Chapter 11 First picture

8 4 3
                                    

MONIQUE'S POV:

Tumunog ang aking cellphone.

Clare calling...

"Hello." masayang bati ko.

[Monique yung mga flowers na ilalagay natin sa booth wag mong kalimutan ha.] paalala niya sa akin.

"Okay na nakuha ko na kahapon." sabi ko naman.

[See you] sabi nito sabay patay ng linya.

Nagmadali akong umalis ng apartment. Kailangan pa kasi naming tapusin yung booth dahil opening ng aming Fun Day - day of organized events providing a variety of amusements and activities.

Isa ito sa pinakahihintay na events sa campus. Kanya kanyang pakulo ang bawat clubs at organizations. It's a day of fun fun fun! Kaya nga tinawag na fun day.

Excited din kaming manood ng friendly match ng basketball team ng school at ng other school.

Inayos na namin ni Clare ang aming photo booth. Floral ang theme.

"At last natapos din." sabi namin sabay apir.

Lumapit sa amin si Al inabutan kami ng juice ni Clare sabay ngiti.

Lalo siyang pumopogi pag nakangiti siya. Di ko tuloy maalis ang tingin ko sa kanya.

"Hoy bruha! matunaw yang kaibigan ko sa katitingin mo." sagaw ng hari ng kadiliman.

Tiningnan ko siya ng masama sabay talikod at ayos sa camera.

"Can I have a picture with you, bruha?" sarkastikong tanong nito.

Hindi ko siya pinansin at patuloy sa aking ginagawa.

"Akin na yan Monique, kunan ko kayo ng picture." nakangitinh sa sabi ni Al.

"Pwesto na para ma testing na natin." dagdag pa ni Clare.

Sinunod ko na lang sila sabay kamot sa ulo.

"1...2...3...say cheese" sabi ni Al

"Cheese" sabay naming sabi sabay akbay niya sa akin.

Siniko ko siya. "Ninja moves." sambit ko sabay layo sa kanya.

Agad na pinrint ni Clare ang picture namin.

"Wow, perfect couple"sabi nito sabay abot ng picture kay Dylan.

"First picture with my future wife." ang ngiti abot tainga.

Inabot din ni Clare ang isa pang copy ng picture sa akin. Tiningnan ko ito ang ganda ng pagkakakuha.

*****

Nakadama kami ni Clare ng pagod. Ang dami kasing nag papicture. Ako ang taga kuha siya ang taga print.

"It's almost 6. Pack up na tayo, quotang quota naman na tayo." sabi ni Clare

"Malapit ng  magstart yung game tara na sa gym." yaya  ko kay Clare at agad kming nagpunta doon pagkatapos maligpit ang aming mga gamit.

Matindi ang laban. At ang lakas ng hiyawan ng mga nanonood sa loob as if championship game na.

Halftime na. Nagsiupuan muna ang mga players. Biglang nagtungo si Dylan sa gitna may mga kasam ito na may bitbit na tambiolo. Sila pala ang in-charge sa raffle.

"This is it guys. Are you excited?!" tanong nito sa audience.

Malakas ang hiyawan at palakpakan. Isang unit kasi laptop ang prize. How I wish ako pangalan ko ang mabunot.

"And the lucky winner is...." sabay bunot sa may tambiolo.
"Monique Salazar!" sambit nito.

Hindi ako makapaniwala. Palakpakan amg mga tao.

"Monique, where are you. Please come herw ti claim your prize." sabi nito.

Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa gitna ng court. Kitang kita ko si Dylan kakaiba ang ngiti. Kinutuban ako.

"Yes!" Isang malakas na sigaw ang bumulahaw.

"Patay na! Ano na naman ito?" mahinang sambit ko sa sarili ko.

Maya maya pa may bumuhos na kulay berdeng likido sa buong katawan ko. Ang lamig, at ang lagkit nito.

"Sh!t! Isang drum na slime." Muling sambit ko sa sarili ko habang nakapako pa rin ako sa kinatatayuan ko at dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid ko.

Biglang may pumutok. Nagkalat ang confetti sa hangin. Unti unting bumagsak ang mga ito at isa isang dumikit sa basa at malagkit kong katawan. Nagmukha akong paper mosaic dahil sa makukulay at maliliit na pirasong papel na nakadikit sa akin.

Kinuyom ko ang mga palad ko. At sinimulan kong maglakad patungo sa kinatatayuan ng lalaking impakto na sagad sa buto ang kasamaan.

Punong puno na ako! Ito na ang huli! Ito na ang huli! Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko habang pabilis ang mga hakbang ko.

Huminga ako ng malalim at buong lakas na pinalipad ang kamao ko sa ere. Damang dama ko na lumanding ito, lumanding ito sa mukha ng hari ng kadiliman.

Ang saya ko sapul na sapul ang mukha niya. Lalo pang nadagdagan ang kasiyahan ko nang makita ko siyang unti unting bumagsak sa sahig.

"Yes! K.O." Malakas na sigaw ko at natahimik ang lahat.

Tumakbo ako papalabas ng gym at unti unting tumulo ang mga luha ko. Nagtungo ako sa isang CR at bago ko pa ito naisara napigilan ito ni Al.

Humagulgol ako ng malakas. Niyakap ako ni Al kahit punong puno ako ng slime at confeti. Pilit akong pinatatahan.

Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan niya ang mukha ko na parang isang batang madusing. Patuloy ako sa pag iyak. At patuloy din siya sa pagpunas sa akin.

Kitang kita ko ang labis na pag aalala ni Al sa akin habang pinupunasan niya ako.

Please vote, comment and share.😊😊😊

Everyday with DylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon