MONIQUE'S POV:
"Hay sa wakas! Natapos din ang community service." sambit ko sabay punas ng pawis at naupo sa ilalim ng isang malaking puno.
Lumapit sa.akin si Clare para ibigay ang mga notebooks niya.
"Ay ang dami kong aaralin." naiiyak kong sabi sabay higa sa damuhan.
"Pinapasabi pala ni Al, di ka muna mapuountahan kasi may practice siya." sabi sa akin ni Clare. "Mauna na ako Monique, andiyan na yung sundo ko." pagpapalam nito.
"Sana all may sundo...sana all nakakapag practice. Nagkakalyo na tong kamay ko sa kawawalis." mahinang sambit ko sabay tingin sa mga kamay ko.
"Hoy tumayo ka nga diyan, para kang timang!" utos sa akin ni Dylan sabay lapit at abot ng kamay.
Humawak ako dito at bumangon. Pinagpag ko ang aking sarili. Nakipagpag din siya.
"Ako na, ninja moves!" bulalas ko sabay pulot sa mga notebook na pinahiran sa akin ni Clare.
"Hatid na kita Monique, mukhang uulan na." seryosong sabi nito.
Simula nung maguidance kami hindi ko pa siya nakitang ngumisi o tumawa. Parang naging seryoso siya. Kaloka.
Agad kaming nahtungo sa parking area at sumakay.
Pagdating namin sa apartment, tinulungan niya ako sa mga bitbit ko.
"Paki lapag na lang diyan." sabi ko at inilapag naman niya ito sa may study table.
Palabas na sana siya, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Dito ka na muna, patilahin mo muna yang ulan. Baka mamaya kung mapano ka sa daan. Wait kuha lang ako ng meryenda." sabi ko.
"Pwede bang maki sabay sa iyo sa pag aaral ng mga namiss na lesson?" tanong ni Dylan sa akin.
"O..sssige." nauutal na sagot ko.
"Hali ka magmeryenda na muna tayo. Pasensya ka na. Paubos na kasi yung stocks ko bukas pa lang ako ulit mag ggrocery." mahinang sabi ko sabay abot ng sandwich at juice.Pagkatapos naming kumaing nagtungo kami sa may study table. At nag simula na kaming mangopya buti dala niya yung binder sa bag na bitnit niya.
Nakadama kami ng antok at sabay naghikab. Tumila na rin ang ulan kaya nagoasya na siyang umalis.
"Bukas ulit ha." sabi ni Dylan. Tumango naman ako tanda ng pagsang ayon ko dito.
*****
Nagising ako sa lakas ng katoknsa pinto.
"Wait lang po" sigaw ko at antok na antok pa.
Pagbukas ko ng pinto, nagulatnako ng si Dylan amg bumungad sa akin.
"Patulong" sambit nito sabay abot sa akin na dalawang paper bag ang mukhang may kukunin pa sa kotse niya.
Pinatong ko ito sa lamesa. Pagharap ko, napasin ko napakonsi Dylan sa kinatatayuan niya at maka titig sa akin. Nakaboxers lang ako at sando.
"Wait lang, bihis lang ako." sabi ko sabay dampot sa t-shirt na tinupi ko kagabi at dali daling nagtungo sa banyo.
Inayos ko ang buhok ko at nag tooth brush.
"Nagbreakfast ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Wag ka na magluto dumaan ako sa fastfood kanina. Bumuli ako ng breakfast meals." sabi nito bahang isa isang nilalabas ang laman ng isang paper bag.
"Ang dami naman nito, wait kukunin ko lang yung wa---"
"Wag na. Pasasalamat ko na rin sa iyo yan sa pagihing study buddy ko." sabi niya sabay ngiti.
Ngayon ko lanh nakitang ngumiti si Dylan ng ganon. Napakagat ng lang ako sa ibabang labi ko.
"Iligpit na natin ito para makapag breakfast na tayo" sabi niya.
"Halos di na magkasya sa lalagyan tong mga ginrocery mo ang dami kasi." sabi ko habang inilalagay ang isang piraso ng canned good sa hanging cabinet.
"Nagpatulong ako kay mommy kasi mas alam niya kung anonyung mga kukunin." nakangiting sabi nito.
Kaya pala may mga sanitary napkins at kung ano pang pang girly stuff ang andun. Buti na lang ako ang naka open nung paper bag na pinaglagyan. Sabi ko sa isip ko.
"Kain na tayo" alok nito. "Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya yan, binili ko lahat ng nasa pagpipiliian." nakangiting sabi nito.
"Hindi problema yan Dylan, marami akong kinakain during breakfast." sagot ko sa kanya.
"Aaaa...yan siguro sa sikreto mo kaya malakas kang sumuntok!" sambit nito.
....moment of silence....
"S...sorry Dylan." halos hindi ko masabi ang nga salitang iyon.
"Ako nga dapat mag sorry sa iyo sa dami ng kagaguhan na ginawa ko." seryong sabi niya. "Alam mo ba nung nalaman ni dad na babae ang sumuntok sa ilong ko ang nakapagpatumba sa akin, halos mamatay siya sa katatawa." sabi nito sabay hagik gik.
"Hindi sila makapaniwala. Kinwento ko rin sa kanila na napatumba mo si Al, para naman hindi lang ako ang pagtawanan nila." dagdag pa nito.
"Ang daldal mo pala Dylan. Mukhang naikwento mo na lahat sa kanila ah." nangaasar na sabi ko.
"Sort of." sabi nito sabay tingin sa akin. Tumawa kami ng malakas.
"Ang lakas mong kumain Monique. Tatlong meal amg nakain mo plus pan cakes." pang aasar niya.
"Talent ko yan. Di lang ako pang boxing, pang competitive eating din ako." sabi ko na may pagmamalaki.
"Start na tayo, marami pa tayong tatapusin." sabi nito.
Patuloy kami sa pag copy at pag aral ng na miss na lesson. Peri nung math na. Nakita ko ang expression ng mukha niya.
"Dylan mukhang favorite mo ang Math at Sience." pabirong sabi ko.
"Kung sino kasi ang nakaimbento niyan. Hindi mo naman kailang magcompute pa at hanapin ang x kung mag gogrocey ka." papilosopong sabi nito.
"Madali lang kaya. Turuan kita ng technique. Ito ha tatandaan mo. Una, dapat marunong kang mag memorize. Imemorize mo yang mga formula. Pangalawa, dapat marunong kang mag derive ng bagong equation. Tangatlo, dapat wag mong kalimutan ang basic operations." sabi ko habang nakangiti.
Napakamot siya ng ulo.
Inisa isa kong ituro sa kanya. Mukhang nakukuha niya naman.
"Wait break muna. Memory full na. Sasabog na ang utak ko." sabi nito sabay tayo ni at lumabas sandali.
Inaantok na ako. Hiniga ko ang ulo ko sa mesa.
Please vote, comment and share.😊😊😊
BINABASA MO ANG
Everyday with Dylan
Roman pour AdolescentsGiving up is not an option for Monique. She is a kind of girl who's willing to do everything just to fulfill all her dreams in life. And he is Dylan great villain who's willing to pull her down.