Chapter 7 Backfire

14 4 2
                                    

MONIQUE'S POV:

Napabuntong hininga na lang ako habang pinamamasdan ang buhok ko sa salamin "P*cha talaga yung hari ng kadiliman na iyon." mahinang sambit ko.

Paano kaya ako makakaganti dun? Tanong ko sa aking sarili.

Ang dami kong iniisip habang naka sakay ako sa jeep papuntang school. Pagbaba ko yung hari ng kadiliman pa ang agad kong nakita.

Bigla siyang ngumiti, p*cha ang lakas makapanira ng araw. Sabi ko sa loob loob ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag patuloy ako sa pag lakad habang siya naman ay nakasunod sa akin.

Quiz day pala namin ngayong araw na ito sa Science. Buti nakapagbasa ako kagabi.

Nagring na ang bell, maya maya pa ay pumasok na ang teacher namin.

"Good morning. Please get ready for the summative quiz for today. Prepare 1 whole sheet of paper. Sabi ni Ma'am Riza habang inaayos ang test questions. 

Sana mataas makuha ko sa summative quiz. Dito kasi makikita ni Ma'am kung na master namin yung lesson.

Nagsimula na ang quiz. Napapansin ko na tinging ng tinging si Dylan sa papel ko. Tinatakpan ko ito pero para talaga siyang ostrich. Mahaba na ang leeg, malaki pa ang mga mata. Nakakainis. Inabot kami ng 30 minutes sa pagsasagot. Medyo mahirap yung quiz. Quiz pa lang iyon paano pag major exam na.

Nakita ko si Dylan agad sa ipinasa ang papel at naka smirk. Humarap ako sa kanya sarkastikong naka ngiti at dahan dahan kong pinunit ang pepel na kanina pa niya kinokopya. Sabay kuha ko sa isa pang papel na naka silid sa test paper ko at ipinasa ito.

Ang sarap tingnan ng pagmumukha niya. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga pa.

*****

Kinaumagahan sa kapareha naming subject.

"Good morning." bati ni Ma'am Riza sa amin. Binati rin namin siya.

"I'm happy ang disappointed at the same time because of the result of your summative quiz yesterday." seryosong sabi nito.

"Congratulations Miss Salazar. You've got a perfect." sabi nito habang nakangiti.

"Wow galing."  sabi ng mga classmates namin. Ang iba napapalakpak pa.

"And you, Mr. Punzalan, what happened?" sabi nito sabay tingin kay Dylan. "Wala ka man lang nakuha ni isa. Hindi mo ba naintindihan ang lesson?" nagaalalang sabi nito.

Tumingin ako sa kanya na tila nangaasar sabay kindat.

Ang sarap talagang tingnan ng mukha niya kapag naiinis.

"Okay. Let's have peer tutoring this time. This is one way of helping your classmates in coping up with our lessons. Please use your vacant periods for this. I'll be assigning you Ms. Salazar as Mr.Punzalan's partner. And for the rest find your partner." seryosong sabi ni Ma'am Riza.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatatingin ako kay Dylan, abot tainga ang ngiti niya sabay kindat sa akin.

"Backfire! P*cha, kabadtrip!" nanggigigil ngunit mahina kong sambit.

"May problema ba Ms. Salazar? Tanong ni Ma'an Riza.

"Wala po Ma'am." walang buhay na sagot ko.

*****

Vacant period namin. Dalawang oras din ito. Lumabas muna ako sa room at naghanap ng lugar kung saan pwedeng mag tambay.

"Botanical garden" basa ko sa karatula. Pumasok ako sa gate.

"Wow" ang ganda naman dito. May mga mesa sa loob at ang daming halaman. Mukhang alagang alaga ang mga ito.

Naupo ako sa isang upuan. Kinabit ang airpods sa aking tainga. Nag play ng isang kanta sa aking cellphone at nagsimulang nagbasa.

Hindi ko namanlayan sinundan pala ako ng hari ng kadiliman. Bigla siyang naupo sa tabi ko sabay lapag ng book niya sa lamesa.

Tiningnan ko siya at nakatingin din siya sa akin na abot tainga ang kanyang ngiti. Binuksan niya ang librong hawak niya at kinuha ang activity sheets na pang remedial.

"Partners tayo sa peer tuturing. Remember?" sarkastikong sabi niya habang nilalaro ang ballpen.

I rolled my eyes sa sabrang inis. "Sagutan mo na iyan" walang buhay kong sabi.

"Turuan mo ako." paglalambing na sagot niya sabay sandal sa balikat ko.

Tinulak ko siya agad. "Pwede namang magpaturo ng di sumasandal sa akin!" pa singhal na sabi ko.

Pero siya naka full smile pa rin. Kinuha ko yung ballpen sabay tutok sa pagmumukha niya.

Tinaas niya naman yung dalawang kamay na tila nagpapahiwatig ng pag suko.

Kunuha ko yung mga activity sheet. "Saan ka ba nahihirapan dito?" malumanay na tanong ko pero di ko siya tinitingnan.

"Sa lahat" sagot niya.

Napasampal na lang ako sa noo ko.

Napaka awkward ng moment na ito, nag backfire kasi yung plano ko. Buti na lang di siya mahirap turuan.

Please vote, comment and share.😊😊😊








Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon