Chapter 4 Three points

16 4 0
                                        

MONIQUE'S POV:

"Tita Zel thank you po sa masarap na breakfast." malambing na sabi ko Tita Zel.

"Sorry Monique, ngayon lang kita napuntahan. Si Mama kasi, may sakit na naman. Ilang days din siyang nasa hospital." malungkot na sabi nito.

"Don't worry about me Tita Zel. I'm okay. Constant naman ang communication namin ni mommy. By the way how's lola?" tanong ko kay Tita Zel na may pag aalala.

"She's quite okay." walang buhay niyang sagot. "By the way, how's school?" tanong nito.

"Ammm...great." sabi ko at pilit ngumiti.

"Ihahatid na kita. Sakto I'm on my way to my shop." sabi nito kaya naman nagmadali na akong kumilos.

*****

Pagpasok ko sa gate, nakita ko si manong Jani. Mukhang marami na siyang nawalisan

"Good morning manong Jani."  masayag bati ko sa kanya.

"Good morning. Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya sabay punas ng pawis.

"Monique po." sagot ko kanya sabay ngiti.

Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante. Ang iba naman ay nagbubulungan. "Siya yun, siya yun." sabi nila.

Nagbubulungan pa talaga sila, e naririnig naman.

Napahinto ako sa may locker ko, may nakapaskit dito. Isang emoji na x x ang mata. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tanong ko sa aking sarili.

Tinanggal ko ito, kinrampol sabay tapon sa trash bin. Three points.

Nang buksan ko ang aking locker para kunin ang ibang notebooks ko, nanlaki ang mga mata ko. May nakapaskil din na ganon sa loob. "Nabubuksan nila ang locker ko." mahinang sabi ko. Agad agad ko itong tinanggal at kinrampol. Muling itinapon sa trash bin sa di kalayuan. 3 points ulit. Nilagay ko na ang ibang gamit ko sa bag at nagtungo sa room.

Habang kasalukuyan ang klase may biglang bumato sa akin. Nakita ko itong nahulog sa sahig. Binilot na papel. Hindi ko na lang ito pinansin. Maya maya. May bumato ulit ng ilang beses. Pasimple kong inilabas ang maliit na salamin sa aking bag. Tumagilid ng bahagya, kitang kita ko si Dylan ang bumabato sa akin. Sabay hagikgik. Nakaupo siya sa may likuran ko.

Inipon ko lahat ng mga maliliit na papel. Mahigit 30 piraso ang mga ito. Hindi ko pinahalata na naiinis na ako. Buti na lang favorite ko yung subject - Math.

Pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin sa last period dinakma ko lahat ng piraso ng maliliit na binilot na papel at ibinato ko ng minsanan sa mukha ni Dylan. Nagulat ang lahat sa ginawa ko maging si Dylan na hari ng kadiliman.

Tumakbo ako palabas at nagtago ako kung saan saan. Kung saan saan ako nag sususuot. Hanggang sa naalala ko ang bag ko.

"P*cha! Andun yung wallet at cellphone ko andun din yung susi ng apartment. I'm doomed." sambit ko at napaupo. Nag isip ako sandali. Naalala ko si Manong Jani. Nag antay pa ako ng ilang oras. Mukhang wala ng estudyante. Kaya lumabas na ako sa pinag tataguan ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan!" bulalas ng isang mama si likuran ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Naririnig ko papalapit ito sa akin pero di ako makagalaw. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pagharap ko si Manong Jani ang bumungad sa akin.

"Manong, ikaw pala. Akala ko kung sino na." mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin.

"Tinataguan ko po si Dylan." sagot ko sa kanya.

"Naku, yung lokong iyon. Ano ang ginawa niya sa'yo?" nag aalalang tanong niya.

Kinwento ko kay Manong Jani ang nangyari.

"Kuya samahan mo nga po ako sa room, naiwan ko po kasi yung bag ko sa pagmamadali. Andun pa naman po yung wallet, cellphone at yung susi ng apartmet ko." nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

"Tara." walang pag aatubiling sagot niya.

Pagdating namin sa loob ng room, wala yung bag ko.

"Nasaan na kaya iyon manong?" nag aalalang tanong ko.

"Tara sa guard house. Baka may nangiwan doon." suhestiyon naman niya.

Habang papunta kami sa guard house, may naringig kaming mga boses galing sa gym.

"Tago...tago" utos ni Manong Jani. At nagtago kami sa likod ng malalagong halaman.

"Tingnan lang natin kung mahanap pa niya ang bag niya. Nang gigigil talaga ako sa babaeng iyon!" galit na galit siya habang nagsasalita.

Si Dylan yun. Ang sarap sigurong tingnan ng pagmumuka niya when he is pissed.

Inantay namin na makaalis sila at dali dali kaming nagtungo ni Manong Jani sa gym.

Andun ang bag ko naka shoot sa ring. Buti na lang dito nilagay ng tanang hari ng kadiliman.

Agad na kumuha ng panungkit si Manong Jani. Pagbagsak ng aking bag tiningnan ko ang laman, kompleto.

Lesson learned: Wag ilagay ang wallet, cellphone at susi sa loob ng bag para in case of emergency ay may pamasahe kang pauwi😂😂😂

Nagpasalamat ako kay manong Jani at agad na umuwi.

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon