Chapter 3
"Ranna!"
Napalingon siya nang bumukas ang pintuan. Pumasok ang pinsan niyang si Nico. O mas tamang tawaging Nica dahil nagladlad na ito after grumaduate ng college kesehodang itakwil ito ng sariling tatay. Ang dating maiksing buhok nito ay pinahaba hanggang bewang. At mas sexy pa sa kanya ang bewang ng talandi. At take note, mas babae pa sa kanya kung pumorma.
Nakacrop top ito at nakapink skirt with matching high heels. Papasa nga itong modelo para sa kanya dahil sa ganda.
"Ano? Naligaw ka na naman?"
"Sus 'to naman! Di mo ba ko namiss? 1 week akong nagfly away sa country, sige ka di ko ibibigay pasalubong ko!" nakairap na sabi nito habang nakasabit sa makinis nitong braso ang isang sosyaling paper bag.
Napangisi siya saka siya tumayo mula sa pagtipa ng sinusulat niyang nobela sa PC niya.
"Welcome back!" niyapos pa niya ito.
"Ewww! Wala ka pang ligo girl!" irap nito saka inabot ang pasalubong nito sa kanya.
"Tse! Salamat dito ah? Ano kamusta naman adventure mo?" excited na tanong niya saka ito hinila sa paanan ng kama para doon sila maupo at magkwentuhan.
Magmula nang itakwil ito ng mga magulang dahil sa pag-a-out ay namuhay ito ng mag-isa. Naging vlogger ito na lumilibot sa iba't-ibang lugar at bansa para sa magiging content nito. At proud na proud siya dito dahil naging sikat ito sa larangan na iyon. Hindi na rin naman siya nagulat na bading ito dahil mga bata pa lang ay magkasama na sila, kaya pilantik pa lang ng daliri nito pag naglalaro sila ay halata na niya.
"Hayun, ang daming pogi sa Spain day! May nakilala akong pogi! Ahhhh!" irit nito kaya napairit din siya.
"Weh? Patingin, may picture ka?" natatawang tanong niya.
"Wait lang! Wait lang. Meron! Ito!" hinugot nito ang smartphone sa sling bag nito at ipinakita sa kanya ang picture ng lalaking tinutukoy nito.
"Ay ang pogi nga!" tili niya kaya kinilig na naman ito sabay hampasan pa sila ng braso.
Ganoon sila pag nagkikita akala mo palagi'y may mga kaaway sa kanto sa lakas ng mga boses nila kung magkwentuhan.
"Alam mo sabi niya type niya ko. Balik ako dun next month. Meet kami uli. Alam mo girl, feeling ko siya na yung the one!"
"Baka the ika-one hundred. Pang ilang beses ko na 'yang narinig sa'yo sa bawat guy na namimeet mo!" tumatawang pambubuska niya.
"Tse! Hindi 'no! Basta ang bait niya. Gentleman."
"Sounds perfect. Tapos grabe ang gwapo, oh. Tangos ng ilong," pakli niya.
"For sure matangos din ang ano niya! Ayyy!" green minded na sabi nito kaya napahalakhak siya.
"Teka alam ba niya na ano...alam mo na?"
"Na vading ako? Oo naman 'no! Alam mo naman sa Spain, sobrang open sila sa mga tulad ko kaya no problemo sa kanya."
"Naks. Happy for you bakla! Sana nga siya na?"
"Sana nga. Kaya ikaw kilos-kilos! Baka maunahan pa kita?"
"Okay lang, hindi naman ako nagmamadali 'no?"
"Ayan na nga, masiyado kang chill. Masiyado kang nakakulong dito sa room mo. Kundi ka nagsusulat, nanonood ka ng mga romantic drama. Puro fantasies and imagination dumadaloy diyan sa system mo. Labas-labas din at lumandi-landi pag may time girl! Minsan sumama ka sa'kin sa paggagala ko para maiba environment mo."
BINABASA MO ANG
The Need For His Seed [SPG 18+]
RomanceNang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to go under hysterectomy surgery na makakaapekto sa kakayahan niyang maging Ina baling araw. Ang sabi...