaning lang nun di ko na kailangan makipagdate kung kani-kanino. Saka siya naman talaga gusto ko. Di ko pala naitanong kung kailan niya ipa-pop cherry ko? Ayyy! This Saturday kaya? Parang kiniliti ang talampakan ko sa isiping yun.

"What's funny Ranna?"

Halos mapatalon ako nang magsalita siya.

"H-Ha?"

"Natatawa ka diyan..." aniya at takang sinulyapan ako saka niya ulit ibinalik ang tingin sa daan.

"Ah...wala, may naalala lang ako," sabi ko saka umayos ng upo. Ano ba 'yan napahagikhik na pala ko nang hindi ko namamalayan.

"Siguro excited ka na?" he devilishly grinned kaya alam kong nangamatis na naman ako ng bongga. Hayf, he's my ultimate crush tapos ganyan siya? Mahuhubo ko panty ko ng wala sa oras.

"E-Excited saan?" maang-maangan ko kahit na obvious naman na tinutukso niya talaga ko.

"Sa Birthday ng Kuya mo this coming Saturday..." sumeryoso na siya.

Natigilan ako at napahampas sa noo. Oo nga pala Birthday na ng kumag na yun. Wala pa kong regalo.

"Birthday nga pala niya. Sayang akala ko pwede nasa Saturday, eh," wala sa loob na naibulalas ko.

"Pwede ang?"

"Eh, wala..."

"Kailan mo pala gustong gawin?"

"Gawin yung ano?"

"Baby," kaswal na sagot niya pero tumirik yata lahat ng buhok ko sa katawan. Gagsti, huhu. Ang lala, nagulo yata lahat ng mga internal organs ko. Pansin ko lang magkalevel yata kami ng frankness?

"Kung kailan ka sana di busy?"

"I'm free this Saturday, kaya lang naalala ko Birthday ng Kuya mo."

"S-Sunday?" ako na nagsuggest.

"Sunday would be fine."

"O-Okay..." kumakalabog talaga puso ko dito.

"I'll pick you up then."

"A-Ay wag! Ako pupunta sa'yo. Baka makahalata sina Mama."

"Do you really intend to keep it? For how long?"

"Siyempre pag lumaki na tiyan ko di na pwede itago."

"Bakit mo nga pala itatago? Sabi ko naman sa'yo kaya kitang panagutan."

Omy gash pulgas! Ang ganda ko pala talaga!

Napalunok ako.

"Di pa naman kasi sure kung may mabubuo, eh. Remember sa case ko mahihirapan akong magbuntis..."

"Kaya nga aaraw-arawin na natin."

Jusmio Marimar! Ang casual lang naming mag-usap na parang nagtatanungan lang kami kung ano'ng trip naming ulam.

"Eh basta, si Mama OA yun minsan, baka mamaya pag sinabi ko agad eh pikutin ka. Marriage is a lifetime 'no. Di rin yun basta-basta. Si Kuya naman baka sapukin ka. Make sure muna natin na meron munang mabubuo."

"Sabagay. Para kahit masapak ako, mas worth it. Walang palag. Magiging Tito na siya, eh," aniya kaya nagkatawanan na kami.

"Kaya nga..."

Ang gusto ko kasi habang nasa stage kami ng baby making umaasa akong madevelop siya sa'kin. Kasi ako sigurado kong gusto ko siya. Eh, siya? Di ko alam kung naawa lang o wala na siyang choice na umayaw.

"Ranna. If you don't mind I just want to ask something?"

"Shoot."

"Sabi mo hindi ka pa nagkakaboyfriend?"

"Oo. Why?"

"I assume wala ka pa ring first kiss?"

Napalunok ako. Tanda ko na wala pa nga ako nun.

"Ganun na nga..."

"That means ako ang magiging first?"

Hayet...

"Eh...oo. Why do you ask?"

"Of course I need to prepare you. Mamaya mabigla ka. I need to know kung ano'ng mga gusto mo?"

"When it comes to that thing wala akong alam, eh. Bahala ka na..."

"Surrendering your all?" napangiting aniya.

"I trust you so..."

"Thank you Ranna."

"Pwedeng ako naman magtanong?"

"Sure."

"S-Sigurado ka na bang tutulungan mo ko? I mean where going to create life...alam ko rin na hindi naman ako yung nakikita mong magiging Mother ng baby mo pero decided ka ng tulungan ako? What made you say yes? Ni wala tayong romantic relationship."

"For starters, sabi ko nga hindi na rin ako bumabata. Second, I can provide. Third I really wanna help you and fourth, though it's not on my plan, you're a pretty decent girl, so why not?"

Napatango-tango ako. Deep inside mas lalo akong nahulog. He's kind. Considerate. Helpful.

"And Ranna, if we're really serious about this, first thing first, you should be comfortable with me. Hindi ka dapat naiilang sa presence ko."

"S-Sino'ng naiilang?"

"See? Nag-uusap palang tayo, nagbablush ka na."

Napahawak ako sa pisngi ko. Medyo mainit so nagbablush nga ako.

"Make up yan," kaila ko.

Hindi siya sumagot. Inihinto niya ang sasakyan at iginilid iyon sa medyo madilim na parte.

"Bakit tayo tumigil?"

"May gusto akong gawin."

"Ano yun?"

"Gusto kong binyagan yang labi mo."

"Ha?" tumalsik yata kaluluwa ko.

"Of course I need your consent."

"O-Okay..."

"Sure?"

Tumango ako. Gusto ko eh. Bakit ba?

Ngumiti siya at kinalag ang seatbelt. Kinalag ko na rin ang seatbelt ko. Aba, matagal ko nang tinatanong sarili ko kung ano feeling ng halik?

I can feel the thudding of my heart. Here goes. As he lean closer I could feel his warm breathe on my face. He locked our eyes. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. He tilted his head and gently claimed my lips.

Parang nabingi ako nang maramdaman ang mainit na labi niya sa mga labi ko. Nakadilat lang ako at nakita kong napapikit siya nang maglapat ang mga labi namin. Nang gumalaw ang mga labi niya ay kusa na kong napapikit. Halos manigas ako nang maramdamang banayad na humahagod ang mga labi niya.

Gumapang ang mga kamay niya paakyat sa batok ko. He pulled me closer to him. Ramdam ko ang pagragasa ng init sa katawan ko dahil sa yakap niya. Napakapit ako sa mga braso niya nang dahan-dahan niyang kagat-kagatin ang lower lip ko.

It was passionate. Sensual.

I almost lose my sanity when he gently sucked my lower lip...

"Hmmm..." isang ungol ang kumawala sa bibig ko dahil para akong malalagutan ng hininga!

Dinig na dinig ko ang paggalaw ng mga labi niya.

Naramdaman kong tumigil siya kaya napadilat ako, his lips twitched on a seductive smile. Binigyan niya pa ko ng smack sa labi at sa noo bago niya ko binitawan at umayos ng upo. Tulala ako dahil hindi ko alam kung paano magrireact.

"Kiss palang yan Ranna kaya sa Sunday dapat humanda ka."

~*~*~*~*~

Ingat po ang lahat kay Carina. Grabe nonstop siya.

Anyway Comments? Hehe. Enjoy reading.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon