DYLAN'S POV:
Grabe din pala matulog si Monique. Saglit lang ako umihi pagbalik ko tulog agad.
She's so beautiful. Her skin is so soft. Sabi ko sa loob loob ko sabay haplos ko sa kanyang pisngi. Di nakakasawang tingnan ang mukha niya.
"Ano kaya itong nahulog?" sambit ko sabay tingin. "Family picture." mahinang sabi ko sabay baligtad ng picture. May nakasulat sa likod nito "Lander Williams" mahinang basa ko dito. Napatingin ako sa hawak niyang notebook.
Napangiti ako. "Everyday with Dylan" at binasa ko ang laman nito.
Nakakaguilty naman. Puro negative tong nakasulat tungkol sa akin.
"Dylan Hari ng Kadiliman" napa ngisi tuloy ako.Nakalista dito ang mga ginawa ko sa kanya. "Gago ko talaga" mahinang sabi ko sa aking sarili.
Mukahang malalalim na ang tulog niya kaya ipinangkumot ko na lang ang jacket ko at agad na umalis.
Sino kaya dito sa mga ito ang taong ito. Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Nagsend ako ng message sa lahat ng may pangalan Lander Williams. May tatlong nag reply. Pero hindi sila yung hinahanap ko.
Kumuha ako ng juice sa reff. Pagbalik ko may sunod sunod na message galing sa isang Lander Williams. Binuksan ito ito. "BINGO!" sinend ko yung pinicturan kong picture.
[I have one like that.] reply nito at sinend din ang copy niya ng kaparehong picture.
Buti na lang nung tinanong ko kung nasaan siya, sakto andito siya sa Pinas.
Matagal na pala niyang hinahanap si Monique. At gustong gusto niya itong makita.
Sinend niya ang name ng place at oras kung saan kami magkikita.
Gustong gusto kong maiyak habang pinapanood ko ang mag ama. Walang gaanong salita na lumalabas sa kanilang mga bibig pero ramdam na ramdam ko amg emotion nilang dalawa.
Ang ganda pa rin ni Monique kahit umiiyak siya. Sayang at kulang ang oras para magkasama sila ng matalag. Sana magkaroon pa sila ng maraming pagkakataon para magkasama. At sana mabuo din ang kanilang pamilya.
*****
MONIQUE'S POV:
"Dylan hindi ko alam kung paano kita mapapasalamtan." sinsirong sabi ko sa kanya sabay hawak na kamay niya.
"Mmm...ninja moves" pangaasar na sabi niya sa akin sabay nguso sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.
Agad kong tinggal yung kamay ko sa pagkakahawak. Sakto papalapit na yung waiter, bitbit ang isang trolley.
"Mukhang alam ng daddy mo na matakaw ka. Ang dami niyang inorder." pang aasar nito.
Pilit kong pinaliit ang mabilog kong mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Joke lang." sabi niya sabay peace sign at ngiti.
Isa isang nilapag ng waiter ang mga pagkain.
"Pang mukbang ito. Mag FB live tayo." giit ni Dylan.
"Sira" sabi ko
"Pogi naman." sagot nito
"Gutom lang yan Dylan. Kumain ka na mukhang nananaginip ka na." pangaasar ko sa kanya.
Nilantakan namin ang pagkain sa aming harapan.
"Dylan maiba ako, paano mo nahanap si daddy?" seryosong tanong ko.
"ICT skills." tipid na sabi nito.
"Paano mo nalaman na siya yung daddy ko." panguusisa ko.
"Mmmm..." napatigil siya.
"Wag kang magagalit a." sabi niya sabay tinging sa mga ko.Tiningna ko siya ng makahulugan.
"Basta promise mo, wag kang magagalit." sabi nito.
Tumango ako.
"Nakita ko kasi sa baba ng study table mo yung picture, nalaglag galing doon sa journal na hawak mo habang natutulog ka. Nung dinampot ko nakita ko family picture niyo. Tapos nabasa ko yung pangalan na nakasulat sa likod. Naalala ko yung kwento mo sa amin ni Al. So yun I used my ICT skills. At thanks sa picture na iyan." sabi niya sabay tuloy sa pagkain.
"Thank you talag Dylan. Thankyou"
sabi ko sabay ngiti."Thank you lang. Walang kiss?" nakakalokong sabi niya.
"Baka gusto mong isaksak ko sa ngala ngala mo tong kuysilyo." nanggagalaiting sabi ko sabay tutok sa kanya.
"Surrender." sabi niya sabay taas ng kamay.
"Ay wait." sabi ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha ko.
"Dylan nabasa mo ba yung journal ko?" nahihiyang tanong ko.
Tumango siya.
Biglang uminit ang mukha ko. Pati tenga ko uminit din.
"Grabe ka mag blush." pang aasar nito.
"Lahat nabasa mo?" dagdag na tanong ko.
"Oo nga." sabay tawa niya ng malakas.
"When I read your journal I realized how evil I was. Dylan Hari na Kadiliman." sabi niya habang nakangisi.
Tinakpan ko ang mukha ko sa sibrang hiya.
"It's okay. Totoo naman yung mga nakasulat doon eh. Hayaan mo akong bumawi." sabi niya sa seryong tono.
Unti unti kong inalis ang pagkakatakip sa mukha ko.
"Monique, tutal binilin ng daddy mo na alagan kita. Just let me Monique.
.....moment of silence.....
"Just give me a chance Monique." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Please vote, comment and share.😊😊😊
BINABASA MO ANG
Everyday with Dylan
Teen FictionGiving up is not an option for Monique. She is a kind of girl who's willing to do everything just to fulfill all her dreams in life. And he is Dylan great villain who's willing to pull her down.