Ikalabing-dalawa

50 3 0
                                    




Ikalabing-dalawang Kabanata

"Paanong burahin ang sandaling
Naiguhit sa panaginip"

Portia's POV

Things aren't usually going back to normal.

Nakakapagod din pala kapag paulit-ulit na lang yung issue sa buhay.

Hindi na sana ako makakaramdam ng inis kay Apollo at Quintina kaso ang kapal ng mukha nila para baliktarin lahat ng nangyari. And you know what? Kalat na kalat na sa news na pinalayas ni Mr. Olivar si Quintina sa mansion nila.

Hetong si Quintina nagmamalaki pa rin. Napakahambog na babae. Kahihiyan.

Hindi niya alam ginagambala pa rin ako ng what so called boyfriend niyang inagawa niya sa akin.

I don't get it.

Napaghahalataang katawan lang habol sa kanya ni Apollo.

Hindi ko pa rin lubusang maisip na nag-aksaya ako ng panahon para sa isang lalaking ganun lang ang gusto. But well ofcourse, he played an important role in my life.

@portiareign: Hi, Queens! Happy 50K followers here on Twitter and happy 30K followers on Instagram! I love you all. Thank you for defending me even when i'm not aware. Much appreciated. But please stop sending hate to others, just spread love.

In demand ang request para sa new vlog kasama si Steven. Napapadalas na rin ang pagdalaw niya sa amin ni mama.

And si mama? She's doing better. But I guess Pestine's not. I asked her kung ano ang totoong feelings niya kay Santine at inamin niyang may feelings niya siya dun.

I'm still thinking kung dapat pa ba talaga siyang palayuin dun but I guess too much na kung madadamay pa sila.

"Pestine, can we talk?"

"Sure, ate."

Pagdating sa ganitong bagay, sa akin na ipinagkakatiwala ni mama si Pestine, wais naman daw kasi ako pag puso't pag-ibig na ang usapan.

"Pinag-isipan kong mabuti yung pinag-usapan nating dalawa. Pinag-isipan ko rin yung takbo ng buhay natin ngayon. I guess, hindi ka na dapat nadadamay sa issue na to. Hinahayaan ka na naming makipag-ugnayan kay Santine. Besides, I can see na talagang maganda intentions niya sayo. Nagpaalam pa nga siya personally. Magalang siya at matipuno. Ikaw na ang bahala, Pestine. Nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang tama sa mali. You are now free when it comes to entering relationship, Pestine. I'd love to see you being happy with someone else and I guess okay naman siya for you."

"Pero, ate. Kapatid niya si Quintina na umagaw kay Kuya Apollo at nanay niya ang kabit ni papa. Alam kong kahit hindi mo sabihin, masakit pa rin yun at sa tuwing makikita mo si Santine, maaalala mo sila. Ayaw ko namang maging selfish, ate."

"At ayaw ko rin namang maging selfish, Pestine. Ayaw kong maipit ka sa gulo namin. Si mama, nakausap ko na rin. She wants you to be free. We want you to be free. Mas magiging masaya kami kapag naging masaya ka para sa mga bagay na gusto mo."

"Thank you so much, ate. I love you."

"You're welcome, bunso. I love you more. Magpahinga ka ha at graduation niyo bukas. Congrats ulit ha? Pasensya na at sumabay pa yung problema ng pamilya natin. Andiyan pa rin naman si mama para magsabit ng medal mo."

"Wala namang may gusto nun, ate. Well, life still goes on. Thank you, ate."

-

Patawad, PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon