Ikapito

57 5 0
                                    



Ikapitong Kabanata

"Hindi pa ba sapat
Nu'ng binigay ko ang lahat?"

Portia's POV

*Apollo sent a message.

Wtf? Anong kailangan mo sa akin?

Apollo: How are you, Portia? Mukhang okay at masaya ka na ah. May bago na ba?

Oh shit. Nakakapag-init ng ulo yung message niya. Tae, bakit ganun? Bakit parang ako pa yung nanloko?

Portia: Heto, okay naman. Okay ako, masaya ako. Pero walang bago. :)

Huwag mong baliktarin ang history, Apollo. Alam mong minahal kita simula una.

Apollo: Hmm, okay. Balita ko may bago ka na ah.

Portia: No, balita ko ikaw ang may bago simula pa lang. I'm done with your shits. Leave me alone. God bless you.

Ayaw ko na sanang magalit pero napaka-insensitive niya. Anong karapatan niyang ganunin ako eh siya naman tong nang-iwan at nanloko.

Grabe. Ang bigat. Nandito nanaman ako sa tanong na hindi pa ba sapat lahat ng ibinigay, ginawa, at ipinadama ko sakanya? Well, I wish them luck. Hindi naman laging aayon ang tadhana sa kanya.

*Steven sent a message.

Steven: Still up, Portia?

Portia: Yes, why?

Steven: Can I call?

Portia: Okay, sure.

"Good evening, Portia."

"Good evening, Steven. Bakit pala napatawag ka?"

"Wala, gusto lang kita kamustahin. Sabi kasi ng gut feeling ko, kamustahin kita. Kamusta ka?"

"Okay naman haha"

"I know that you're lying. Yung totoo?"

"Okay. Hindi ko alam kung dapat bang i-kwento ko sayo to pero nag-message si Apollo sa akin."

"And anong sabi niya?"

"Nangamusta pero sarcastic. Mukhang masaya na raw ako at may bago na. Nakakainis lang kasi bakit ganun? Sobrang insensitive niya at binabaliktad pa niya talaga. Nakakaasar sobra."

"Chill, Portia. Huwag kang magpapaapekto sa kanya dahil yun ang goal niya, ang maasar ka sa kanya. Huwag mo na lang ulit pansinin kasi baka umabuso. Alam mo, alam kong nahihirapan ka pa lalo na't hindi naman ganun kadaling kalimutan ang isang taong nakasama mo ng 3 taon. Pero alam kong matalino ka at alam mo yung worth mo. I'm praying na um-okay ka na, Portia. Magiging okay din ang lahat. Remember, nandito lang ako lagi para sayo."

"Thank you so much, Steven. Wala akong masabi kundi salamat. I think it's time yo go to sleep. Pa-midnight na, matulog ka na rin ha? Goodnight, Steven. God bless you."

"Thank you rin, Portia. Goodnight, God bless you."

-

"Sinungaling ka, Crisanto! Huwag mo akong gawing tanga!"

"Ano bang sinasabi mo, Shantal? Ang tanda-tanda na natin para sa mga ibinibintang mo."

"Yun na nga eh, ang tanda-tanda na natin pero ngayon ka pa nangaliwa. Ang kapal ng mukha mo!"

Teka, nag-aaway si mama at papa? Dis-oras ng gabi ah.

"Shantal, kung totoo yang mga ipinaparatang mo, sino namang babae ha? Mahal kita, alam mo yan."

"Tangina, Crisanto. Hindi ako tanga. Mahal mo ako pero bakit may iba? Nakakahiya ka. Yung dalawa mong anak babae tapos ikaw magloloko. Kung kailan ko tumanda saka ka nagkaganyan. Dahil ba diyan sa trabaho mo? Si Castilona diba? Siya yung babae mo."

"Anong pinagsasasabi mo? Boss ko si Ma'am Castilona."

"Yun na nga eh. Boss mo, kinakalantari mo. May asawa't anak pa yung tao at ikaw may asawa't anak ka rin! Hindi ka ba nahihiya? Ayaw na kitang makita dito simula bukas. Please lang."

I can't handle this pain. Nag-cheat si papa? But they love each other so much. They look so perfect. After 30 years of marriage, bakit? Sana panaginip lang lahat ng to.

"Shantal, mahal na mahal kita. Huwag mo namang gawin sa akin yan. Ayusin natin to."

"No, Crisanto. I'm done with you. Una palang alam mo na mangyayari sa mga bagay-bagay. Matanda na tayo para sa mga ganyang ka-shitan."

"Pero yung mga anak natin. Shantal, please give me a chance."

"No, Crisanto. Tama na please."

-

Gusto kong pumalagitna sa kanila pero hindi naman yata tama yun. What should I do now? Hindi ko na alam gagawin ko. If everything that i've heard was true, who is Castilona? Boss daw ni papa sabi ni mama? I can't take this anymore.

I found myself crying inside the bathroom. Mauulit nanaman ba? Magiging miserable nanaman ba ako nang hindi nakikita at nalalaman ng kahit sino? Ayoko na, please. Ayoko ng bumalik sa ganung phase ng buhay ko.

What I need to do right now is to check the profile of her boss.

The owner of Psythella Company. I don't know her full name but I heard from mom na Castilona ang first name and I guess madali lang hanapin kasi unique naman yung name niya.

...

Castilona Olivar.

Wait a minute.

Olivar? Ka-apelyido niya si Quintina?

Are they relatives o ka-surname lang?

Who are you Castilona Olivar? What do you need from us?

Date published: April 13, 2020
A/N: Hello! Thanks for reading, don't forget to vote for this chapter. I guess this story will be having 20 or more chapters plus the epilogue. Thanks again!

Patawad, PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon