Chapter 12 Community service

11 4 2
                                        

MONIQUE'S POV:

Kinaumagahan pag pasok ko sa school, pinatitinginan ako ng mga studyanteng nakakasalubong ko.

Napayuko na lang ako habang naglalakad.

Sa di kalayuan, kitang kita ko si Dylan may benda sa kanyang ilong. At seryoso siyang nakatingin sa akin.

Pagpasoko sa room, nakapatong ang isang box sa upuan ko. Nilapitan ko ito, yung prize ko. Nabunot nga pala ang name ko kagabi as 1st prize winner. Napanhiti ako ng bahagya.

Nag ring na ang bell. Maya maya pumasok ang teacher na mukhang Ms. Tapia ng Iskul Bukol ang get up.

"Ms. Monique salazaaar at the fuidance office now." sabi nito.

Agad akong sumunod sa kanya. Kitang kita ko ang mukha ni Al, alalang alala siya.

*****

Pagpasok ko sa loob nakaupo na si Dylan doon, seryosong nakatingin sa akin.

"Be sitted Ms. Salazar" sabi nito sa matinis na boses.

"There's the telephone. Call for your parents." utos nito habang nakaturo sa telepono.

"Ma'am, a..m.. Wala po kasi ang mommy ko nasa abraod. Wala rin po akong guardian. Nag iisa lang po kasi ako ma'am. Kung ano man po ang magiging punishment sa akin dahil dun sa nagawa ko. Buong puso ko pong tatanggapin." mahinahong sabi ko habang namumuo ang mga luha sa mga mata ko. Ayaw kong istorbohin si Tita Zel. Ayaw ko ring malaman ni mommy.

"Oh, I see." mahinang sabi nito na mukhang naantig sa sinabi ko.

May kumatok sa pinto.

"Please come in." sabi ng guidance counselor.
Napatayu ito pagpasok ng nisita.

"Good morning Mr. and Mrs. Punzalan." masayang bati nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

"Have a seat." alok nito at naupo naman sa tabi ni Dylan ang mga magulang niya.

Hindi ako makatingin sa kanila sa sobrang hiya at takot.

"A girl, Dylan?" nakakalokong tanong ng daddy niya sa kanya.

Timaas ko ang aking mukha at tumingin sa kanila.

"Ow... Dear." sambit na mommy nito habang nakatingin sa akin.

Nakatingin lang si Dylan sa akin at hindi umiimik.

"Mr. and Mrs. Punzalan. Papalabasin ko na muna ang mga bata ha para makausap kayo. Wala kasing parent o guardian si Ms. Salazar na makakapunta, so kayo na lang muna ang kakausapin ko." mahinahong sabi nito.

Tumango lang naman ang dalawa at lumabas na kami sa room ng guidance counselor.

Nagtungo kami sa may hallway at nagantay. Nakasandal si Dylan sa gilid ng pinto, ako naman sa bakilang side. Hindi pa rin niya iniaalis ang tingin niya sa akin. Blangko ang ekspresyon ng pagmumukha niya.

Sinusulyapan ko siya maya't maya. Hindi naman niya inaalis angbtingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

Maya maya ay lumabas na ang mga magulang ni Dylan. Humarap sa akin ang daddy niya.

"Hija, kung ano man ang ginawa ng anak namin sa iyo ako na ang humuhingi ng sorry. Hindi kami kunsintidor na mga magulang." sabi nito sabay tapik sa balikat ko. Tiningnan ko siya at nginitian.

"Pumasok na kayo sa loob." sabi naman mommy niya habang nakatingin sa akin.

Agad naman akong pumasok dahil sa hiya.

"Hindi namin tinotolerate ang anumang hindi kanaisnais na gawain ng mha studyante dito. Magcocommunity service kayo ng three days as your punishment." walang kabuhay buhay na sabi ng guidance counselor. "Magsisimula na iyong ngayon. Hindi kayo papasok sa mga klase ninyo." dagdag pa nito.

Nanlulimo ako na lumabas sa office ng guidance counselor. Tatlong araw akong hindi makaka attend sa klase. Marami akong mamimiss na lesson. Hayup kasi itong hari ng kadiliman na ito.

*****

Sa garden

"Monique" tawag sa akin ni Manong Jani. Ito nga pala yung mga panlinis sabay aboy sa amin ni Dylan.

Kinuha ko ang mga ito at nagsimula ng magwalis sa garden at napabutong hininga.

"Monique" mahinang tawag ni Dylan sa akin. Hindi ko siya nilingon at magpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Hay sa wakas, natapos din." sabay upo ko sa isang bench.

Nakita ko si Al sa di kalayuan. Tatlong bag ang bitbit niya at ang box ng laptop.

Lumapit siya at inabot ang bag ko at ang box. Lumapit naman si Dylan sa amin para.kunin din ang bag niya.

"Mukhang pagod na pagod ka." nag aalalang sabi nito.

Tumango lang ako.

"Tara sa cafe, sagot ko." sabi ni Al sabay hawak sa kamay ko.

Hindi niya ito binitawan hanggang makarating kaming tatlo sa dito.

"Order ka na kahit ano." sabi nito habang nakangiti. Gustong gusto ko talagang tingnan si Al pag nakangiti siya.

"Brown sugar latte na at isang moist chocolate cake." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Yun lang?" tanong niya at tumango naman ako sa kagat sa pang ibabang labi.

"Mauna ka na dun." sabi nito sabay turo sa bakanteng lamesa.

Pinagmamasdan ko silang dalawa habang nag oorder sa may counter. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

Maya maya, lumapit na sila kinauupuan ko. Naupo si Al s tabi ko at sa tapat ko naman si Dylan.

"Alam mo Al, dito rin kami nagpupunta ng mga BFFs ko. Lalo pa depress kaming lahat. Sabi ko kay Al na tila parang kaming dalawa lang ang nasa table.

"Dito nga kita unang nakita." sabi ni Dylan.

Napatingin kaming dalawa ni Al sa kanya.

....moment of silence.....

"Mmm kain na." pagbabasag ni Al sa katahimikan.

"Hindi ka ba natatakot mag isa" seryosong tanong ni Dylan sa akin.

"Hindi. Sanay na ako." walang buhay na sagot ko.

"Ha? You're all alone?" Nagtatakang tanong ni Al.

"Yup. Simula ng nagtransfer ako. Kailangan e. For my future and for my mom. I know, nahihirapan na rin siya. That's why I have to cooperate and do my best." mahinahong sagot ko.

"Single parent kasi ang mommy ko. Isang picture lang ang tanging ala ala ko sa daddy ko. Hindi ko siya nakilala. At ni minsan hindi rin nag kwento ang mommy ko tungkol sa kanya. Ang salimuot na buhay ko no?" malungkot na pagkkwento ko.

"Bilib ako sa iyo ha." sabi ni Al sabay punas gamit ang daliri sa gilid ng bibig ko.

Kumuha ako agad ng tissue. Sabay punas. Napaka awkward naman....

Pinagmamasgan lang ako ni Dylan habang nagkkwento.

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon