Chapter 2

9.5K 175 9
                                    

Chapter 2

"Oy Ranna, ikaw na bahala dito sa pinagkainan, alis na kami," anang Kuya niya nang matapos silang kumain ng pananghalian.

"Copy master," nakairap na sagot niya dito.

Pasimple siyang sumulyap kay Yuan na nasa sala na, katabi ang malaki nitong maleta, napag-alaman niyang straight from the airport ay sa bahay nila ito dumiretso pagkatapos sunduin ng Kuya niya.

"Bakit nga pala dito siya dumiretso?" pabulong na tanong niya kay Riley.

"Sabi ko. Eh, kaysa naman kumain kami sa labas, mas okay na dito sa bahay bago kami dumiretso sa lakad niya. Saka lilipat din kasi siya ng bahay."

"Saan lakad niyo? Saka saan siya lilipat?"

Pinitik nito ang noo niya.

"Aray!"

"Tsismosa. Sige na, magligpit ka na diyan. Be sure to lock the door when we leave."

"Heh!"

"Ge na, pa-start lang ako ng kotse," anito at lumabas na ng bahay para ilabas sa garahe ang kotse nito.

Isa pa ulit sulyap sa nakatalikod na si Yuan ang ginawa niya bago niligpit ang mga pinagkainan. Pinagpatong-patong niya ang mga pinggan at dinala sa lababo. Muntik na siyang mapatili dahil pagbaling niya para kunin naman ang mga baso ay nasa likuran niya si Yuan.

Muling sumikdo ang puso niya.

Bago pa siya makapagtanong kung ano'ng ginagawa nito sa likuran niya ay nakangiting itinaas nito ang isang supot kaya napasulyap siya doon. May tatak na duty free.

"Pasalubong ko," sabi nito at iniabot sa kanya iyon.

Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo na gumuhit sa magkabilang pisngi niya dahil malapit na naman ito sa kanya tapos nakaplaster na naman sa mga labi nito ang simpatikong ngiti nito.

"A-Akin?"

"Siyempre, hmmm..." inuumang nitong muli iyon sa kanya kaya pigil niya ang panginginig ng mga daliring kinuha iyon.

"Ang dami. Thank you ng many dito," nasabi niya at payakap na kinuha iyon dahil medyo mabigat iyon.

"Ayos lang 'yan. Tagal din nating hindi nagkita, eh. Most of them has hazelnuts and almonds. Ganun trip mo di ba?"

"N-Naalala mo pala?"

"Of course, sige alis na kami. See you around," kaway nito.

"Ingat! Thank you uli dito," napakaway din siya.

"Welcome, nice to see you again," tugon nito bago lumabas ng bahay nila hila-hila ang maleta.

Parang tumigil saglit ang paghinga niya dahil sa sinabi nitong natutuwa itong nagkita silang muli kahit wala pa siyang ligo.

Ibinaba niya ang pasalubong nito at lumapit sa pintuan nila. Nahabol na lang niya ng tingin ang kotseng sinasakyan ng mga ito.

Lumabas siya para isara ang gate nila.

Napangiti siya. Sana magkita pa sila.

Nang makapagligpit ng pinagkainan ay umakyat siya sa kwarto bitbit ang pasalubong nito. Her heart was jumping with joy dahil naalala pa siya nitong pasalabungan. Take note, alam nito na may almond ang trip niya sa chocolate.

Binuksan niya ang aparador niya at kinuha ang isang kahon na de susi pa. Dinampot niya doon ang isang lumang wrapper ng chocolate na matagal ng nakatago doon.

She can still vividly remember na galing iyon kay Yuan. She was just 16 back then...

Nasa loob siya ng isang convenience store at maulan kaya susunduin siya ng Kuya niya. Galing siya sa birthday party ng isang kaibigan at ang usapan din nila ng Mama niya ay susunduin siya ng Kuya niya. Nakaupo siya at nakaharap sa glasswall ng naturang establisyimento.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon