Chapter 9 Sports bag

10 4 3
                                    

Pagpasok na pagpasok ko siya na naman ang kaagad na nakita ko. Nakatayo siya sa may guard house.

Binilisan ko ang paglakad, daladalawa kasi ang bitbit kong bag. My backpack at ang sports bag ko. May practice kasi kami mamaya.

Nakita ko naglakad na rin si Dylan. Kapag ganoon ang itsura niya alam kong wala nanamang gagawing matino iyon.

Pagpasok ko sa hallway, tanaw na tanaw ko siyang nakasandal malapit s locker ko. Naglakad ako patungo doon at binuksan ito para ilagay ang ibang gamit ko.

"Monique, tingnan mo sila o halos mamatay sa kilig pag tinitignan ko." sabay kindat s babaeng naglalakad. Halos nahimatay ito at napahawak pa sa kasama niya.

"E ano ngayon?" sarkastikong tanong ko.

"Makalaglag panty kaya tong kagwapuhan ko." nakakalokong sabi niya.

I rolled my eyes. "I'm using boxers, not panty. Stupid!" sambit ko sabay alis.

*****

After class, nagtungo ako sa locker to get my stuff. I carried my sports bag ang headed to the gym.

Inikot ko ang paningin ko, buti naman wala yung hari ng kadiliman na iyon. Madalas kasi siyanh nanonood kay Al. Kahit practice lang.

They are like brothers the way they treat one another. Pero mas malayong mabait si Al keysa sa Dylan na iyon.

Kinawayan ako ni Al. Kinawayan ko rin siya at sinenyasan ko siya na magbibihis lang ako sabay hawak aa blouse ng uniform ko. Tumango naman ito siguro na gets niya ibig kong sabihin.

Agad akong nagtungo sa CR ng gym at agad na nagbihis.

Pag punta ko sa may ring. Nilagyan ni Al ng bandage ang kamay ko sabay suot sa akin ng gloves. Pagikot ko bumungad sa akin ang hari ng kadiliman. Nakatayo sa baba ng ring. Nakasmirk ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay kagat sa pang ibabang labi nito.

Agad akong tumalikod sa manyak. Nakasuot ako ng sports bra at shorts. Mas makagagalaw kasi ako ng mabuti pag ganito ang suot ko.

Kailangan kong magfocus sa practice ngayon. Malapit na ang district meet. Malapit na akong sumabak sa una kong laban.

As usual si Al ang sparring partner ko. Hindi ako binibigyan ng babaeng ka sparring ni Sir Mar. At dahil dito marami akong technique na napupulot kay Al.

Nagpahinga ako sandali at naupo sa may ibaba malayo sa hari ng kadiliman.

Pinapanood ko si Al habang nakikipag sparring kay Jo. Hindi ko maitatanggi na humahanga ako sa kanya.

I admire him becasue he can balance school ang sports. He's gentleman. He's nice. He's cute and his not like the other boys in school na stupid. He's simply amazing.

"Monique it's your turn" tawag nito at agad akong nagtungo sa taas ng ring.

Nagstart na kaming magsparring. Inabot din kami ng ilang minuto.

"Okay, bukas ulit. Sigaw ni Sir Mar.

Agad akong bumaba at dinampot ang sports bag ko.

Dahil basa ako ng pawis, minabuti kong mag shower sa CR, buti may hot ang cold doon.

Nimanamnam ko ang mainit na tubig na unting dumadaloy sa katawan ko. Lalong lalo na nung itinutok ko ang likod ko sa shower.

Maya maya pa ay natapos na din ako. Nanalaki ang mga mata ko ng makita kong wala yung twalya at damit na isinampay ko sa may pinto ng cubicle ng CR.

"P*cha, asan na ang towel at damit ko?" mangiyak ngiyak kong sabi.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle nakabukas ang main door ng CR. Sinara ko yun kanina. Hindi ko man lang namalayan na may pumasok. Hala! Baka nakunan ako ng picture o video habang nagshoshower. Nalintikan na.

Kung ano ano na ang gumugulo sa isip ko. Pano ako mamauwi nito. Muli akong sumilip, pati yung sports bag ko wala. I'm doomed.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maya maya may nakita akong anino.

"Manong Jani, ikaw ba yan?" tanong ko habang nakikita kong tila papalapit kung sino man yun may ari nung anino.

Nagulat ako na bumungad si Al. Nagulat din siya sa nakita niya.

"Monique, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan?" nag aalalang tanong nito.

"Buti dumating ka. Giniginaw na ako. May kumuha ng tuwalya at mga damit ko. Pati yung sports bag ko wala." naiiyak na sabi ko.

"Wait my extra akong towel dito." kinuha niya ito sa bag niya at inabot sa akin. Agad ko sinara ang pinto ng cubicle.

May inabot din siyang t-shirt at shorts.  Buti na lang bukod sa garterized yung shorts may tali ito.

Agad akong nagbihis. At lumabas sa cubicle habang inaayos ang malaking t-shirt ni Al.

"Al thank you. Ikaw, magshoshower ka pa ba? Antayin na kita." nahihiyang sabi ko.

"A..hhindi na." pautal niyang sagot.

Mukhang naibigay na niya sa akin yung bihisan niya.

"Tara, daan tayo sa may convenient store para di ka na ginawin." 

*****
Iniabot ni Al ang isang cup noodles sa akin at naupo sa tapat ko.

"Humigop ka ng sabaw para di ka na ginawin." sabi nito. "Ang tagal mo din sa CR ha." dagdag pa nito.

"Maiba ako, bakit nasa school ka pa? E 7:00 tayo pinapauwi ni Sir Mar" sabi ko habang kumakain.

"Dahil sa'yo." nakangiting sabi nito.

"Ha? Alam mong na CR ako?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi, lukaret. Dahil sa'yo nag eextend ako ng oras para magpractice kasi nga na K.O. mo ako." sabi nito sabay gulo sa buhok kong magulo.

"So sweet." sabi ng isang pamilyar na boses.

Napatingin kaming dalawa ni Al. Nakita ko bitbit niya yung sports bag ko.

"Kanina --" hindi pa niya naitutuloy ang sasabihin niya. Tumayo ako agad at inagaw ang sports bag ko sabay takbo palabas

Please vote, comment and share.😊😊😊



Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon