Chapter 1

58K 1K 89
                                    

JANE'S POV

ISANG taon na rin simula nung hindi na kami magkita ni Ace. Maraming araw na hindi ko siya inisip.

"Jusko marimar, ano yang tinutunganga mo diyan? Yung bata dito palaging umiiyak!" Sigaw sa akin ng tiya ko na nagpagulat sa akin. Dali dali naman ako tumayo sa pagkakaupo malamit sa bintana at dali-daling nagtungo sa anak ko.

Nakakaawa naman tong anak ko. Hindi niya masisilayan kung gaano kaganda ang iniluwal ko. Jusko, ba't palagi ko na naman siyang iniisip. Di'ba sinaktan ka na nya? Tama na yun self.

Napahawak na lang ako sa aking anak habang pinapatahan siya. Saglit lang ay nakatulog na sya kaya lumabas muna ako sa kwarto at nagtungo sa cr para labhan yung mga damit ng tiya ko pati na rin yung sa amin.

"Huy Jane!"

Dali-dali naman akong tumingin kung sino yung tumawag sa akin. Nakita ko si Chelsa, anak ng tiya ko na galit na galit habang may hinahawakan na damit.

Patay! Nakalimutan kung labhan yung damit niya. Ngayon nya pala dapat itong isuot.

"Malandi na nga boba pa! Ba't hindi mo nalabhan tong damit ko? Alam mo ba na may party na gaganapin sa bahay ng classmate ko?" Galit na tanong nito sa akin. Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan.

"Pasensiya na, hindi na mauulit." Mahina kong sambit habang nakayuko pa rin.

"At talagang hindi na talaga mauulit! Boba!" Sigaw nitong sabi at binato ang kanyang damit sa akin. Pinulot ko na lang ito at huminga ng malalim.

"Kaya mo to Jane. Nakayanan mo ngang umalis sa pamilya at sa boyfriend mo, kaya mo rin to. Pagsubok lang to" sabi ko habang pinapakalma ang aking sarili. Hindi na ako nag aksaya ng oras na labhan ang mga damit nila at baka ano pa ang panunumbat na matatanggap ko.

Pagkatapos kong labhan ang kanilang damit ay nagtungo muna ako sa kwarto para makapagpahinga. Tumabi ako sa aking anak na mag iisang taon na ngayong febrero. Napapangiti na lamang ako habang nakatingin sa maganda niyang mukha.

"Manang-mana ka talaga sa akin baby" masayang sabi ko. "Paglaki mo, hindi mo mararanasan yung sakit na dinanas ko. Pangako iyan."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko hanggang sa dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

"Naku! Napakawalang hiya ka talaga!" Nagising na lang ako dahil sa lakas ng pagsigaw. Dali-dali akong bumangon at nagulat na lang ako ng sinampal ako ni tiya.

"At may gana ka pa talagang matulog? Nakalimutan mo na ba trabaho mo dito?" Tanong nito habang nakahawak na sa buhok ko. Kinaladkad nya ako palabas ng kwarto at tinulak ng malakas. Napapikit na lang habang umiiyak ng mahina.

"Ano? Hihiga ka lang ba diyan? Hindi ka magluluto huh!" Sigaw nito sa akin kaya tumayo ako ng dahan-dahan at nagtungo sa kusina.

Dali-dali akong nagluto kahit masakit ang katawan ko dahil sa malakas nyang pagtulak sa akin. Pinahiran ko ang aking luha at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Balang araw, kayo na rin ang luluhod sa akin at magmamakaawa. Ipapangako ko iyan.

Pagkatapos kung magluto ay lumabas muna ako ng bahay upang magpahangin. Hindi ko alam kung bakit tinatrato nila akong parang baboy. Gagawin ko ito hindi sa sarili ko kundi sa anak ko.

Bigla may huminto na kotse sa tapat ng bahay ni tiya. Nakakunot ang aking noo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may mangyayaring masama.

Napanganga ako ng may nakita akong isang pigura ng lalaki na lumabas sa kotse.

"Jane, we need to talk" malumanay nitong sabi. Parang huminto ang mundo ng magsalita siya. Hindi pwede!

"Ace" mahina kong sambit.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon