Ikatlo

102 7 0
                                    




Ikatlong Kabanata

"At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa
May ibang nakalaan"

Mahirap magpaalam pero mas mahirap magpatawad. Lalo na kung ang iyong patatawarin ay isang huwad; hindi kayang sabihin ang tunay na nararamdaman.

Portia's POV

Panibagong araw, panibagong hamon.

Ano, suntukan na lang oh. Char.

"Maaaaa! Good morning po."

"Good morning, nak. Ang sigla-sigla naman, kaya bilib ako sayo eh."

"Syempre naman ma. Walang rason para huminto at magpakalugmok. Bangon!

Ay ma, asan po si papa?"

"As usual, nasa work na kanina pa. Workaholic talaga yang papa mo. Walang bago."

"Hays, Ma. Miss ko na bonding natin. Eh si Pestine? May pasok pa po ba sila?"

"Yes, nak. Nasa school siya pero sabi niya two weeks nalang, graduation na nila."

"Ang bilis ng panahon, Ma. Magco-college na si Pestine. Isang araw, magpapakilala na yan ng manliligaw niya. Sana hindi niya maranasan yung naranasan ko. Hays"

"Huwag kang mag-isip ng negative, nak. Sa totoo lang hindi ko pa makita si Pestine na bumo-boyfriend. Feeling ko baby pa rin siya. Pero alam ko namang darating yung araw na yun. Buti na lang nga at hindi strikto yang papa niyo lalo na't parehas kayong babae.

Oo nga pala, nak. Pupunta raw si Steven mamaya. Magluluto nga ako eh."

"Hmm. Miss ko na rin yang kababata ko na yan ma eh. Simula kasi nung naging kami ni Apollo di na kami nagkausap masyado. Maybe it's time to rekindle our friendship again."

"Nako, nak. Sana nga kayo na lang nagkatuluyan. Boto kaya ako dun bata pa lang kayo."

"Hay nako, ma. Hindi naman ako gusto nung tao."

"Ibig sabihin kung gusto ka niya, may chance siya?"

"Maaaa naman. Remember kakahiwalay lang namin ni Apollo?"

"Just kidding, nak. Masyado ka namang seryoso."

~

Time flies so fast. Feeling ko, teenager pa rin ako. Everything went so different simula nung nag-trabaho na ako. Reality at its finest. Mas lalong nag-iba takbo ng buhay ko nung pumasok ako sa relationship. But remember, bawal ang regrets.

Tuwing titignan ko ang sarili ko sa salamin, ibang-iba na talaga ako sa dating Portia Reign Madrigal. Hindi na ako sensitive, hindi na ako nagpapadala sa sakit na nararamdaman ko. Yun nga lang, pakiramdam ko nagiging bato na yung puso ko. Huwag naman sana.

"Nak, andito na si Steven."

"Okay, ma. Sandali lang po."

~

"Hello, Portia."

"Hi, Steven. I missed you. I missed bonding with you."

"I missed you, too. So much."

"Halika, dun tayo sa garden.

Ma, punta muna kami sa garden. Chikahan lang."

*Shantal nodded

Steven's POV

"Hello, Portia." Ang baduy ng intro ko shet.

"Hi, Steven. I missed you. I missed bonding with you." Omg. Am I blushing? Shet na malupet, huwag namang ganyan, Portia.

"I missed you, too. So much."  I can't handle this hahaha.

"Halika, dun tayo sa garden.

Ma, punta muna kami sa garden. Chikahan lang."

~ garden ~

"Portia, okay ka na ba?"

"Ah, yeah. Heartbreak has nothing to do with myself. It can't break me."

"Bilib din talaga ako sayo eh. Tagal na rin nating hindi nakapag-bonding no?"

"Oh, i'm sorry. Alam mo naman, distansya lang kasi may boyfriend ako that time kaso siya pala mismo hindi kinayang dumistansya sa ibang babae. Haha"

"Naiintindihan ko naman yun. Atleast now, pwede tayong bumalik sa normal. And atleast you're smiling already. I hate seeing you in pain." Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal tapos sasaktan ka lang nun.

"Ikaw, Steven? Kamusta ka? Are you in a relationship?"

"Okay naman, Portia. Ako in a relationship? Nah, naunahan kasi ako dati. Sa sobrang torpe ko, naunahan ako sa taong mahal ko."

"Aww, bakit ngayon ko lang nalaman yan? Bakit hindi ka sumugal? And teka lang, sino ba yung girl na yan?"

"Susugal naman na sana ako that time kaso it seems like gustong-gusto rin talaga niya yung boy. Kasi gwapo, mayaman, kaso playboy naman pala. Lamang ako ng loyalty hays. Hahaha just kidding."

"Hmm. Sino si girl?"

"Uhm i—"

"Steven, Portia, kain muna kayo oh. Nag-prepare ako ng food para sainyo. Pwede ba akong sumali sa chikahan niyo?" Oh, Tita Shantal.

"Sure, tita." Natahimik bigla si Portia and mukhang pagbibigyan muna niya kami ni tita mag-usap.

"Iho, na-miss kita. Ang gwapo gwapo mo pa rin. Kamusta ka na?"

"Okay naman po, tita. Ikaw po, kamusta?"

"Okay naman din, iho. May girlfriend ka ba ngayon?"

"Nako, wala po. Still waiting for someone. I guess she's available now." Napalunok si Portia ah.

"Aba, kilala ko ba yan?"

"Yes, tita. You know her."

"Abaaaaa, iho. Don't tell me.."

"Maaaaa naman." Aba'y biglang sumabat si Portia.

"Sige na nga, maiwan ko muna kayo dito. Kain kayo mabuti and chikahan well."

"Thank you po, tita."

Date Published: March 27, 2020
A/N: Thank you guys, for reading. Don't forget to vote for this chapter.

Patawad, PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon