Chapter 44

68 13 2
                                    

Mystery Caller
Chapter 44

Kirino POV

Anong nangyayari? Bakit nya ako niyakap?

Wala akong imik at pinagmasdan lamang sya.

Bakit wala akong maramdaman? Hindi manhid ang katawan ko pero. Bakit.. parang.. wala akong saya o lungkot na nadama. Walang takot o pangamba? Parang.. wala lang. Natural lang.

"Anong gusto mong kainin? May gusto ka bang ipabili? Sigurado ko gutom ka na. Kirino may gusto ka bang kainin?" Tanong sa akin ni shindou.

Tulala lang ako. Ano nga bang gusto kong kainin. Bakit parang di naman ako nagugutom?

Dumating na yung doktor. Pumasok sa loob. Tahimik lang ako.

"Dok anong nangyari kay kirino?" Tanong ni shindou

"Nagising na sya. Gaya ng sinabi ko. Her brain suffer a lot. Hindi matatag ang mental stability nya. At ang mga pangyayari sa kanya ang nag triggered kung bakit pumutok ang ugat. I'll prescribed a medicine. Maaari nya tong gamitin to not suffer from sudden release ng emotions."

Hindi ko na maintindihan ang sinabi ng doktor. Tumayo ako at dumampi ang malamig na tiles sa paa ko.

"Kirino! Wag kang tumayo kakagising mo lang" sita ni shindou.

"Sir. Hayaan nyo sya. Its good for her to walk around. Para hindi iisang view lang ang nakikita nya."hindi na ako pinigilan ni shindou.

Dumating ang ilan nyang kaibigan. Si kyousuke at matatagi.

"Pre pa bantayan muna si kirino ah" tinapik ni shindou si kyousuke.

"Kirino. Bibili lang kami ng pagkain"

At umalis sila. Wala akong sinabi at naglakad lang. Nakalabas ako papunta sa rooftop. May railings na di kataaasan. Para siguro sa safety.

"Bat ka pumunta dito?" Cold na sabi ni kyousuke. Hindi ako nagsalita.

"Napipi ka na ba?"

"Hindi" tipid kong sabi sabay hawak sa railings. Ang hangin. Humahampas sa balat ko.

"Bakit ka pa ba nagising. Sana di ka nalang gumising pa"

Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon