Chapter 5 Instant haircut

24 4 0
                                    

MONIQUE'S POV:

Buti na lang late na nagvideo call si mommy kagabi. Hindi ko na nakwento yung nangyari sa akin. Baka kasi mag alala pa siya.

Kailangan ko ng umalis para di ako malate.

Pagpasok ko sa gate, nakita kong nakatambay ang hari ng kadiliman kasama ang mga alagad nito malapit sa guard house.

Proud na proud akong naglakad at huminto sa harap nila sabay ayos ng backpack ko na tila ba sinasabi sa kanila na I found it dumb ass.

Nanlaki ang mga mata ni Dylan. He look so pissed dahil doon sa ginawa ko abot tainga naman ang ngiti ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang room.

"Paano niya nahanap iyon?" pasinghal na tanong nito at nagkibit balikat naman ang mga alagad niya.

Pagpasok nila sa room, masama ang tingin niya sa akin. Umalingawngaw na naman ang bulungan sa loob ng room.

Tiningnan ko rin siya may pang aasar hanggang makaupo sa upuan niya.

Ilang araw pa lang ako dito feeling ako eternity na ang tinagal ko. Ilang buwan lang Monique, para kay mommy. Pero tila ang tagal ng araw. Lalo pa't lagi kong nakikita tong hari ng kadiliman na ito.

"Hayst everyday with Dylan is chaos omeged!" mahinang sabi ko sa sarili ko sabay iling.

Inayos ko ang mahabang buhok ko. Nakita ko sa sulok ng mga mata ko na nag smirk si Dylan. Ano na naman kaya ang balak nitong hari ng kadiliman na ito.

Nagpalit sila ng pwesto ng nakaupo sa likod ko. Naku! Masama ang kutob ko sa binabalak niya.

Nakadama ako ng init. Maalinsangan kasi. Inipon ko ang buhok ko at tinali ito para mabawasan ang init. Effective.

Ayaw ko kasing magpagupit. Ilang taon ko ring pinaghirapang pahabain tong buhok ko. My jet black hair.

Natapos na ang ilang subjects pero wala pang ginagawa si Dylan. Buti naman.

Paglabas ng teacher nakarinig ako ng tunog na di ko nagustuhan.

Ksshhiiikkkk...mayamaya nagsilaglagan ang mga buhok ko sa sahig natulala ako sa nakita ko. Nagkalat ang mga buhok ko.

Tinanggal ko agad ang pagkatali para makita kung gaano kahaba ang natira. Yung mahaba at jet black kong buhok na hanggang baywang naging hanggang balikat na lang. P*cha! Di ako iiyak, buhok lang yan Monique. Buhok lang yan.

Tumayo ako pinagpag ang sarili ko sabay tingin kay Dylan.

"Thank you for my instant haircut. I like it!" sabi ko habang nakangiti at hawi sa buhok ko. Pero deep inside gustong gusto kong isaksak sa ngalangala niya gunting na hawak niya.

Nagtungo ako sa box na lagayan ng mga walis. Kumuha ako ng walis at dustpan at winalis ang mga nagkalat na buhok sa sahig.

Pinanood lang ako ni Dylan habang nagwawalis. Pero mukhang naguiguilty siya sa ginawa niya. Wala siyang imik at di gumalaw sa kinauupuan miya.

Maya maya pumasok ang PE teacher namin. Tinapon ko ang mga buhok ko sa trash bin. Laking panghihinayang ko sa mga ito. Binalik ang walis at dustpan at naupo sa upuan ko.

Nakatingin lang si Sir Mar sa akin may pagtataka sa mga mata niya.

"What's happening here?" tanong niya sa seryosong tono.

"I just got a new haicut sir. And I love it." sabi ko sa kanya sabay hawi sa bukok ko. Buti hindi halatang fake ang smile ko. "And thanks to Dylan, I just saved 500 pesos." dagdag ko sabay tingin sa kanya. Nakita ko na agad niyang binitiwan ang gunting na hawak niya.

Gulat na gulat pa rin ang mga classmates namin dahil sa ginawa ni Dylan sa akin at sa naging reaksiyon ko sa ginawa niya.

"By the way, nag iiscout kami para sa boxing team. Who's interested?" tanong ni Sir.

Nagtaas ako ng kamay.

Tumango tango si Sir Mar.

"3:00 pm suspended na lahat ng classes para sa mga mag t-try outs sa differwnt sports" dagdag pa nito.

*****

Nagbihis ako para sa try out. Black na sando at shorts. Pang boxing outfit.
Bitbit ko ang bag ko. Buti na lang sinamahan ako ni Clare.

Habang naglalakad kami papuntang gym nakita ko sila Dylan papunta din doon.

"Monique, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sa akin.

"Oo naman." tipid na sagot ko at ngumiti sa kanya.

Pagpasok ko sa gym nakita ako ni Sir Mar. Kinawayan niya ako at agad kaming lumapit ni Clare.

"Paki bantay yung bag ko ha." mahinang sabi ko sa kanya at agad na nagtungo sa ring.

Nakita ko yung classmate kong nagabot ng sandwich sa akin, nakabihis pang boxing din siya.

"This is Al, two years na siyang nakikicompete sa boxing. Gold medalist ko iyan." pagpapakilala ni Sir Mar kay Al.

Al pala pangalan niya.

"Halika lagyan na nating ng bandage yang kamay mo, para maisuot mo na tong gloves." sabi niya habang nakangiti.

Nakita ko yung bwisit na hari ng kadiliman, naka upo sa may bleachers.

Napansin ni Al na nakatingin ako sa kinauupuan ni Dylan.

"Wag mo na lang pansinin yan. Start na tayo. Sparring tayo." yaya niya sa akin.

Nagstretching ako ng bahagya at tumalon talon. Maya maya pa nakuha ko na ang momentun ko.

Jab jab punch. Jab jab punch...naka focus ako sa ginagawa ko.

Napansin ko, na napapaatras na si Al at napapalakas na rin ang bawat suntok ko.

"Sige, ilabas mo lang yang galit mo sabi niya sa akin." nagpatuloy kami sa aming ginagawa. Hanggang sa natamaan ko siya sa panga. P*cha, natumba siya.

Napatayo si Sir Mar at agad na lumapit. Naupo naman agad si Al. Nilapitan ko na rin siya.

"Sorry...sorry Al, di ko sinasadya."
Sabi ko sa kanya habang nakaluhod sa tabi niya.

"First time mong bumagsak Al." sambit ni sir Mar na may pagkamangha.

"Tanggap ka na." sabi naman nito sa akin.

"Thank you po." sabi ko kay Sir. Inalalayan namin si Al, mukhang hilo pa. Inupo namin sa may stool sabay tanggal ko ng protective gear sa ulo niya.

"Ang lakas mong sumuntok. Babae ka ba talaga?" pangaasar na sabi nito sabay hawak sa panga.

"Oo alam ko maliit yang mga iyan" sabay tingin sa hinaharap ko "pero babae po ako." dagdag ko pa.

Tumawa naman sila ng malakas.

Please vote, comment and share.😊😊😊











Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon