Chapter 13

27.6K 490 17
                                    

JANE'S POV

"BA'T ngayon ka lang? It's 6:00 pm." Batid sa tono nito na naiinis.

"Naghahanap lang ako ng trabaho ng sumunod sa akin ang 'malas'." Binulong ko na lang 'yung huling sinabi ko.

"Sino sumunod sa'yo? Lalaki?!" Medyong naiinis na tanong nito.

"Anong lalaki?" Nagtatakang tanong ko rito. "Trabaho ang ipinunta ko at wala akong pakialam kung may susunod sa aking lalaki. Sa ganda kong 'to?" Nagbibiro kong saad at tinuro ang mukha ko. Hindi ito natawa kaya alam kung naiinis ito.

'Ano namang iniinis nito? Nandito na nga ako e.'

"Tss. Sana sinamahan na lang kita." Hindi ko naman papayagan itong samahan ako. Kaya kung tumayo sa sarili kung paa. "Natanggap ka naman?" Medyo nainis ako ng magtanong ito.

'Paano ako matatanggap kung sumusunod naman sa akin ang malas!'

"H-hindi." Nauutal kung tugon rito habang hindi makatingin sa kanya.

"Bakit? Hindi ka ba pumasa sa interview?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Basta.. mahabang kuwento.. Nasaan pala si Manang?" Tanong ko rito.

"Nasa itaas. Nagbabantay kay Adrian." Napatango-tango na lang ako saka umakyat.

"Mag-uusap tayo mamaya." Nginitian ko na lang ito at nagtuloy sa pag-akyat. Agad akong pumasok sa kuwarto at bumungad sa aking harapan si Manang Belin na nakaupo sa kama habang ang anak ko ay natutulog.

"Nakahanap ka ba ng trabaho ma'am?" Bumuntong hininga ako dahil sa tanong nito.

"Hindi manang e... mukhang malas ako ngayong araw hehehe." Pilit tawa kong saad rito. Tumawa rin ito ng mahina.

"O siya sige.. Aalis na ako. Mukhang napagod ka sa paghahanap ng trabaho." Lintaya nito. Nginitian ko na lang ito. Ng makaalis ito ay agad kong inihiga ang aking sarili sa kama at nagpahinga.

Hindi pa rin mawala-wala sa aking isip 'yung nangyari kanina.

'Ang tanga mo Jane! Ba't hindi mo nalaman na siya pala 'yung CEO?!'

Hindi ko talaga alam makikita ko siya. Ang alam ko na maraming Montefalcon dito sa mundo kaya hindi na ako nag-abalang tignan ito sa website. Salamat na lang at hindi ako makita nito. Ipinikit ko na lang ang mata ko kesa mag-isip na hindi naman importante at hindi dapat isipin. Hanggang sa nakatulog ako.

JACOB'S POV

I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jane ulit. Nag-aalala kasi ako.

"Anong iniisip mo sir? Mukhang problemado ka?" Tanong ni Manang at umupo sa tabi ko.

"Problemadong-problemado. Hindi ko alam paano kakausapin si jane ulit." Malungkot kong tugon rito. Napailing-iling naman ito saka tumawa.

"May gusto ka ba sa 'kanya'? Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tinanong niya.

"W-wala manang." At agad umiling. Ngumisi lang ito.

"Ba't nauutal ka?"

"M-may ubo kasi a-ako." Saka umubo kunwari. Napatawa ito na ikinailang ko.

"Hays! Mga bata nga naman. O siya, isipin mo kung paano mo nga 'siya' kakausapin." Saka ito umalis. Namula ako dahil sa sinabi nito.

Hindi ko gustong itago na lang palagi ang nararamdam ko kay Jane. Nasasaktan ako parati kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Matagal ko na siyang gusto--- hindi pala, matagal ko na siyang mahal simula nung una pa kaming nagkakilala.

'Sana ako na lang ang minahal mo Jane at hindi ka nasaaktan ng ganito'

Maya-maya ay napatayo ako ng bumaba si Jane habang humihikab. Mukhang pagod na pagod ito. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba ito o hindi.

"Di'ba may sasabihin ka?" Tanong ni Jane ng makalapit ito sa akin. Hindi makakilos ang katawan ko.

"Okay ka lang? Ba't parang namumutla ka?"

'Namumutla ba ako?'

"A-ah... h-hindi ka na lang sana naghanap ng trabaho." Medyong nauutak na saad ko. Napakunot naman ang noo nito.

"Kinakailangan e... Nakakahiya naman kung lagi na lang akong umaasa sa'yo." Malumanay nitong sabi.

"Baka kasi mapano ka. Hindi kita mabantayan." Tumawa naman ito.

"Hindi na ako bata Jacob para bantayan mo ako. Kaya ko ang sarili ko." Napapahiyang tumingin ako rito.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito. Dahan-dahan akong umiling.

"Tsk! Ba't hindi ka kumain?" Singhal na tanong nito na ikinabilis ng tibok ng aking puso.

'Nag-aalala ba ito?'

Napangiti ako ng malaki. Nag-aalala siya sa akin!

"Ba't ngumingiti ka diyan? E kung tadyakin kita!" Sarkastikong saad nito.

"Ba't ang brutal mo?!" Nakngusong tanong ko.

"Maghintay ka diyan. Ipagluluto kita." Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Mahal talaga ako nito.

'Mahal ako nito bilang KAIBIGAN lang'

Napabuntong hininga ako. Tinignan ko ito ulit na ngayon ay nagsimula ng magluto habang tumutulog si Manang Belin sa kanya. Tumingin si Jane sa akin at nginitian ako kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.

Sana ganito na lang palagi pakiramdam ko. Palaging masaya. Hindi ko na gustong masaktan ulit. Nalungkot ako ng maalala ko ang Ex ko.

FLASHBACK

"Babe, ba't hindi mo na ako pinapansin? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko kay Beca. Hindi ito tumingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Umalis ka na." Malamig na pagkakasabi nito. Napahinto ako sa paglalakad ng huminto ito.

"May problema ba Beca? O may problema sa akin?" Gumagaralgal ang tono ko na parang maiiyak na ako. Humarap ito sa akin.

"Walang problema sa'yo Jacob. Ako ang problema." Nakita kong tumulo ang luha nito. "Hindi na kita mahal." Dagdag nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko at parang huminto ang mundo.

"P-paanong nawala b-bigla?" Nauutal kong tanong. Napayuko ito.

"H-hindi ko alam! Basta nawala na lang ng parang bula!" Umiling-iling ako.

"N-no. Nag jojoke ka lang d-di'ba?" May bahid na pag-asa sa tanong ko.

"W-wala na Jacob."

"May mahal ka na bang iba?" Seryosong sambit ko.

"O-oo"

"Sino!" Napasigaw ako dahil sa galit ko.

"S-si Ace." Naiiyak nitong tugon. Napaiyak ako ng malakas at lumaoit sa kanya. Lumuhod ako dito habang nagmamakaawa.

"Please Beca. Gagawin ko lahat basta huwag mo lang akong iwan. Please." Nagmamakaawang pakiusap ko.

"Sorry Jacob." 'Yun lang ang sinabi nito at umalis.

-
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinahiran para hindi ito makita ni Jane. Sadyang malas ko lang talaga sa pag-ibig.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon