Chapter 16 Yes

18 4 5
                                    

Kinakabahan ako. First fight ko ito. Ang daming tao sa paligid. Nakita ko Al at si Sir Mar, naka thumbs up silang dalawa sa akin.

Nakita ko si Dylan. Mukhang mas kinakabahan pa siya sa akin. Nadagdagan tuloy ang kaba ko.

Sinenyasan kami ng referee na mag lapit ng aking opponent. Binanggit ang rules. Nagkamayan kami. Parang feast bomb. Muling pinag layo. Nag ring ang bell. Hudyat na simula ng ng laban.

Humakbang ako papalapit. Sinayaw sayaw ang katawan ko. Jab jab isang suntok ang pinakawalan ko. Tumama agad sa mukha. Bagsak agad!

"Yes!" napasigaw ako pero naawa ako sa kalaban ko. Agad na hininto ng referee ang laban.

Nakita kong nakatayo sina Al at Sir Mar. Gulat na gulat. Andun na ring sa tabi nila si Dylan. Pumapalakpak.

"Naka isa ka na Monique" sabi ni Sir Mar sabay tap sa balikat ko.

Pinanood pa namin ang laban ng iba pa naming ka team. Panalo kaming lahat.

*****

Day 2

Balita ko magaling itong makakalaban ko. Ito na naman kinakabahan ako. Nasa likod ko si Sir Mar.

"Kayang kaya mo yan Monique." bulong nito sabay higpit ng gear ko sa ulo.

Nag ring ang bell.

Lumapit kami sa isat isa ng opponent ko nagtatantiyahan ng galaw. Jab jab punch. Pasok. Mukhang hindi niya ininda ang unang suntok ko. Sayaw sayaw habang humahakbang. Pasuntok siya, nailagan ko sabay counter punch. Napaatras siya. Napangiwi. Sugod sugod jab jab. Ganoon din siya puro jab. Nang makuha ko na ang momentun ko nagpakawala ako ng isang conbination jab-right cross tapos sinundan ko ng jab-cross-left hook. Nakita ko ang unti untimg pagbagsak na opponent ko.

Nanlaki ang dati ng malaking mga mata no nang makita kong bumagsak ang opponent ko.

"Yes!" sigaw ko napatingin ako kay Dylan, nakahawak sa dibdib napahinga pa ng malalim.

*****

Day 3

"Monique, pang gold medal na itong last na laban mo. Manalo ka man o matalo, okay lang. Alam namin ibinibigay mo lahat pag nasa ring ka." mahinahong sabi sa akin ni Sir Mar.

Nakita ko si Dylan, mukhang lagpas na sa langit ang dasal.

Sabi nila marami ng exoerience ang kalaban ko. Madalas gold ang nakukuha niya. Tyson ang tawag nila dito.

Nung nakita ko ang opponent ko "P*cha, lalaki ata ito!" sambit ko at nilunok ang laway ko.

Nag ring ang bell, hudyat na simula na ang laban

Lumapit kami sa isat isa. Hakbang sayaw sayaw. Ganoon din ang ginagawa niya. Mukhang ginagaya ako. Jab-jab-straigt. Nasangga niya. Bumato sin siya ng suntok. Nasangga ko. Pero napa atras ako.

P*cha ang lakas sabi ko sa sarili ko.
Focus focus jab-cross-left hook. Pasok. Nag counter punch siya pasok din. Napaatras ako. Medyo nahilo ako. Talon talon. Focus. Nagbato ako ulit nh isang combination jab-right uppercut-left hook-right hand. Parang nag slowmotion ang buong paligid.

Unti unting bumagsak ang kalaban ko. Hindi ako makapaniwala.

Tumakbo agad si Dylan sa akin sabay yakap ng mahigpit. Paglingon ko nasa tabi ko na rin sina Sir Mar at Al. Tuwang tuwa.

Hindi pa rin ako makapaniwala na natalo ko siya.

"Winner by TKO Monique Salazar" in announce ng referee sabay taas ng kamay ko.

Maya-maya may babae at lalaki na papalapit sa ring. Nang makilala ko kung sino, si mommy at daddy. Magkaholding hands pa sila at sabay kumaway sa akin.

Naiyak ako.

Maya maya sinuot na nilanyung gold medal sa akin.

"Yes!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Automatic na napatingin ako sa taan. May nahuhulog. Tinakpan ko ang ulo ko. Nang hindi ito bumagsak. Muli akong tumingin sa itaas.

MONIQUE SALAZAR WILL YOU BE MY GIRL? basa ko sa tarpaulin na nakasabit.

Nakita ko si Dylan na may bitbit na bouquet na bulaklak at isang teddy na nakasuot ng boxing gloves. Lalong nagsunod sunod ang patak ng muha sa aking mga mata. Lumapit sa akin si Dylan sabay sabing "Monique Salazar, will you be my girl?"

Tumigil ang mundo, ang bilis na tibok ng puso ko.

Isang malakas na "Yes!" ang sigaw ko.

Lumapit siya sa akin sabay yakap. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Nakita ko si mommy at daddy, masayang magkayakap sa may baba ng ring.

*****
MONIQUE'S POV:

Kung dati everyday with Dylan is hell/chaos, now everyday with Dylan is life. Sa kanya na umiikot ang mundo ko.

He's very supportive, understanding, caring and loving.

Natapos namin ang junior high with flying colllars at sa isang magandang university kami nag senior high.

Buo na rin ang family ko. And thanks to Dylan.

Now I'm spending my EVERYDAY WITH DYLAN.

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon