Chapter 1 Goodbye

40 5 1
                                    


MONIQUE'S POV:

Hindi ko mapigilang umiyak kaya huninga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti para hindi maging mabigat at mahirap para kay mommy ang kanyang pag alis. Alam ko para sa aming dalawa itong pagsasakripisyo na ginagawa niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'll be okay mom. I'm a big girl now." sabi ko kay mommy habang nakangiti.

Agad akong tumalikod at naglakad papalayo. Hindi ko na nilingon si mommy para hindi niya makita ang mga luhang walang tigil sa pagtulo. Pinunasan ko ang mga ito at agad na lumabas sa airport.

Nakita ko si Tita Zel, nagaantay sa labas at dali dali akong sumakay sa kotyse niya at agad naman niya itong pinaandar.

*****

Earlier this week

"Nakahanap na kami ng bagong apartment. Malapit lang iyon sa tinitirhan ng Tita Zel mo. Kung may kailangan ka, wag kang mag atubili na lumapit sa kanya." sabi sa akin ni mommy habang nililigpit ang mga gamit niya.

Paalis na siya next week. Pupunta siya sa ibang bansa para makipagsapalaran.

May trabaho si mommy dito sa Pinas pero kakarampot lang ang kinikita niya. Isang  taon na lang kasi mag sesenior high school na ako. Gusto niyang sa isang magandang university ako makapag aral ng senior high para di ako mahirapan pag mag college ako kaya naman ginagawa niya ang lahat para maibigay ang lahat ng pangangailangan ko kahit na wala siyang katuwang sa buhay para buhayin ako.

"Opo mommy." Mahinahong sagot ko habang pinapanood siyang magimpake.

"Naenrol ka na rin pala ng Tita Zel mo. One ride lang yung bago mong school doon sa apartment." dagdag na sabi ni mommy.

Unti unting bumigat ang pakiramdam ko, kasi huling taon ko na sana ito sa school bilang junior high student pero nakakalungkot lang talaga na kailangan kong iwan ang lahat.

Napabuntong hininga na lang ako.

*****

"Dali na Monique, huling box na lang naman iyan. Buhatin mo na." utos sa akin ni mommy.

Agad ko naman itong binuhat papasok sa studio type na apartment.

Kamag anak ni Tita Zel ang may ari nito kaya nabigyan kami ng malaking discount.

Hindi kamag  anak ni mommy si Tia Zel. Bestfriend niya ito pero para silang magkapatid. Dalaga pa si Tita Zel. Mukhang walang balak mag asawa, kasi busy siya sa mga business niya. Mula noon, siya lang ang tanging karamay ni mommy sa lahat. Gusto aking patirahin ni Tita Zel sa janila, pero nahihiya si mommy. Si Tita Zel kasi ang nag aalaga sa mommy nitong may Alzheimer's disease. Hirap naman kung dadagdag pa ako.

Unti unti naming inayos ni mommy ang mga gamit sa apartment.

Tumunog ang aking cellphone. It's a text from Aemie. Agad kong binasa ito.

From: Aemie

Hangout!

Sinulyapan ko si mommy, nakikipag isap siya kay Tita Zel.

Nagreply ako.

To: Aemie

Where?

Muli siyang nagtext.

From: Aemie

My place

Nagreply akong muli.

To: Aemie

Coming

Lumapit ako sa kinauupuan nila mommy at Tita Zel.

"Mom, can I hangout with my friends. I just want to say goodbye." paalam ko kay mommy.

"Okay be back before 9" malambing na sabi nito.

Agad kong kinuha ang sling bag ko at agad umalis.

*****

Aemie's place

Pinindot ko ang doorbell sa may gilid ng gate, agad namang lumabas si Aemie para pagbuksan ako.

"Buti pinayagan ka ng mommy mo." masayang sabi nito.

"Sabi ko kasi I'll hangout with you to say goodbye." sagot ko sabay ngiti.

Pagpasok namin sa loob andoon pa yung ibang girlfriends namin. Malungkot ang mga pagmumukha.

"Cheer up girls, hindi naman ako pupunta sa ibang bansa. Lilipat lang ako ng school." sabi ko sa kanila hagang pilit na ngumingiti.

"Aw, hindi na tayo kumpleto sa pasukan. Nakakalungkot naman." nakasimangot na sabi ni Chariz.

"Pwede pa naman nating gawin ito di ba kahit na hindi na tayo magkakaklase, we're still BFFs" giit ko.

Malungkot parin ang pagmumukha nila

"Kumain na nga lang tayo sa may café. Kain tayo ng chocolate ceke with chocolate drinks para di tayo madepress mga bess."
giit naman ni Zoe.

"Let's go girls" anyaya ni Aemie.

*****

At the Café

Nakapila na kami sa counter para magorder. Puro may chocolate nga inorder ni Chariz. Naupo kami sa may bakanteng mesa at nagkwentuhan habang sarap na sarap sa aming kinakain. As if it's our last.

Bumukas ang pinto ng café at may pumasok na mga kalalakihan.

"Ow he's so cute." sambit ni Aemie habang kilig na kilig.

Napalingon kaming tatlo. Sino kaya diyan yung sinasabi ni Aemie, parang lahat sila cute.

Nakaagaw ng pansin ko yung lalaking nakasuot ng black na jacket. Agad akong bumalik sa pagkain habang patuloy sa pagpapacute tong tatlong kasama ko. Napatingin tuloy ako sa relo ko. Past 8 na. Kailangan ko ng umuwi.

"Girls I have to go. Godbye" paalam ko sa kanila.


Chocolate is a top dietary source of tryptophan, an amino acid precursor to serotonin, the neurotransmitter of happiness and positive mood.

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon