Chapter 10 Boxers

10 4 1
                                    

AL' POV:

"Dude, are you out of your mind?!" pasinghal na sabi ko kay Dylan.
"Ginaw na ginaw na siya kanina sa CR. Buti na lang dumaan ako doon." dagdag ko pa habang nakatingin sa kanya.

As usual walang reaksiyon si Dylan habang kinakausap ko siya.

"Hindi ka ba naaawa sa kanya? Dagdag na tanong ko.

"Do you like her?" walang buhay na tanong niya sa akin.

Natigilan ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya.

"Dude, magkaibigan nga talaga tayo." sabi niya and he smirked. "Pareho tayo ng gusto." dagdag pa nito.

"Tutal we're feiends, let's have a friendly competition. May the best man win!" sabi nito sabay abot na kamay para makipag shake hands.

"Sira ulo!" bulalas ko sabay tapik sa kamay niya.

"I'm damn serious dude." pagpipilit nito.

"Whatever Dylan!" sambit ko sabay iling.

"Let's go" sabi ko sa kanya.

"Al, what's the real score between you and Monique?" seryoso ang tono ng boses niya.

"Zero." tipid na sagot ko. "If you like her, why are you treating her like that?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya.

"You're far different from the Dylan that I used to know."

*****
DYLAN'S POV:

I have to admit I'm jealous. But Al is my friend. Not just friend - para ko na siyang kapatid. Mula kinder magkaibigan na kami.

Nung makita ko silang masayang nag uusap ni Monique sa convenient store, sobrang selos ko, lalo pa't nung makita ko na suot suot niya ang damit ni Al. Ako sana ang magbigigay sa kanya ng extra shirt pero wala na siya sa CR ng balikan ko siya.

"Aarrgghh" sabay lamukos sa mukha ko.

When he ask me why I treated Monique this way. Damn I want to get her attention. Sa lahat ng babae sa campus siya lang ang di nakakapansin sa kagwapuhan ko. Bulag ba yung bruhang iyon? Hindi ko talaga siya maalis sa isipan ko.

*****

MONIQUE'S POV:

"Parang may kulang dito sa gamit ko." sambit ko habang iniisip isa isa ang mga gamit na nilagay ko kanina.

"P*cha! Nawawala boxers ko. Ano kaya yung gagawin ng hari ng kadiliman doon?" nag aalalang tanong ko sa aking sarili.

Napahiga ako sa aking kama dahil sa inis at pagod. Naalala ko si Al. Buti na lang dumating siya. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kanina.
He's so nice. Bakit kaya sila naging magkaibigan nung hari ng kadiliman na iyon?

At yang Dylan na yan, kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya. Ano pa kayang kagaguhan ang gagawin niya sa akin. Ito ang mga bagay na gumugulo sa isip ko habang nakatingin ako sa kawalan.

"Konting tiis na lang Monique. Para kay Mommy. Haist! Everyday with Dylan is hell"

*****

The next day...

Habang naglalakdad ako, napansin ko may mga nagtatakbuhang estudyante. 

"May boxers sa flagpole!!! May boxers sa flagpole!!!" sigaw nung isang studyante.

Nang makarating ako sa open grounds, kitang kita ko ang boxer ko na nawawala. Nakasabit ito at inililipad lipad pa ng hangin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.

"P*cha, buti walang pangalan iyon." nakita ko si Manong Jani na dali daling nagpunta sa may flagpole para ibaba iyon.

*****
Duribg lubch time nagkakagulo ang mga students sa cafeteria, nakita ko si Dylan at nakapatong sa lamesa.

"Sun-sun-suntukan!" paguudyok nito sa dalawang grade 7 na naiiyak na.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. At dahil busy ang lahat walang nakapansin sa akin.

Hinatak ko pababa ang jogging pants niya. Natigilan siya s kanyang ginagawa at nagtinginan din ang lahat sa kanya. Kitang kita ko na parehong pareho yung boxers ko na nakasabit sa flagpole at ang boxers na suot niya.

"Kay Dylan yung boxers na nakasabit sa flagpole!" sigaw ko sabay takbo. Dinig na dinig ko ang hiyawan sa loob ng cafeteria habang papalabas ako.

"Run for your life!!!" napakalakas ng sigaw nito.

Hinto ako saglit para habulin ang hininga ko. Paglingon ko nasa likod ko na si Dylan, ang sama ng tingin sa akin. Kumaripas ako ulit ng takbo at lumiko hanggang sa may nabangga ako at napaupo.

Gulat na gulat ako sa nakita ko. P*cha ang terror na principal. Natulala ako.
Iniabot niya ang kamay niya sa akin.

"What are you doing here young lady?" tanong niya habang tinutulungan akong tumayo.

Biglang sulpot sulpot ni Dylan at napahinto rin.

"And you Mr. Punzalan, what are you doing here during class hours? Why are you loitering around?" seryoso ang tono ng pananalita.

Nakakatakot ang mukha niya para siyang kakain ng tao. Lalo pang lumalaki ang butas ng ilong.

Hinigit niya ang aking braso lumapit kay Dylan at ganoon din ang ginawa niya. Binitbit niya kaming pareho hanggang makarating sa room sabay tulak sa aming dalawa para makapasok sa loob.

Para kaming preso na nahuli ng pulis.

"No loitering around during during class hours!" sigaw nito. Kinilabutan tuloy ako.

Pagtalikod niya, agad akong umupo sa aking upuan, tagaktak ang pawis at humahangos pa rin.

Mas gusto ko ng mabitbit ng terror na principal kesa mamatay ka mga kamay ng hari ng kadiliman.

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon