Chapter 31

91 15 0
                                    

"Mystery Caller"
Chapter 31

Rinig ang hiyawan at sigawan ng mga bata. Ang iba pumapalakpak pa. Lalong dumami ang mga ingay bata sa paligid.

'Mukang nagtawag pa yung iba'

Sa isip isip ko. Nakapikit parin ako.. dahan dahan kong binuksan ang isa kong mata. Yakap ko ang saranggola at... pagdilat ko naaninag ko agad ang mukha ni shindou. Nakangiti ito.. teka.. smirk ata yun. Nagsasalita sya pero.. ewan ko ba kung anong pumasok bass a isip ko't di ko sya marinig. Tanging pagtitig lang ang nagawa ko hanggang sa tuluyan na akong bumalik sa katinuan.

"Ano? Baka matunaw ako nyan~" namula ako sa sinabi nya. T-teka!!?!? Gano katagal ba akong nakatitig sa kanya!?!!

"Si ate kirinooo may crush kay kuya pogiiii" pang iinis sa akin ng mga bata.

"Baba mo ko..." mahina kong sabi sa gitna ng kilig na nararamdaman ko.

" eh kung ayoko?" Tumawa ang mga bata at biglang sumigaw si syra.

"Wahhh ate kirino para kang princess tas buhat ka ni kuya prince charminggg" sabi nito sabay turo. Kaya naman maging ang ilang bata ay sumang ayon. Paano ba naman. Buhat buhat niya ako na parang prinsesa.. este.. bridal style kasi. At... ayun... naiimagine ko tuloy... >~<

"Kuya prince charming mabigat po ba si ate kirino?" Tanong ni samantha habang hawak ang isang pisngi.

"Kuya pogii ang galing nyo po!"
"Oo nga po kuya... buhatin nyo rin po kami!"
"Sige na po kuya pogiii"
"Kuya prince charming buhatin nyo din po ki na parang princess!"

Natawa ako sa mga bata at kay shindou. Mukang... sasakit ang katawan nya kakabuhat ah...

"Sige sige.. pero bago yan..." nagsimulang umatras si shindou. Kinabahan ako.

"Uy teka ibaba mo muna ko-- shindou!!!!" Bigla syang tumakbo matapos ay sumigaw ng...

"Habulin nyo muna kami!!"at nagsitakbuhan ang mga bata matapos maproseso sa utak ang sinabi ni shindou.

"Shindou pag ako nahulog sasampalin kita! >~<" tumawa lang sya at pumunta sa may paliko.

"As if naman na ihuhulog kita... saka kung mahulog ka man.. wag kang mag alala di ka masasaktan.. kung may masasaktan satin.. ako yun.."

Next?!? Dont forget to vote😊 sorry nabago type ng pagsusulat ko hehe

Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon