Chapter 15

4.5K 142 9
                                    

Chapter 15

"O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Yuan nang masamid siya sa sinabi ko na kung pwede ba kaming gumawa ng baby? Siya tuloy ngayon ang muntik malaglag sa kinauupuan.

"I’m fine…seryoso ka ba? Baby? As in bata?" nakakunot noo at bakas talaga ang gulat sa mukha na tanong niya.

"Oo sana…"

"Ba’t parang nagmamadali ka? Kanina tinanong mo lang kung pwede kitang maging girlfriend? Tapos ngayon may baby ng included?"

"I’m sorry. Kasi I’m running out of time na…" napayukong sabi ko.

"Are you sick?"

Hindi ako nakasagot agad.

"Ranna?" untag niya at hinawakan pa ang kamay ko.

"May PCOS ako. Aside from that may endometriosis pa ko. Minimal palang naman pero need ko ng operahan para hindi na lumala. When that operation happened hindi na raw ako magkakababy..."

"So you need to conceive before the operation?"

"Nadale mo…"

Natahimik si Yuan pero nakatitig siya sa’kin na parang nanghihingi pa ng mas malalim na explanation.

"Just like any woman out there na gustong magkafamily sa future, ganun rin ako. Wala naman akong plano na ganito ko kaaga gagawin ‘to, eh. Pero mukhang hinihingi na ni destiny. Kaya sorry na sinasabi ko sa’yo ‘to. Baka lang naman kasi. I dated so many guys na, kaya lang wala talaga akong makita na passable na magiging Father ng baby ko. Siguro kasi hindi rin naman ako comfortable sa stranger. Ikaw na lang talaga nakikita kong pinaka-eligible,” hiyang-hiyang sabi ko.

Humalukipkip siya at naningkit ang mga mata.

"Alam mo bang kapag pinagbigyan kita, magkabilang sapak ang makukuha ko sa Kuya mo?"

"Igaganti kita promise."

Alanganin siyang natawa at napailing.

"Ranna…Ranna…" tawag niya sa pangalan ko na parang hindi alam kung ano’ng sasabihin. Eh, hindi naman kasi talaga madali ang hinihingi ko, eh.

"May deal naman, eh."

"Ano’ng deal?" maang na tanong niya.

"Hindi naman natin need magkaroon ng relationship. Pasakalye ko lang yung magiging GF mo ko para hindi ka mabigla dito sa totoo kong reason. Hindi kita oobligahin. Feel ko naman kaya kong magraise ng baby alone. May enough savings naman ako and stable naman work ko dun sa publishing saka-"

"At ano’ng akala mo sa’kin? Aso? Fck and run?" sansala niya na madilim ang mukha. Nagalit yata. Pero ang hot niya magsalita ng…fck…hehe.

Hinagip ko ang kamay niya.

"Uy…please 'wag ka magalit. Alam ko naman hindi ka ganun. Kaya nga ikaw yung napipisil ko di ba? Kasi matino ka. Ang ibig ko lang sabihin, alam ko naman na wala pa rin yata sa plans mo ang magkababy at ayaw kong mahassle ka, kaya hindi ka obligado na panagutan ang-"

"Kaya kitang panagutan," pabiglang sabi niya kaya napanganga talaga ko.

"P-Pumapayag ka na?" sumisikdo ang dibdib na tanong ko.

Napakurap siya, parang hindi rin makapaniwala sa nasabi.

"I didn’t say that…"

Gusto kong mapairap. Magpapakipot pa yata. Pero wala na kong time. Yes or no lang nito ang need kong sagot. Para makamake move na ko or walk away.

"Okay lang kung ayaw mo talaga. Mahahassle ka pa kasi, hahanap pa ako ng Doctor na papayag sa surrogacy-"

"Teka surrogacy?"

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon