Chapter 11

30.6K 574 3
                                    

Mag-dadalawang linggo na akong nakatira sa condo ni Jacob. Palagi niya pa rin akong inaasar. Palagi na lang kaming nag-aaway tapos magbabati ulit. Ganyan 'iyong cycle sa friendship namin.

"Ano na naman iniisip mo?" Napabalik ako sa reyalidad ng may biglang magtanong. Si Jacob pala.

"Paki mo? Mag-isip ka rin. Wala namang pumipigil." Pamimilosopo ko dito. Binatukan naman ako nito kaya napadaing ako.

"Aray! Ba't ka nambabatok!" Sigaw ko rito. "Sipain ko kaya yang betlog mo." Dugtong ko na ikinagulat niya.

"Paano ako makakaanak kung sisipain mo ito?"

"Problema ko ba 'iyon?" Malditang tanong ko saka siya inirapan. Hindi talaga kokompleto araw ko kapag may mongoloid sa tabi mo. Uminom na lang ito ng kape at umupo sa sofa habang may hawak na diyaryo.

"Ano ba 'yang binabasa mo?" Tanong ko rito.

"Basahan." Napairap na lang ako.

"Tatadyakan talaga kita kung hindi ka sasagot ng maayos." Galit kong wika. Kinuha ko na lang ito.

"Aba't! Ibalik mo nga sa akin 'iyan!" Inis nitong saad sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at binasa ang nakasulat sa diyaryo. Nanlaki na lang ang mata ko sa aking nakita.

'The CEO of the Montefalcon Company will getting married. Who is this lucky girl?'  Yan 'iyong nakalagay sa diyaryo. Binigay ko na lang ito sa kanya.

"Ba't tumahimik ka?" Hindi ko na lang ito pinansin. Hindi naman pwede si Ace 'yung tinutukoy na CEO. Wala namang nabanggit sa akin 'yun. At marami namang Montefalcon dito sa mundo kaya malamang hindi siya ito.

May nakita rin ako na naghahanap sila ng Secretary. Mukhang magandang oportunidad ito. Nakapagtapos naman ako ng kolehiyo at nagmamanage rin ako sa Company namin pero hindi na ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Biglang tanong nito. Iritable ko naman itong tinignan. Nakasanayan niya na ba ng tanong ng tanong?

"Oo ang lalim nga. Gusto mong makita?"

"Ba't ba ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?" Napakunot ang aking noo dahil sa tanong niya.

"Anong meron ako?"

"Regla." Babatuhin ko na sana ito ng wala akong mahawakan.

"Pasalamat ka at swerte ka ngayon. Kung hindi sakit ang mararamdaman mo." Frustated kong sabi bago umalis. Pumunta na lang ako sa kuwarto para makita si baby. Baka bumuti pa pakiramdam ko.

"Manang Belin, nakatulog na po pala si Baby?" Tanong ko ng makapasok ako. Tumingin naman ito sa akin.

"Opo ma'am. Ang kulit nga eh." Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Makulit talaga. Mana kay Ac-- sa akin." Tumawa na lang ako ng pilit. Malapit kong masambit 'yung pangalan niya. Umalis na ito kaya tinabihan ko ang aking anak sa pagkakahiga.

"Gusto mo ba na magtrabaho ako baby?" Tanong ko rito habang hinihimas ang pisnge nito. Ang cute kasi. Naisipan ko rin kanina na kailangan ko talagang magtrabaho para makatulong rin sa pangangailangan namin. Hindi naman kasi pwede manghingi kami palagi ni Jacob ng tulong. Ang laki na ng naitulong niya sa amin kaya nakakahiya naman kung dadagdagan ko pa.

Nakapagdesisyon na ako. Simula bukas, maghahanap na ako ng trabaho. Hindi ito para sa'kin kundi para kay baby. Nandiyan lang naman si Manang Belin para mag-alaga kay Baby kaya wala na akong poproblemahin.

Kinuha ko ang aking Cellphone at tinignan kung may nag text ba sa akin. Merong missed call at message kaya tinignan ko ito. Inuna ko na muna 'yung message. Baka importante.

09161440957
I want my son back.

~
09161440957
Damn! Please answer my call.

~
09161440957
I will get my son. Tandaan mo yan.

Nabitawan ko ang aking Cellphone dahil sa panginginig ng aking kamay. No! I want my son to have a peaceful life. Hindi ko na lang siya basta-basta ibibigay kay Ace. He's a Jerk. Hindi ko gusto na magaya ang anak ko sa kanya.

Humiga na lang ako katabi ni baby para ipagpahinga ang katawan ko. Hindi ko na muna inisip 'yung mga message ni Ace. Baka magkasakit na naman ako ulit. Ipinikit ko na lang muna ang aking mata hanggang sa makatulog ako.

-
Nagising na lang ako ng umiyak si Baby. Dali-dali naman akong bumangon at tinignan ang kalagayan nito. Mukhang nagugutom na siya. Agad kong tinawag si Manang Belin.

"Ano po 'yun ma'am?" Tanong ni
Manang ng makarating ito.

"Pakitimplahan ng gatas si Baby."

"Sige po." Pagkatapos ay umalis na ito. Kinarga ko si baby habang pinapatahan siya.

"Shh. Huwag ka ng umiyak baby. Nandito na si Mommy." Dahil sa sinabi ko ay mas lalong umiyak ito.

"Don't cry. Hush now baby." Pagpapatahan ko ulit at hinalikan ang kanyang ulo. Wala pang limang minuto ay dumating kaagad si Manang.
Ibinigay ko na muna ang anak ko sa kanya para painumin ito. Hindi na umiyak si Baby ng nakainom ito ng gatas.

"Mukhang puyat ka ma'am. Matulog ka na lang ulit." Wika ni Manang belin. "Ako na lang muna magbabantay kay Baby Adrian." Dagda nito.

"Talaga? Mukhang ikaw dapat ang kailangan magpahinga. Kanina ka pa bantay na banatay kay Baby." Nag-aalalang tugon ko rito. Ngumiti naman ito saka umiling.

"Hindi na ma'am. Sanay na naman po ako sa ganitong kalagayan." Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Sige. Mapilit ka kasi." Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko. Humiga na lang ako pabalik at ipinikit ang aking mata. Kailangan na may tamang tulog ako para bukas hindi ako aantukin kapag naghahanap na ako ng trabaho.

'Sana matanggap ako.' Hanggang sa lamunin ako ng antok.

-
KINDLY FOLLOW,VOTE, AND COMMENT. SALAMAT😊

-KILLEROXX

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon