Ikalabing-isa

45 2 0
                                    




Ikalabing-isang Kabanata

Steven's POV

"Maiba lang, Portia. Ayaw ko sanang maging insensitive sa nararamdaman mo pero gusto kong ilabas mo sa akin lahat ng nararamdaman mo ngayon. Hindi na kita tatanungin kung okay ka lang ba kasi alam kong hindi ka okay. Portia, i-kwento mo sa akin lahat ng gusto mong i-kwento at ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Please? Yung walang filter. Go, Portia."

Sana sabihin mo lahat ng nasa loob mo, Portia. Nakikita kong pagod na pagod yung mga mata mo. Nararamdaman kong bigat na bigat ka na.

"Okay, Steven. Aaminin kong masakit pa rin talaga yung ginawa sa akin ni Apollo. Knowing na totoo lahat ng rumors before? It really hurts a lot. At the same time, it's a relief for me kasi naalis siya sa buhay ko nang mas maaga. Kasi kung hindi, malamang hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako sa kanya. Masakit yun pero i've learned a lot from that. Ayokong indahin yung ganung pain kasi baka ibang klaseng tao yung kahinatnan ko kapag napuno ng galit. Kay papa naman, pakiramdam ko hindi pa siya totally nagsi-sink in. Akala ko kasi iba si papa eh. Akala ko kaya malaya kami ni Pestine sa mga gusto naming gawin kasi ayaw niyang masakal kami. Yun pala katulad lang din siya ng ibang lalaki. Imagine saka siya nagloko kung kailan matanda na sila ni mama. Dahil dun, na-realize kong kahit pala gaano na kayo katagal, kahit kasal pa kayo, kung lolokohin ka, lolokohin ka talaga eh. Nasasaktan ako but I know mama's hurting more. Kasal sila eh. May mga anak sila. Hindi ko alam kung gaano kasakit nararamdaman niya sa ngayon kaya ayokong maging makasarili sa nararamdaman ko. Nasasaktan din ako para kay Pestine. Growing up, she's a tough woman. Kung hindi ako palasabi ng nararamdaman ko, mas ma-sikreto siyang tao. Never pa yan nagsabi sa amin ng nararamdaman niya. She will always say na okay lang siya. Pero sa nangyari ngayon, sa tingin ko, nahihirapan din siya. Malapit na rin graduation niya, plano niyang i-surprise si mama at papa dahil with high honors siya pero for now, hindi ko alam ang mga posibleng mangyari. And about sa kanila ni Santine Rey Olivar, totoo yun. Hindi ko nga lang alam kung ano yung intensyon nun. Hindi ko talaga alam gagawin sa ngayon. Ang alam ko lang is kailangan kong magpatuloy. Masakit, Steven. Sobrang sakit kasi nagsabay-sabay. Pero wala eh."

Hindi ko namalayang naluluha na rin pala ako habang nagsasalita si Portia. Ramdam ko yung bigat. Na kailangan niyang isantabi kasi alam niyang mas kailangan siya ng pamilya niya ngayon.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, Portia. Pero nandito ako, handang damayan ka. Hindi man ako makapagbigay ng eksaktong mga salita sa iyo, ipinagdarasal naman kita araw-araw, gabi-gabi. Magulo man ang sitwasyon niyo ngayon, lagi mong tatandaang may dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay mo. Hindi ibibigay sayo ni Lord yung ganyang kabigat na problema kung alam Niyang hindi mo kaya. Magtiwala ka, Portia. Magtiwala ka sa sarili mo, sa pamilya mo, sa Diyos, at magtiwala ka sa mga mangyayari. Portia, you can take a break from reality. Sa palagay ko, mas makakabuti kung hindi mo papatulan yung issues na ibinabato sa inyo kasi baka lalong lumaki."

"Huwag kang mag-alala, Steven. Yun ang una't huling magsasalita ako sa public about sa issue ng pamilya namin. Maraming salamat, Steven. Hindi ko itatangging kailangan ko talaga ng kaibigan sa panahong ganito. I can't talk to mom. Gusto ko siyang bigyan ng personal space. Mukhang kailangan niya munang iiyak lahat para matapos na. Si Pestine, she's busy right now. Sa tingin ko, no one can break her. Miss ko na rin pati mga kaibigan ko. Hays."

"I understand, Portia. I understand everything. Maraming salamat kasi may tiwala ka sa aking magsabi ng mga ganyang parte ng buhay mo. You miss your friends? Bakit hindi ka mag-set ng bonding time niyo? I'm sure magbibigay sila ng time for you. Gusto mo isama ko rin friends ko. Ano, g?"

"I'd love to do that. Okay magse-set ako ha? Walang mawawala sa araw na yun. I really miss my girl friends. Thank you, Steven. Thank you so much."

"I'm praying for your better days, Portia. Araw-araw, asahan mong may ipadadala ako sayong random things na makakapagpasaya sayo. Sana makatulong ako kahit papaano. Mauuna na ako, Portia. I'll pray for you and your family. Take care always."

"Mag-iingat ka, Steven. Maraming salamat sayo. God bless you always."

-

Portia's POV

"Mag-iingat ka, Steven. Maraming salamat sayo. God bless you always."

Pasensya na kung nasabay pa yung mga problema ko sa buhay.

Message ko na nga ang bestfriend kong hottie, maganda, at sexy kaso babae rin ang gusto.

Portia: Beshie, bonding naman tayo oh. Miss ko na kayo ng bebe mo.

Chrysler: Sure, beshie. Isasama ko si Louisiana. Btw, kumusta ka na? It's been awhile. Pasensya ka na kung hindi kita makamusta, sobrang dami kasing gawain. Kaya babawi talaga ako.

Portia: Heto, okay naman. Fighting and still breathing but I confess na it's not easy.

Chrysler: Kita ko yung aminan serye niyo ni Steven sa vlog mo ha. May ganun palang happenings. Kumusta kayo?

Portia: Ayun, manliligaw daw siya no matter what. Alam naman niya sitwasyon ko ngayon at naiintindihan niya lahat.

Chrysler: I knew it, beshie. Una pa lang dama ko na yung pagtingin niya sayo. May tiwala naman ako sa lalaking yun para sayo at may tiwala rin naman akong hindi ka na ulit magpapaka-gaga.

Portia: Eh kayo ni Louis? Ang tagal niyo na rin. Kamusta kayo?

Chrysler: Ayun, going strong pero syempre pareho kaming babae kaya medyo mahirap. Alam mo naman lukso ng dugo nating mga babae, topakin at moody. Kapag nagsabay pa, edi wala na.

Portia: Bilib pa rin ako sainyo. Stay strong sainyo. Take care always!

-

Napapaisip na lang din talaga ako minsan. What if babae na lang din mahalin ko? Just kidding. Bilib ako sa mag-jowang yan, tagal na rin nila. I'm praying for their happiness.

And for my family's happiness, too.


Date Published: April 29, 2020
A/N: Last update for this month.

Patawad, PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon