Ikaapat na Kabanata
"Bakit gano'n, kahit sa'n lumingon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo?"Steven's POV
"Portia, alam kong masyado pang sariwa ang lahat ng nangyari sayo. Hindi pa humuhupa yung sakit sa puso mo. Pero ayaw ko ng mag-aksaya ng ilan pang taon dahil sa ka-torpehan ko. Portia, my kababata, you were my first love. Alam kong magugulat ka pero bata pa lang tayo, gustong-gusto na talaga kita. Sobrang naging torpe ako kasi baka pag umamin ako sayo dati, layuan mo ako. Nung time na aamin na ako sayo, naunahan ako ni Apollo kaya sobrang laking pagsisisi yun. Hinayaan ko lang kasi alam kong dun ka sasaya eh, kita ko rin naman kung gaano ka kasaya nung dumating siya sa buhay mo.
Gustong-gusto ko sabihin sayong hindi siya nagbago pero alam kong magmumukha lang akong epal at naninira kasi alam kong mahal mo na siya that time kaya hindi ka maniniwala. Alam kong magagalit ka lang sa akin. Sobrang nasasaktan ako pero wala akong magawa kasi sino ba naman ako diba? Portia, sana hayaan mo ako ngayon. Hindi kita minamadali. Hindi kita pinepwersa pero gusto ko sabihin sayong hihintayin kita.. liligawan kita, at mamahalin kita nang buong-buo. Portia, mahal na mahal kita."
She's damn crying. May nasabi ba akong mali?
"Steven, mahal kita bilang kaibigan. Alam mo yan. Hindi ko lang alam ire-react ko ngayon sa mga sinabi mo. Sobrang pre-occupied ko pa rin this past few days. Hindi naman agad mawawala yung pagmamahal ko kay Apollo. Actually, hindi naman talaga nawawala ang pagmamahal sa isang tao, nababawasan at nagiging least priority lang kumbaga. You were always there, I know. Hindi naman ako maghahabol pa kay Apollo or what kasi i'm in the process of loving myself more. It's just that, parang lahat ng daan pabalik sakanya. Maybe nabulag lang talaga ako kaya ganun. Kaya feeling ko lahat daan pabalik sakanya. But i'm not cutting you off. I'm not building walls. Pero sa ngayon, di ko alam sasabihin ko. But I want you to know that I appreciate you a lot."
Woah she's crying.
"I know, Portia. I know. Atleast ngayon, nakakahinga na ako nang maayos kasi nasabi ko na rin lahat ng gusto kong sabihin sayo simula pa before. I'm gonna win you, Portia. Hindi ko hahayaang maramdaman mo ulit yung naramdaman mo before sa maling tao. Hindi man ako perfect but I will do everything to make you happy and suffice your needs. Portia, masaya akong nakilala kita. Masaya ako sobra."
"Sobrang nakaka-speechless lahat ng nangyayari ngayon sa akin. But I want to thank you for confessing everything you wanna say. The chance is there. Ikaw na ang bahala basta I won't assure you. Ayokong umasa ka kasi hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako ganito, kung hanggang kailan tong nararamdaman kong ganito."
"Naiintindihan ko talaga yun. Maraming salamat din. Sa wakas, maipapadama ko na sayo yung gusto kong madama mo.
Wait lang, Portia. Kakausapin ko lang si tita sa loob ha? May sasabihin lang ako."
"Gora, take your time." Her smile is so precious. Mali. She's precious herself.
Portia's POV