Chapter 8 Tutor

11 4 1
                                        

DYLAN'S POV:

"Aarrgghh...ang hirap naman nitong test na ito. Napaka bobo ko talaga sa subject na ito." mahinang sambit ko.

Umayos ako ng upo. "Sa wakas nakikita ko yung papel niya." sabi ko sa aking sarili.

Napalingon siya sa akin sabay takip ng papel.

"Sh!t! Wala talaga akong masagot." Sabi ko sa sarili sabay kamot sa ulo.

Maya maya, nakakakopya na ako ulit sa kanya.

"Bakit kaya di na niya masyadong tinatakpan ang paper niya?" takangtaka kong pagtatanong sa sarili ko.

Makalipas ang 30 minutes pinass ko na agad ang papel ko. Nakatingin ako sa kanya ng bigla siyang humarap sa akin sabay dadan dahang pinunit ang papel na kinopya ko sa kanya sabay kindat niya. Ang cute niya.

"Nalintikan na." mahinang sambit ko. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga pa ako dahil sa ginawa niya.

"Mukhang babagsak ako sa subject na ito."

*****

Nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am Riza, alam ko na na ako yung dahilan kung bakit disappointed siya.

"Sabi ko na e. Zero talaga." sambit ko at napakagat ako sa ibabang labi ko.

Pero nung sinabi ni maam na partner kami ni Monique sa peer tutoring nabuhayan ako ng loob. Kinindatan ko siya habang nakatingin sa akin na may pag kainis sa mukha niya.

Ang ganda niya pa rin. Hindi na ako maiinggit kay Al. Makakasama ko na rin siya. Dalawang oras din yun sa isang araw.

Pagkatapos ng klase, lumabas siya sinundan ko pumasok siya sa botanical garden.

Mukhang di niya namalayan na sinusundan ko siya. Nang maupo ako sa tabi niya, nakita ko sa malapitan ang maganda niyang mukha. Binuksn ko ng aking book para kunin ang mga acrtivity sheets na nakasilid dito.

"Partners tayo sa peer tuturing. Remember?" paalala ko sa kanya habang nilalaro ang ballpen.

She rolled her eyes. Ang cute niya. "Sagutan mo na iyan" walang buhay niyang sabi.

"Turuan mo ako." paglalambing ko  sabay sandal sa balikat niya.

Tinulak niya ako agad. "Pwede namang magpaturo ng di sumasandal sa akin!" pa singhal na sabi niya.

Pero naka full smile pa rin ako sa kanya. Kinuha niya yung ballpen sabay tutok sa pagmumukha ko.

Tinaas ko na lang yung dalawang kamay ko na  tila nagpapahiwatig ng pag suko.

Kunuha niya yung mga activity sheet. "Saan ka ba nahihirapan dito?" malumanay na tanong niya pero di ko siya tumitingin sa akin.

"Sa lahat" sagot ko.

Napasampal na lang niya ang noo niya.

Habang nagsasalita siya. Nakatitig lang ako sa kanya. Her eyes were so expressive with thick and long curly lashes. Ang tangos ng ilong. Rosy chicks, ang her lips my gosh, it look so soft and her teeth...awww kahit araw araw hindi ko pagsasawaang tingnan ito.

"Cross multiply this, then divide both side with V, then cancel. That's how to derive new equation. Gets?" malumanay na sabi niya sabay tingin sa akin.

Napako ang tingin namin sa isat isa.

"Ehem...andito lang pala kayo." sabay kaming napalingon kay Al.

"Kanina ka pa namin hinahanap dude." sabi naman ni Nicolas.

"Uyyyy...dude mukhang seryo tayo ah." pang aasar ni Toby. "Seryoso sa lesson o diyan sa tutor mo." dagdag pa nito.

"Sa tutor ko." pang aasar na sagot ko sabay tingin ka Monique.

Bigla niya akong tinulak ng buong lakas. "Tutor mo mukha mo" sambit niya sabay dampot ng mga gamit nito at tumakbo paalis.

"Aray ko dude, patulong naman. Grabe talaga yung bruhang iyon. Nadumihan tuloy tong uniform ko." sabi ko sabay hawak sa kamay ni Al.

"Pero panira kayo ng moment nakakaasar kayo." gigil sa sabi ko sa kanila.

Natawa na lang sa akin amg mga barkada ko.

*****

Habang naglalakad kami sa hallway nakikita kong nagtitilian ang mga kababaihan. Ang iba nag bubulunang at kinikilig.

Nakita ko si Monique nakatayo sa my tapat ng locker niya. Nilapitan ko siya kitang kita ko na inggit na inggit ang mga kababaihan sa kanya.

She rolled her eyes at mukhang naaasar na naman sa akin.

"Hindi ka ba nagwagwapuhan sa akin?" sarkastikong tanong ko.

Tiningnan niya lang ako na may blangkong ekspresyion.

"Tingnan mo nga yung ibang kababaihan, kinikilig pag nakikita ako dahil sa kagwapuhan ko so---

"Guys!" biglang sigaw niya dahilan kung bakit napalingon ang lahat sa kanya. "Kapit! Kapit! Ang lakas ng hangin!!!!" mas nilakasan niya pa ang pagsigaw sabay kapit sa pinto ng locker niya na tila  matatangay talaga ng malakas na hangin. Tapos dali daling tumakbi papasok ng room.

Napatawa ng malakas sina Al, Toby at Nicolas sa ginawa niya.

"Kakaiba talaga yang tutor mo!" pang aasar sa akin ni Toby

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon