"Yes!" Isang malakas na sigaw ang bumulahaw.
"Patay na! Ano na naman ito?" mahinang sambit ko sa sarili ko.
Maya maya pa may bumuhos na kulay berdeng likido sa buong katawan ko. Ang lamig, at ang lagkit nito.
"Sh!t! Isang drum na slime." Muling sambit ko sa sarili ko habang nakapako pa rin ako sa kinatatayuan ko at dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga tao sa palig ko.
Biglang may pumutok. Nagkalat ang confetti sa hangin. Unti unting bumagsak ang mga ito at isa isang dumikit sa basa at malagkit kong katawan. Nagmukha akong paper mosaic dahil sa makukulay at maliliit na pirasong papel na nakadikit sa akin.
Kinuyom ko ang mga palad ko. At sinimulan kong maglakad patungo sa kinatatayuan ng lalaking impakto na sagad sa buto ang kasamaan.
Punong puno na ako! Ito na ang huli! Ito na ang huli! Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko habang pabilis ang mga hakbang ko.
Huminga ako ng malalim at buong lakas na pinalipad ang kamao ko sa ere. Damang dama ko na lumanding ito, lumanding ito sa mukha ng hari ng kadiliman.
Ang saya ko sapul na sapul ang mukha niya. Lalo pang nadagdagan ang kasiyahan ko nang makita ko siyang unti unting bumagsak sa sahig.
"Yes! K.O." Malakas na sigaw ko at natahimik ang lahat.
Ako si Monique, walang sinumang makakahadlang sa akin para makamit ko lahat ng pangarap ko at pangarap para sa mommy ko.
Hindi isang tulad mo Dylan ang hahadlang sa akin.
I'm stronger and braver than you think!

BINABASA MO ANG
Everyday with Dylan
Novela JuvenilGiving up is not an option for Monique. She is a kind of girl who's willing to do everything just to fulfill all her dreams in life. And he is Dylan great villain who's willing to pull her down.