Chapter 8
Hindi ko alam kung selos na ba talaga tong nararamdaman ko? I love food and I always eat them with so much gusto! Pero ngayon habang kasalo ko si Yuan at Agatha magbreakfast parang hindi ko malasahan ang kinakain ko. Parang ngayon lang ako nawalan ng gana.
Gusto ko na talagang umuwi pero itong si Yuan sabi niya kumain daw muna ko bago niya ihatid pauwi. Nagluto pa naman daw siya para sa'kin. Nakakahiya naman. Naabala ko na nga siya kagabi tapos hindi ko pagbibigyan sa simple request niya to have breakfast with him and his 'girlfriend'
Napatingin ako sa dalawa, ayaw ko man aminin pero bagay sila. Maganda. Gwapo. Perfect combination. Bwisit ka destiny. Asan naman yung para sa'kin? May timer ako, oh!
"Ranna, pancake pa," alok ni Yuan sa akin at ipinaglagay pa ko sa pinggan ko.
Lihim akong nanalangin.
"Lord kung hindi siya para sa'kin...please baka naman pwedeng pilitin?"
"Hon, enough na, you might ruin my diet kung ipapakain mo sa'kin lahat 'to," nakangiting pigil ni Agatha nang akmang lalagyan pa siya ni Yuan ng pancakes and bacon.
"Kokonti palang nakakain mo," ani Yuan.
"This is too much na nga, eh, kay Ranna na lang. For sure hindi siya nagdadiet," ani Agatha kaya para akong nakarinig ng nabasag na plato. Actually pasensiya ko 'yun.
Iniinsulto ba niya ko?
"Agatha..." seryosong tawag ni Yuan at nawala naman ang ngiti ni Agatha at napatingin sa'kin.
"O my God, I'm sorry! I didn't mean to..." hindi magkandatuto si Agatha sa sasabihin sa akin.
Ngumiti lang ako pero ang totoo gusto ko siyang daganan hanggang magkabali-bali ang mga buto niya sa katawan. Plastic ampota.
"Okay lang. Kaya ko naman talagang ubusin 'to lahat, eh. Kulang pa. Minsan nga babawi ako sa'yo Kuya Yuan, papatikim ko sa'yo yung specialty ko," nakangiting sabi ko. Showing na hindi ako affected sa sinabi ni Agatha-mahadera.
"Lord kung siya ang hadlang. Please kunin mo na siya..." natawa ako sa salbaheng panalangin ko.
"Ow? Talaga? Ano naman specialty mo?" nakangiting tanong ni Yuan.
"Sinigang na baka. Yung buto-buto, sarap ngatngatin yun, eh," ngiti ko at pasimpleng tumingin kay Agatha na napainom bigla ng juice.
"Really? Favorite ko 'yan. My mom used to cook that. Comfort food ko 'yan," halatang natuwa sa sinabi ko.
Charot ko lang yun, eh. Parinig ko lang kay Agatha. Kung tingin niya, mataba ako, eh, siya naman buto-buto sa kapayatan.
"Eh...sige next time, dalhan kita," nasabi ko na lang.
"Naexcite ako bigla, ah? Asahan ko 'yan."
Naloka na. Papaturo na lang ako kay Mama kung paano yun? Marunong naman ako sa kusina pero mas gusto ko kasi ang mga may sarsang ulam kaya yun lang talaga gamay ko. Pero siyempre dahil nagrequest si Yuan, gagawin ko. Baka pa-farewell food ko na rin kasi baka hindi na ko makipag-communicate sa kanya after ko magawa request niya. May girlfriend na siya.
Hindi na siya pwedeng maging baby-daddy ng future baby ko. Nalulungkot ako kasi wala na kong makitang ka-level niya. Pero ano namang magagawa ko? Alangan namang lumandi ako at mang-agaw? Labag iyon sa principles ko bilang babae. Kahit bwisit tong si Agatha dahil halata namang pinaplastik lang niya ko still may delikadesa pa rin naman ako.

BINABASA MO ANG
The Need For His Seed [SPG 18+]
RomanceNang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to go under hysterectomy surgery na makakaapekto sa kakayahan niyang maging Ina baling araw. Ang sabi...