Chapter 6 Soft side

21 4 1
                                    

A/N: I dedicate this chapter to my number 1 fan Jessica Fae Saccuan. Enjoy reading

Shout out to my second child Mariane Antonee for the cover photo. Thank you and I love you.

DYLAN'S POV:

Kakaiba tong babae na ito. Kung masakuntok daig pa si Al. Mukhang nilalabas nito ang galit sa akin ha. Pero ang ganda niya. Sabi ko sa sarili ko.

Ngayon lang ako naka appreciate ng babae. Kakaiba talaga. Hindi ko man lang mapikon. Hindi man lang nataatakot sa akin. Samantalang yung ibang kababaihan tingin pa lang  halos mamatay na. Pero ang isang ito kahit ata lumabas ang mga mata ko sa katitingin sa kanya wa epek.

At ang galing din mang inis. Ako ang napipikon in fairness.

"OMG. K.O. si Al!" bulalas ko at napatayo ako. Sa lahat ng laban ni Al na napanood ko, ngayon kong lang siya nakitang bumagsak. Mukhang malaki talaga ang galit sa akin ni Monique.

Agad na lumapit si Sir Mar at si Monique sa kanya. "Mukhang hilo talag" sambit ko.

Alalang alala ang mukha niya pero ang ganda niya pa rin. Kakaiba talaga. Pero hanggang saan kaya ang hangganan nito? Kailan ko kaya siya mapapasuko. Pero mukhang matigas. Gusto ko pang makilala siya ng husto. Gusto kong mapalapit sa kanya.

"Dylan, ang lakas niyang sumuntok." sabi sa akin ni Primo. "Napabagsak niya si Al." dagdag pa nito.

"Siyempre babae yan. Pinag bigyan lang yan ni Al" bulalas ko habang tinitignan sila.

Sana ako si Al para mapalapit ako sa kanya. Sabi ko sa aking sarili.

Bakit kaya boxing pa ang gusto nito? Pwede namang swimming o kaya tennis. Pero ang puti ng kili kili. At mukhang makinis. Ganda pa ng legs. Ano ba Dylan. Kung ano anong naglalaro sa iyong isipan.

Tapos na ang try out. Nakaalis na sila. Lumapit ako kay Al.

"Al, anyare?" tanong ko.

"Dude, ang lakas sumuntok. Sa mga galaw niya tantiya ko magaling din siya sa martial arts. Hindi lang pang boxing. Ang gaan at ang bilis ng galaw. Pero solid kung sumuntok." sabi ni Al na may pagkamangha. "Dude, kahit jab lang malakas, mukhang gigil na gigil kanina."dagdag pa nito.

"Ewan ko ba bakit buhok niya ang napagtripan ko. Ang ganda pa naman ng buhok niya, mukhang alagang alaga niya." sabi ko kay Al.

Matalik kong kaibigan si Al. Napaka buti nitong kaibigan. Sa totoo lang siya ang konsensiya ko. Nagkatawang tao.

"Pero dude, mukha siyang mabait." sabi ni Al.

"Mukhang bruha kaya." sabi ko naman.

"Natural sa mga pinag gagawa mo sa kanya talagang magbubruha iyon." sagot nito.

"Pero dude, ako ang napipikon sa kanya sa tuwing inaasar ko siya." sabi ko kay Al.

"Tigilan mo na kasi." giit nito.

"Hindi pa ako nakakabawi." sabi ko naman.

"Ginupit mo na nga yung buhok niya. Ano pang gusto mo? Kalbuhin siya." pasinghal na sabi nito.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ni Al. Oo nga pala crowning glory ng mga babae ang buhok. To think na jet black pa yung buhok niya malamang sinisumpa na ako noon.

"Dude siya yung babae sa café diba? Naaalala mo ba? Tanong ko kay Al.

"Oo, naalala ko na. Yung unang lumingon at unang umalis sa kanilang apat." sagot naman nito.

*****
Flashback

"Dude, pasok tayo sa café. May mga chikababes sa loob." sabi ko kila Al, Toby at Nicolas.

Pero sa totoo lang gusto kong kumain ng chocolate cake. Weakness ko kaya ang ganitong pagkain.

"Pustahan tayo dude, agad lingon iyang mga yan pag pasok natin." sabi ko sa kanila.

"Sige, Dylan kung sinong unang lumingon ligawan mo?" hamon sa akin ni Toby.

"Game sagot ko." confident kaya ako baka magsabay sabay pa yang mga iyan sa pag lingon.

"Wait, yung nakaupo doon, dati ng nakatingin iyon ha. Lingon ang usapan." pagliwanag ko. Tumango naman sina Tobi at Nicolas. Pero syempre si Al umiling lang sa kabaliwan naming tatlo.

Pagpasok namin tama nga ako dati ng nakatingin yung isa. Unang tumingin yung may jet black hair.

"Dude, panalo ang ganda." pang aasar ko kay Toby. "Dude paalis naman na." sabi ko sa kanya. Sinundan ko na lang ng tingin ang magandang babae na may jet black hair.

Pag upo namin ss may bakanteng table agad naming nilantakan ang cake.

"Mmmmm... Heaven" mahinang sambit ko.

Please vote, comment and share.😊😊😊









Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon