Chapter 14

4.4K 141 6
                                    

"She's pregnant..."

Tila paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi ni Yuan. Sa tagalog buntis si Agatha.

Bahagya akong humugot ng hininga, trying to compose myself dahil baka makahalata siya na affected ako.

"N-Nag-ano na kayo?" halos mautal na tanong ko.

"Nag-ano?" kunot noong tanong ni Yuan.

Gusto kong sampalin sarili ko sa tanong kong yun. Malamang nag-anuhan sila. Kaya nga najontis eh!

"Ah wala. Pero talaga? Wow congratulations! Ninang ako, ah?" pabirong sabi ko nang makabawi sa pagkabigla.

"Wala akong balak kunin kang Ninang Ranna," firm na sabi niya kaya lalo akong naoffend.

"Ay sorry. Ang FC ko naman. Of course nagvolunteer lang naman ako out of excitement..."

"FC?"

"Feeling close ako sa'yo ganun. Pero okay lang kahit hindi ako Ninang..."

Gusto ko na talaga ngumalngal dito. Napapahiya na ko ng bongga.

"Hindi ka FC. We're close Ranna. Ayoko lang kunin kang Ninang dahil..."

"Dahil?"

"It's not my child."

Napaawang ulit ang mga labi ko. Parang bukod sa tainga pati yata mga pata ko gustong magpalakpakan sa narinig. Pero siyempre hindi muna ako dapat mag-assume. Need kong makasure!

"I'm sorry what? If tama ang pagkakagets ko, if that's not your child then...she cheated on you?" pabulong na tanong ko pa.

"Yeah."

Napabuntong hiningang sabi niya.

Napahampas ako sa mesa kaya bahagya siyang napapitlag siya sa gulat.

"Ang kapal niya! Bakit? Ano pa bang kulang sa'yo? You're a good person. Added to that, ang pogi mo. You're smart...decent guy tapos..."

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansing seryoso siyang tumitig sa'kin. Di ko kinaya dahil parang pati soul ko magmimelt...

"Seems like I'm almost perfect to you...kung idescribe mo ko parang perfect 10, ah?" napangiti nang sabi niya.

"Hindi ba? Pero ang kapal talaga niyang EX mo. Teka brineak mo ba?"

"Of course."

"How did you find out?"

"She passed out while on our way for her work. I immediately brought her to the nearest hospital to check her up. According to the Doctor, she's 3 months pregnant. Paano mangyayari yun, eh, 2 months palang kami. Clearly hindi akin yung bata."

"Inamin ba niya kung kanino?"

"Sa ex daw niya. Kaso nagcheat daw sa kanya yun kaya sila nagbreak. But the fact na alam na niyang buntis siya bago ko pa siya mapacheck up, meaning ayaw pa niyang malaman ko. Tinago niya. That's already dishonesty. I hate people who betrayed someone for their own sake."

"Good riddance," tinapik ko pa siya kamay to show sympathy.

"Hindi ba ko masama?" tanong niya at medyo napapitlag ako ng bahagya nang hawakan niya ang kamay kong tumapik sa kamay niya.

"B-Ba't mo naisip yan?"

"Ako raw talaga mahal niya. Sabi niya pwede naman daw naming palakihin ang bata na hindi nalalaman nung ex niya. Natakot lang daw siya kaya hindi niya kaagad nasabi sa'kin."

"Pinapaako niya sa'yo?" umarko ang kilay na tanong ko.

"Ganun na nga," aniya at saka lang niya binitawan ang kamay ko

"Kapal niya. Wag ka pumayag. Pero...mahal mo pa ba?"

"I liked her."

"Like lang? Meaning hindi pa ganun kalalim feelings mo sa kanya?"

"Maybe. Kaya siguro hindi ako nahirapan makipagkalas. I'm a bit disappointed but I know I'll be okay. Wag na natin siyang pag-usapan. Tapos na rin naman kami."

"Yes. You'll be okay. Someday makakahanap ka rin nung talagang para sa'yo. Yung hindi magsisecret sa'yo. Yung palaging iisipin feelings mo. Welfare mo. Basta yung magiging honest sa'yo at ila-love ka ng sobra."

"Hope so. Di na rin naman ako bumabata..."

"So gusto mo rin talagang magkafamily someday?"

"Of course. Who wouldn't want that? Finding your own person, building dreams together. Having a family of your own with that right person. Saya siguro nun..."

"Ako na yun..." wala sa loob na sabi ko.

"Ha?"

"I-I mean ako rin, gusto ko rin ng ganun. Kung sakali ba ilan yung kids na napoforsee mo sa future?"

"The more the merrier. But of course ayoko namang pahirapan future wife ko. Maybe two or three, okay na yun. Eh, ikaw?"

"Bigyan mo muna ko manliligaw bago yang future kids na yan."

Napatawa siya.

"Oo nga pala. But seriously? Wala ba talagang nanliligaw sa'yo? Parang ang impossible naman."

"Parang bilib na bilib ka naman sa'kin na hindi ako mawawalan ng suitor? Ganda ko ba masiyado?" naiiling na sabi ko.

"Parang ikaw lang walang guts na hindi ka maganda. Ranna, maganda ka."

Napalunok ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ikaw na pinuri ng crush.

"Seryosong tanong lang Kuya Yuan..."

"Hmm?"

"Ah...'wag na pala. Diyahe."

"Come on. Ano ba yun?" nakangiting pangungulit niya.

"Kung hindi mo best friend ang Kuya, tingin mo pwede akong maging girlfriend mo? Yung honest answer lang, ah? Kahit negative pa 'yan...I wanna hear it pa rin."

Bahagya siyang natigilan. Naku! Naku! Baka masiyado akong naging prangka. Hindi nakakagirly...

Baka di pa naman trip nito ang mga babaeng masiyadong aggressive?

Well nasimulan ko na, eh, di go! Bahala na!

"I first saw you when your brother brought me to your house. You were that cute and shy 16 year old girl at the corner of your house..."

"And...?" hopeful na tanong ko.

"On your debu I am one of your 18 roses. Umattend din ako nung party mo nung nakagraduate ka sa college. So you see...I've seen you grow. I've seen you change. Hindi ba ko magmumukhang pedo kung..."

"We're just 3 years apart!" putol ko kaagad.

"If not a pedophile then a groomer. Magmumukha akong groomer kung ididate kita."

"Sira. Groomer ka diyan. Bakit attracted ka ba sa'kin nung 16 palang ako?"

"No," mabilis niyang sagot.

"See? Paano ka magmumukhang groomer niyan? Wala ka namang hidden desire sa'kin nung bubot palang ako. I know you're generous pero di mo naman ako araw-araw pinapaulanan ng regalo. That's one of the traits of groomers. Halos once in a blue moon nga lang tayo magkita nun lalo na nung nasa corpo world na kayo ng Kuya. Tapos nag-abroad ka pa. Ilang taon ka nawala...so balik tayo, do you see me as your possible girlfriend?"

"Are we seriously talking about this?" tanong niya at napainom talaga sa juice niya.

"Oo. Ang tanong ko lang naman is kung hindi mo bff ang Kuya ko, magugustuhan mo kaya ako?"

Napabuntong hininga siya. I know mali itong ginagawa ko, pero gusto ko lang malaman talaga para di na ko aasa kung sakali.

"Ranna. This is too risky to answer. But...yes."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa sobrang kilig. Kulang na lang mamilipit talaga ako!

"It's possible?" tanong ko pa.

"Yeah..."

"So possible din ba na gumawa tayo ng baby?!"

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon