MONIQUE'S POV:
Ano ba tong napasukan ko na school? Bakit ganoon ka bastos yung hari ng kadiliman na iyon? Tanong ko sa aking sarili habang kumakain sa may garden area.
Maya maya, may lumapit na mga babae sa akin.
"Hi." bati ng mga ito sabay ngiti at kaway.
"Hi." sagot ko naman
"Monique, right?" sambit ng babaeng kulot ang buhok at brown eyes.
"I'm Clare. This is Natalie ang she's Hailey." pagpapakilala nito sa kanila.
"Nice meeting you guys." sabi ko sabay alok ng kamay para makipag shake hands.
"You're so brave." sambit ni Clare.
"Hindi ka ba natatakot sa kanya?" tanong naman ni Hailey.
"Why should I?" patanong na sagot ko kay Hailey.
"Because he's crazy, he's insane, he's a freak, he's stupid!" bulalas naman Natalie habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Gago nga talaga yung tao na yon." mahinang sambit ko.
"May nagawa rin bang kagaguhan yung hari ng kadiliman na iyon sa inyo?" tanong ko sa kanila.
Tumango silang tatlo.
"Anong ginawa niya sa'yo Clare." tanong ko.
"He burnt my hair while doing the experiment. Hindi ko kasi siya sinale sa group namin. Tapos sabi niya di sadya, pero kitang kita ko nilapit niya yung gas lamp sa buhok ko. Buti hindi nasunog lahat." mangiyak ngiyak na sabi nito.
"What about you Natalie?"
"Tinago lang naman niya yung isa sa mga projects ko kaya na incomolete ako." sagot nito.
"Oww!" bulalas ko.
"Lahat ng bumabangga doon o kumokontra ginagawan niya ng kagaguhan. Kaya malakas yung loob niyang gumawa ng katarantaduhan kasi stock holder ang parents niya dito sa school." sabi naman ni Hailey.
"Kaya ikaw umiwas ka na lang sa kanya. Baka mapahamak ka." Nagaalalang sabi ni Clare.
"Ow, I see. Wag ninyo akong alalahanin girls. I can handle myself" sabi ko sabay ngiti.
Napatingin si Clare sa likod ko. Napansin ko unti unti silang umaatras.
"Speaking of the devil, the devil is coming." sabi ni Natali at tuluyan na silang naglakad papalayo.
Hindi na ako lumingon dahil alam kong mabubwisit lang ako sa makikita ko.
May biglang umupo sa tabi ko. Binale wala ko lang ito.
"Isnabera dude." sabi nung isang kasama niya.
Hindi ko sila pinansin. Nakatingin ako sa kawalan as if wala akong nakita. Kaya naman inakbayan niya ako.
Tinanggal ko agad ang pagkakaakbay niya at kukunin ko na sana ang sandwich ko para makaalis at makaiwas na, bigla niya itong kinuha.
Tiningnan ko siya ng masama. "Put it back." mahinahon na sabi ko.
"I don't like." sabi nito sabay kagat.
Tiningnan ko lang siya habang kinakain ang sandwich ko na minsan ko lang nakagatan. P*cha tong bwisit na ito. Sambit ko sa sarili sabay kuyom sa aking mga kamay. Nangangati ang mga ito. Gustong gusto kong manapak kaya lang naisip ko bago pa lang ako dito ayaw kong magka record.
Sinubo pa niya ang mga daliri niya na tila sarap na sarap sa kinain niya.
"May lason yan." mahinang sabi ko sabay tayo at agad na umalis.
Kitang kita na iniluwa niya ito. Mamatay ako sa tawa dahil sa ginawa niya.
Agad akong bumalik sa aming room. Naupo ako sa may upuan ko at kinuha ang thumbler sa bag ko para uminon na lang ng tubig. Mahaba haba pa ang oras. Sana di ako gutumin. Nakakainis talaga. Ang ganda ng experience ko ngayong araw na ito. #bestfirstdayever. P*ucha. Napamura na lng ako sa pagka inis.
Maya maya may naupo sa upuan sa tabi ko. May inabot siyang maliit na paper bag. "Kainin mo na yan. Sandwich yan at wala iyang lason." nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
Binuksan ko ang paper bag at inilabas ang piraso ng tinapay. Tiningnan ko lang ito kasi nagdadalawang isip ako kung kakaunin ko o hindi. Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa tinapay at kinagatan niya ito.
"I told you. Walang lason iyan." sabi niya sabay smirk.
Kinain ko yung tinapay. Maya maya pa ay nag ring na yung bell. Pumasok na ang iba pa naming classmates pati ang teacher.
Wow she's so beautiful. Napakaseksi pa.
Nagfocus na lang ako sa pakikinig.
Sa wakas natapos din ang buong araw.
Please vote, comment and share.😊😊😊
BINABASA MO ANG
Everyday with Dylan
Teen FictionGiving up is not an option for Monique. She is a kind of girl who's willing to do everything just to fulfill all her dreams in life. And he is Dylan great villain who's willing to pull her down.
