Chapter 17

4.8K 152 8
                                    

Chapter 17

Hindi ako makatulog. Kinikilig ako. Kaloka. May first kiss na ko! At si Yuan pa!

Parang napifeel ko pa rin yung warm lips niya sa lips ko.

Ganun pala yung kiss? Walang lasa but it really feels good...

Sumubsob ako sa unan ko at dun umirit ng bongga. Para akong bulateng inasinan sa pangingisay.

Tama siya. Kiss palang yun. Paano na kapag nag all the way na kami? Baka himatayin na ko.

Since hindi rin pa rin naman ako makatulog, I decided na i-stalk ko na lang FB niya.

Wala naman masiyadong activity na pinupost ang isang 'to. Ang tipid. Kunsabagay sa busy niyang yun as successor ng family niya, wala na siyang time sa social media.

"Gwapo mo, 'lam mo yun?" kausap ko sa profile pic niya.

Napangiti ako. Isinave ko sa gallery ko profile niya.

Aba online pa siya. Gising pa?

Chat ko kaya? Ano namang sasabihin ko?

Sarap ng kiss niya? Hihihi. Talande...

Napabangon ako nang magpop ang chat head tapos pic niya yung lumitaw.

Gising ka pa?- tanong niya.

Bumilis na naman tibok ng puso ko. Naexcite.

Ikaw rin eh...- reply ko na may smiling emoji pa.

Can I call?

Nabulabog na naman sistema ko sa chat niya. Tatawag ang gwapo.

Okay...reply ko ulit.

Napamulagat ako nang makitang video call pala ang gusto niya.

Parang gustong-gusto niya makita lagi ganda ko. Naks. Kapal talaga ng taba ko.

Sinagot ko na iyon.

Di ko mapigilang mapangiti nang makita siya.

Ayyy! Naka eyeglasses! Parang mas pumogi. Parang Professor na masungit pero gwapo.

"Hi Ranna..." nakangiting bati niya.

Napansin kong iyon pa rin ang suot niya, minus the coat, parang wala pang balak matulog. Nakasandal siya sa swivel chair. I guess office niya yun sa bahay.

"H-Hello Kuya..." kaway ko.

"Kuya? Nagkiss na tayo, tapos Kuya?" kunot noong aniya.

Napahigpit ang kapit ko sa cellphone. Gagu. Pinaalala pa talaga. Nilalandi na talaga ko nito.

Gusto ko naman.

"Ah...oo nga, Yuan. Yuan."

"That's better..." nakangiting aniya at halos mangisay na naman ako dahil nakita ko talagang napalip bite siya!

Parang may naalalang hindi wholesome.

"Parang wala ka pang balak matulog?" sabi ko.

"May tinapos lang, magsashower na rin ako tapos tulog na rin. Ikaw? Ba't gising ka pa?"

Na off guard ako dun. Di ko alam isasagot.

"Ah...wala lang."

"Iniisip mo ko 'no?" pilyo ang ngiting tanong niya kaya halos ibalibag ko na phone ko sa kilig at hiya.

Can he read minds?

"Ay! Taray. Tara pa-facial scrub tayo, medyo kumakapal na fes natin, eh," pairap na sabi ko na ikinatawa niya.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon