Chapter 25

4.6K 130 7
                                    

"Walang kupas 'tong adobo niyo Manang," papuri ni Yuan sa matandang katiwala habang nag-aagahan kami. Kasalo namin siya dahil ayaw ni Yuan na hindi siya sasabay sa amin.

Maliit na babae lang si Manang Yolanda pero maganda pa rin ang tindig at bakas pa rin ang dating ganda.

"Siyempre naman Tutoy, peyborit mo 'yan. Eh, ito bang iyong Nobya ay naibigan kaya ang aking luto?" baling niya sa'kin.

Jusko nobya na naman daw. Di naman sila ikinucorrect ni Yuan, so...go with the flow!

"Ay naku Manang, ang sarap po. Mas okay pala pag may kasamang sili itong adobo. Mas masarap..." papuri ko matapos ngumuya.

Kumuha pa ko ng sunny side up egg at biniklad na bangus. Di ko masaway self ko magdiet. Iyak.

May fresh milk din at ilang prutas tulad ng mangga, saging at chico.

"Ang bilis talaga ng panahon ano? Dati-rati paslit ka lang, aba ngayon may kasama ka ng iniirog..."

Natawa si Yuan.

"Kaya nga Manang, sinagot mo na ba si Mang Lauro? Mauunahan pa yata kitang lumagay sa tahimik..." nakangiting ani Yuan.

"Dalaga pa kayo?" natanong ko.

"Dalagang gayot..." pairap na sabi nito na ikinatawa ni Yuan.

"What's gayot?" tanong ko. Di ko naintindihan yung ilang deep dialect ng Batangueño.

"Matanda na. Tuyot na..." ani Yuan kaya pati ako napatawa.

"Maganda pa rin naman kayo Manang, sagutin niyo na kung sinuman si Lauro?" buyo ko.

"Eh...iyon nga sana ang ipagpapaalam ko?"

"Saan ho kayo pupunta?" ani Yuan.

"Ay niyayaya ako ni Lauro, doon sa peryahan mamaya, manonood daw kami ng mga palabas, di ga't pista sa kabilang Barangay?"

"Naks naman Manang, may date ka?" ang lawak ng ngiting tanong ni Yuan.

"Kuh...ito namang batang ito. Nanliligaw pa laang!"

Grabe gusto ko nang bumunghalit ng tawa. Napakapakipot naman ni Manang.

"Kaw naman Manang, nagpapaligaw ka pa. Lundagin mo na agad!" ani Yuan kaya grabe talaga tawa ko lalo na at hinampas pa siya ng matanda sa braso.

"Aw!" reklamo ng binata.

"Lundagin ka diyan. Hindi ako ganoon. Siya ang mapilit na mapaibig ako, kaya mag-antay siya..."

"Sabi mo nga Manang ang bilis lang ng panahon, wag na kayong babagal-bagal. May pang check in ba kayo?" ayaw paawat si Yuan kaya halos di na talaga ko makahinga katatawa dahil yung mukha rin ni Manang talagang shock rin.

Ang pilyo din pala talaga niya.

"Heh! Santisima! Ikaw na bata ka! Kilabutan ka. Naku ka! Kung nabubuhay lang ang aking Inay ko baka masampiga ka noon sa nguso sa pinagsasabi mo. Jusmio ka!"

Sampiga daw according to Yuan is almost equal to sapak and sampal.

"Make the most out of it Manang, enjoy lang kayo, minsan lang tayo bata..." kindat ko kaya napangiti siya.

"Ay babalik naman agad ako, walang mag-aasikaso sa inyo dito, eh."

Nagkatinginan kami ni Yuan.

Alam naman namin na hindi maiiwasang gumawa nang kababalaghan pagpatak ng dilim. Nakakahiya kung mahalata niya kami, ang ingay ko pa naman.

"Okay lang Manang, you can take a break. We can take care of ourselves. Just enjoy the day. Kahit bukas na lang po kayo bumalik, wala ba kayong pupuntahan sa mga kamag-anak niyo?" tanong pa ni Yuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon