Chapter 14

25.3K 468 25
                                    

JANE'S POV

Nang matapos kung magluto ay humarap ako kay Jacob at nagulat na lang ako ng makita ko ang mukha nito. Sobrang lungkot.

Inilapag ko sa lamesa ang niluto kong Adobo na paborito ni Jacob.

"Are you okay?" Tumingin naman ito sa akin at ngumiti ng pilit.

"Tapos ka na palang magluto?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Pwede mo namang sabihin sa akin yang problema mo." Ngumiti ako sa kanya para malaman nito na sincere ako. Nakita ko sa kanyang mukha na hindi kumbinsido sa sinasabi ko.

"Huwag na. Kumain na lang tayo." Batid kung ayaw nitong sabihin ang problema nito kaya hindi ko na lang ito pinilit. Nang matapos kaming kumain ay agad akong umayat at nagtungo sa kuwarto.

Nakita ko si baby na mahimbing na natutulog sa kuna niya. Nilapitan ko naman ito at ginawaran ng matamis na halik.

"Alam mo ba baby, CEO ang tatay mo." Kuwento ko rito. "I want a complete family. I want your dad back. I want him back." Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko.

JACOB'S POV

Pasikreto kong sinundan si Jane sa itaas at hindi niya nilock ang pinto kaya kitang-kita ko ang ginagawa niya ngayon. Nilapitan niya ang kanyang anak at hinalikan ito.

"Alam mo ba baby, CEO ang tatay mo." Pagkukuwento nito. Ngumingiti ito.

'That bastard. Kinuha niya si Beca, sinaktan pa si Jane.'

"I want a complete family. I want your dad back. I want him back." Dagdag nito. Agad akong tumalikod dahil hindi ko na kanyang pakinggan ang mga ibang sasabihin nito. Sobra akong nasaktan.

'Mahal pa pala niya ito. Sana ako na lang Jane. Sana ako na lang.'

Hindi ko namalayan na nakasakay na pala ako sa kotse ko at pumunta sa Bar. Kaibigan ko ang nagmamay-ari nito.

"What are you doing here bro?" Nagtatakang tanong ni William. Tumawa ako ng pilit.

"I want to drink."

"Sure." Nag aalinlangan nitong tugon. Sinabi ko naman ito kung anong gusto kong inumin at maya-maya ay ibinigay na niya ito sa akin.

"Lumapit ka nga dito William." Utos ko rito.

"May trabaho pa ako Jacob. Hindi ako pwedeng magtagal."

"Hindi mo ba pwedeng damayan ang kaibigan mo?" Mapait na tanong ko rito. Napabuntong hininga na lang ito saka umupo sa tabi ko. "Kilala mo si Jane?"

"Hindi."

" 'Yun lang naman ang mahal ko." Pagsisimula ko rito at uminom ulit. " 'Yung mahal ko na ayaw kalimutan si 'Ace'." Diniinan ko ang pagkakasabi sa pangalan nito saka tumawa ulit.

"Ace Montefalcon?"

"Oo."

"Di'ba sikat ang kompanya niya sa buong mundo?" Tanong ni William at tumango ako.

"Sikat nga, gago lang hahahaha.." Pagbibiro ko. "Iihi muna ako. Saan ba 'yung CR niyo dito?" Tanong ko at tinuro niya naman ito sa akin. Agad akong tumayo at pumunta sa cr. Nang matapos na akong umihi ay lumabas ako ng may biglang bumangga sa akin.

"Tangina!" Mura ko sa lalaking bumangga sa akin. Itinulak ko ito ng malakas.

"Gago ka! Ba't mo ako binangga?! Gusto mo bang burahin ko yang pangit mong mukha?" Banta ko rito at dinuro-duro pa ang mukha nito. Nagulat na lang ako ng sinapak ako nito ng malakas kaya napaupo ako sa sahig.  Hinila ako patayo nito at lumabas kami.

"Sige! Dito mo ipakita ang yabang mo kung saan dahan-dahan kang mamamatay." Natatawang sambit nito saka ako tinadyakan. Napaubo ako. Nakita kong naglabasan ang iba pang kasamahan nito at binugbug ako.

"T-tulong." Tugon ko habang nanghihina.

"Hahahaha.. Ang yabang mo pa kanina. Yan ang napala mo." Sinapak niya ako ulit sa mukha saka sila lumisan. Namimilipit ako sa sakit ngayon at parang mawawalan ako ng malay.

"T-tulungan niyo ako." Huling sabi ko bago ako nawalan ng malay.

-
Iminulat ko ang aking mata at outing kisame ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko si Jane na galit akong tinignan. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong sumakit ang iba't ibang parte ng katawan ko.

"Huwag ka ng tumayo." Malamig na saad nito. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Inis na tanong ni Jane sa akin. Napapahiya akong tinignan ito.

"W-wala. P-pabayaan mo na lang ako." Saad ko rito at narinig ko itong tumawa.

"Pabayaan?! Matapos kitang tulungan, paaalisin mo na lang ako basta-basta? Kung ito lang naman gagawin mo, sana hindi na lang kita tinulungan." Naiinis nitong tugon sa akin saka padabog itong umalis. Bumuntong hininga na lang ako at napakamot sa aking sintido.

"Hayop ka Jacob. Ba't mo pinaalis si Jane?" Naiinis na tanong ko sa aking sarili. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi dapat ako magalit dahil ako lang naman ang nagmamahal rito at kaibigan lang ang turing nito sa akin.

"Anong nagyari sa'yo anak?" Nagulat ako ng nandito si Mommy at Daddy ngayon. "Ba't ang dami mong sugat?" Maiiyak-iyak na tanong nito sa akin.

"I'm okay Mom. Huwag ka ng mag-aalala." Matalim akong tinignan ni Daddy. Alam kong galit ito.

"Ba't nagkakaganyan ka Jacob? Anong nakain mo huh!" Sigaw nito sa akin. Napayuko naman ako.

"Huwag mo ng sigawan ang anak natin." Si Mommy. Lumapit naman ito sa akin at hinimas-himas ang aking ulo.

"Yan! Palagi mo na lang pinapanigan yang anak mo kaya lumaking matigas ang ulo." Galit na saad ni Dad.

"Sorry dad." Hindi ito sumagot sa akin at padabog na umalis.

"Pagpasensiyahan mo na muna ang Daddy mo anak. Nag-alala lang 'yun sa'yo." Ngumiti ako at niyakap na lang si Mommy.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon