Chapter 40

63 11 2
                                    

Mind reading my other stories? Hope you enjoy reading 😊 the photo above is 'Unfolding SECRETS' hope you support it😊

Mystery Caller
Chapter 40

Kirino POV

Nanatili ako na nakatayo sa aking pwesto. Katabi ko si hayami. Nagsalita sya ng mahina.

"Gusto kang surpresahin ni shindou.  Kirino.. please.. sana pag isipan mo" ngumiti sya at tinapik ng aking balikat.

Umalis na sya at ang mga taong may hawak na banner na di mabasa nakasulat.  Baliktad kasi.

Natapos ang tugtog pero may pumalit na musika. Lumapit sa akin si shindou dala ang isang bulaklak na pula. May pink ribbon sa tangkay.

"Shindou " sambit ko. Anong binabalak nya?

Nagsimula syang magsalita. Nung una hindi ko sya maintindihan.  Pero unti unti syang lumuhod at nagsalita. Walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko batid pero tila naka sarado ito.

Nabasa ko nalang ang nakasulat sa mga banners na hawak nung mga kaibigan nya na nag abot sa akin ng bulaklak.

"Will you be my girlfriend? " napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot. Maraming tao sa paligid. Sa may dulo ng lawa. Sa taas ng building.  Sa gilid ng garden. Sa likod ko.

Hindi ko alam pero imbis na kiligin ako. Pressure ang naramdaman ko. Nag aalalang tumingin sa akin si shindou. Magsasalita sana ako pero bigla akong bumagsak.

"Kirino!" Sigaw nya at nasalo ako bago tuluyang bumagsak sa sahig. Wala akong marinig pero batid kong nagpapanik ang lahat. Ramdam ko ang pagbuhat sa akin at pagtakbo ng nagbubuhat sa akin. Nakasakay kami sa kotse. Patuloy sa pagsasalita si shindou pero di ko ito maintindihan. At tuluyan na  ngang bumigay ang aking talukap. Kasabay ng pagputol ng aking nararamdaman.

*fast forward*

Nagising ako. Teka.. nasa ospital yata ako. At tama nga ang aking iniisip. Sa may gilid ko. Hawak ni shindou ang aking kamay nakayuko. Nakatulog. Ilang oras akong tulog? O dapat ko bang sabihing.. ilang araw akong tulog?

Nagising yata si shindou sa paggalaw ko ng subukan kong umupo.

"Ki-kirino! Nagising ka rin!" Naluluha nyang sabi sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon