Chapter 14 Mission 101

12 5 3
                                    

DYLAN'S POV:

"Anak, why only now?" tanong sa akin ni mommy sabay tingin sa orasan.

"Galing ako kay Monique mom. Katatapos namin aralin ang mga lessons." nakangiti kong sabi kay mommy.

"Ow, tell me anak. What's behind that smile in your face." pang uusisa nito.

"Mommy." nahihiya kong sabi.

"Kilala kita Dylan. Sabihin mo na."pangaasar niya.

"Mom, she's amazing. And I think, I'm falling in love with her." pagconfess ko kay mommy ng nararamdaman ko para kay Monique.

"Owww..." sambit ni mommy sabay hug.

"Mom, ang higpit ng hug mo." sabi ko kay mommy. Agad naman niya akong binitawan at nagtungo ako sa kawarto.

Naisip ko si Monique. Paano niya kaya kinakaya lahat. Malayo ang mommy niya. Naguiguilty talaga ako mga ginawa ko sa kanya.

I grab my laptop and I entered the name I saw on the old picture na nahulog sa isang notebook niya.

Sorry nabasa ko lahat yung nakasulat sa journal niya. Nakalista pala doon lahat na kagaguhan ko. With dates pa talaga. Pero pumukaw talaga sa akin yung linyang I'm longing for you. I want to know how it feels to have what they call "DAD".

*****

MONIWQUE'S POV:

Nagising ako s isang tawag

0917******* calling.....

"Hello" sabi ko.

[Wake up sleepy head] sabi ng isang pamilyar na boses.

"Dylan, were did you get my number?" gulat na tanong ko.

[E di sa cellphone mo.] pilisopong sagot nito.

"Ha?" sambit ko.

[Mag bihis ka on the way na ako.] sabi nito sabay patay sa cellphone niya.

Napansin ko na sa study table ko pala ako nakatulog nakakumot sa akin ang jacket ni Dylan.

Dali dali akong naligo at nag ayos. Saan kaya kami pupunta? Tanong ko sa isip ko.

Maya maya pa ay may kumatok dali dali ko itong pinag buksan.

"Tita Zel!" sambit ko sabay yakap sa kanya.

"Naka bihis ka ah. Saan ang lakad mo?" nakangiting tanong niya habang nilalapag ang ilang paper bags.

"Amm. Going out with friends po Tita." mahinang sabi ko

"O, nakapaggrocery ka na pala." nung nakita niyang puno ang hanging cabinet.

"Idag dag mo na ito para di ka gutumin. Pasensya ka na ah. At ngayon lang na naman kita napuntahan. Lumalala ba kasi kondisyon niya." malungkot na sabi nito.

Nabaling ang tingin namin kay Dylan na naka tayo sa pintuan.

"Ay Tita Zel, si Dylan po pala. Classmate ko. Dylan si Tita Zel. Bestfriend ng mommy ko." pagpapakilala ko kay Dylan.

"Going out with friends?" stressing the ssssss.

Tumingin ako kay Dylan.

"Nag aantay na po yung ibang naming friends Tita. Kaya sinusundo ko na po siya." palusot ni Dylan habang naka ngiti.

"Okay, punta na kayo. Ako na bahala dito. Mag ingat kayo ha." sabi sa amin ni Tit Zel.

Niyakap ko si Tita Zel. Nakita ko si Dylan na tila may dinampot sa study table ko.

"Let's go." sabi niya.

*****

Pumasok kami sa isang mamahalin na restaurant. Napakapit ako kay Dylan. Parang hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa isang lalaking naka business suit. Nakatalikod ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng nung lumingon siya. Hindi ko maexplain pero unti unting tumulo ang luha ko.

Tumayo siya at tila di makapaniwala na nasa harapan niya ako. Nilapitan niya ako at mahigpit na niyakap.

Di ko mapigilang mapahagulgol. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Naupo kaming dalawa. May dinukot siya sa pocket ng suit niya, pareho ito ng picture na naka ipit sa journal ko. Inilabas ni Dylan ang journal ko, iyong pala yung dinampot niya sa study table ko. Unabot niya ito sa akin. Binuklat ko ito at inilabas ang kaparehong picture. At muli kaming nagyakapan.

"Ganito po pala ang pakiramdam pag yakap ka ng tatay mo."  mahinang sambit ko sabay tingin sa kanya. Di pa rin tumitigil ang mga mata ko sa pagluha.

"Kamukhang kamukha mo ang mommy mo." sabi niya sa akin sabay hawak sa mukha ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na ito pero ang saya saya ko. Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ko.

"Monique, anak..." sabi niya at biglang huminto sa pagsasalita.

Ang sarap pakinggang ang mga salitang iyon na nanggaling sa kanya.

"Ang tagal kong inantay ang pagkakataon na ito. Sayang at kakaunti lang ang oras ko ngayon. Schedule ng flight ko mamaya anak. Pagbalik ko, babawi ako ah. Pangako. Salamat diyan sa boyfriend mo. Dahil sa kanya nagkita tayo." masinsinan na sabi niya habang nakahawak sa magkabilang braso ko.

"I promise, when I get back. Babawi ako. BIGTIME!" sabi niya.

"Sir, we have to go." sabi ng isang lalaki na naka itim.

"I found her Geoff, I found my daughter." sabi nito na may ningning sa kanyang mga mata.

Hinalikan ako ni daddy sa noo ko. At niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'll be back as soon as possible" bulong niya sa akin.

"Enjoy your meal ha. I have to go. Hijo, thank you so much. Take good care of my daughter. Nag iisang prinsesa ko yan."sabay abot ng kamay niya kay Dylan para makipag shake hands.

Umalis na sila kasa si Geoff.


Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon