Chapter 33

116 17 3
                                    

MYSTERY CALLER
Chapter 33

Napangiti ako sa sinabi ni shindou. Ang bait nya.. hindi sya gaya ng ibang mayayaman na luho lang ang nais. Natutuwa ako na.. may malasakit rin sya sa mga bata.. lalo na sa mga.. batang wala ng pamilya o magulang. Mga nasa orphanage.

"Wahh kuya shindou!" Tumayo ang iba at niyakap nya. Nagtawanan kami pero napagsabihan ni sister na mamaya na ang ganon at tapusin muna ang pagkain. Natapos ng kumain ang mga bata. At paglabas nila.. nagtakbuhan sila sa isang malaking tent na ang mga kasangkapan.

Parang isang munting bahay!

"Wah!!"
"Ang ganda!"
"Ate kiri look!"
"Pwede kaya tayo pumasok?"
"Wow..."
"Cool..."

Nabibighaning tugon ng mga bata. Nakita kong napangiti si shindou.

"Shindou... ikaw ba may gawa nyan?" Tumango lang sya at naglakad papalapit sa tent.

"Oh akala ko ba maglalaro tayo ng bahay bahayan?" Tumawa sya. At dahil doon.. naglalaro na kami ngayon. Ng bahay bahayan.

Sya ang tatay.

Ako ang nanay.

At ang napakaraming bata ang syang anak namin.

"Wag kayong magtakbuhan--" nababa ko nalang ang kamay ko. Ang kulit nila pero.. bakas ang tuwa at galak sa kanilang mga mata. Biglang may yumakap sakin mula sa likod kaya kinilabutan ako.

"Kamusta ang mommy ng mga bata?"

"Shindou!" Sigaw ko at lumayo sa kanya. Tumawa lang sya.

"Oh bakit ka sumisigaw? Diba dapat ang mommy at daddy ay nagmamahalan? Eh inaaway mo ko eh.." nagpout sya at umupo sa bin bag couch habang ang dalawang kamay ay magkahiwalay.

"Laro lang to wag mong seryosohin" inirapan ko sya sa kabila ng pamumula ng pisngi ko.

Wah! Eto nanaman sya>~<

Tama na.. tama na... ayan ka nanaman kirino papakilig ka nanaman. Tapos aasarin ka lang nya. Oo na mabait sya pogi at matulungin pero.. pero... hay!! Ewan!

Napailing ko habang tinatapik tapik ang aking pisngi. Wahh kinikilig talaga ako.

Inhale.. exhale... okay..

Kalma na ko. Okay..

Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si shindou na nakangisi. Nagblush nanaman ako. Sisitahin ko sana sya ng biglang sumigaw si simon.

"A-ate kirino!! Si.. si silva po!!"

Ng tumingin ko kay shindou. Wala na sya sa dati nyang pwesto. Napansin ko naang na tumatakbo na pala sya palapit sa grupo ng mga bata.

"Shindou..."

Mystery CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon