Chapter 12
You unsent a message.After ng isang minuto ay binawi ko rin ang message kay Yuan. Naalala ko na may Agatha pa nga pala sa buhay niya. Ayokong maging dahilan ng paghihiwalay nila.
I've always dreamed of a fairytale-like love story. Hindi yung manggagaling sa agaw. Na-ah!
I guess wala na talaga akong pag-asa. Tanggapin ko na lang na never na kong magiging Ina. Or kaya ipafreeze ko na lang ang egg ko tapos surrogacy na lang para magkababy pa rin.
Arrgghh...
Naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada. Pasimpleng tumatanaw sa mga sasakyang paroo't-parito.
Buhay na ang mga street lights. Tumawid ako after mag greenlight. Sumabay sa karamihan ng mga tao na tumawid rin. Ayoko pa umuwi. Kaya ko naman magliwaliw mag-isa.
Napapatingin ako sa mga magjowang magkaakbay o kaya magkahawak kamay. Puro mga masaya. Ganun talaga siguro pag in love or nasa tamang tao na.
I sighed. Silently praying...
"Ama namin. Nasaan ang para sa'kin?"
"Ay kabayo!" halos mapatili ako nang may humawak sa kamay ko.
"Ate hindi ako, kabayo. Manghihingi lang," anang batang babae at isinahod sa akin ang palad niya.
Tantiya ko nasa 10 years old. Halatang kulang siya sa ligo at marumi rin ang damit niya.
"Nakakagulat ka naman!"
"Ate pengeng bente..." aniya sabay singhot at punas sa pisngi niyang nanlilimahid ng sipon.
"O ayan," naiiling na sabi ko at inabutan siya para hindi na ko guluhin.
Napailing ako nang magtatakbo siya. Hindi man lang nagthank you.
Sa natanaw kong mall ay nagbanyo agad ako para maghugas ng kamay na hinawakan ng batang pulubi. Hindi sa pag-iinarte pero kasi ang lagkit, eh. May sipon pa siya kaya alam kong kulangot iyong kumapit sa palad ko.
Kasalukuyan akong nagkukuskos ng kamay nang tumunog ang smartphone ko. Pinabayaan ko muna dahil mababasa lang iyon pag sinagot ko. Few seconds pa tumigil na ang tumatawag tapos tumunog ulit at nag-end ulit.
Sinarhan ko naman ang faucet dahil tapos na kong maghugas pero tumunog ulit ang phone ko.
Kinuha ko iyon matapos punasan ng tissue paper ang kamay ko. Ang kulit naman. Sino ba 'to?
Nakaramdam ako nang pagkataranta nang makitang si Yuan iyon. Sa messenger ko tumatawag. Not just an ordinary call but a video call.
Medyo nangatal pa ang daliri ko nang sagutin iyon. Nag-appear kaagad ang mukha niya.
"Ay! Ang gwapo!"
Parang gusto kong tumili. Nakacorpo attire siya at halatang nasa loob ng kotse. Nakita ko pa siyang nagseatbelt.
"Hello...napatawag ka Kuya?" I managed to flash a smile.
"Hi. You missed my call twice. Busy ka?" nakangiting tanong niya.
"Ano kasi...may kulangot kamay ko kaya hindi kita agad nasagot, sorry-"
Hindi pa ko natatapos mag-explain pero tumawa na siya. Napasimangot tuloy ako. Inaasar ako.
"I'm sorry...you're doing something private pala, I can hang up for a while…"
"Heh! Hindi kasi, bakit ka ba napatawag?"
"Nag-unsent ka ng message, hindi ko pa nababasa. Ano ba ‘yon? Hmmm?"
Parang gusto kong magmelt. Yes, he has a deep voice. Pero kasi kung magsalita…ang gentle lang.
BINABASA MO ANG
The Need For His Seed [SPG 18+]
RomantikNang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to go under hysterectomy surgery na makakaapekto sa kakayahan niyang maging Ina baling araw. Ang sabi...