Chapter 31

14.4K 264 6
                                    

3rd Person


Hindi magawang makapagsalita ni Mika dahil dala na rin ng takot at pangamba. Hindi niya gustong madamay ang kanyang mga magulang kaya minabuting itago na niya lang ito. Hindi pa rin nito lubos maisip kung anong ginawa niyang kasalanan para humantong siya sa ganito. Kahit mag iisang linggo na siyang pananatili rito sa hospital, hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari bago sa mawala.

"Jusko! Ba't ang raming guwapo dito?" Halos magtitili si mika habang lumilibot ang tingin rito sa buong paligid ng arcade. 'Yung iba ay nagbubulungan pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay maging masaya dahil first time pa itong nakapunta sa arcade. Agad siyang sumunod sa kanyang amo na si Ace habang karga nito ang anak niya. Kahit hindi alam ni mika kung paano maglaro, sinikap nitong matuto dahil balewala ang pagpunta niya rito kung hindi naman siya maglalaro.

Sa nakalipas na tatlumpong minuto, bigla itong naiihi kaya nagtanong-tanong si mika sa mga tao at tinuro naman kung saan ang cr. Agad itong nagtungo doon. Nilock niya muna ang pinto bago maupo. Pagkatapos nitong umihi ay tumayo ito at lumabas. Nanlaki ang kanyang mata ng may mapangahas na humablot sa kanyang braso at napadaing siya dahil sa sakit. Sisigaw na sana si mika pero tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang isang panyo.

Biglang nandilim ang kanyang paningin hanggang sa mawalan ito ng malay.

***

Nagising ang dalaga ng may biglang nagbuhos ng tubig sa kanyang mukha. Pagkadilat ng kanyang mata ay nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi niya alam kung saan siya dinala. Wala siyang makita maski isa dahil sa dilim ng paligid. Igagalaw na sana ni Mika ang kanyang kamay at paa pero hindi niya ito maigalaa dahil sa higpit na pagkakatali nito. Tanging hikbi nalang ang magagawa niya at magdasal.

'Tulungan niyo ako.' Saad nito sa kanyang isipan. Isa-isang pumatak ang luha nito at walang magawa kundi ang maghintay ng tulong. Napikit siya ng biglang bumukas ang ilaw. Natatakot si Mika na buksan ang kanyang mga mata. Narinig na lang niya ang mga yabag ng paa na papalapit sa direksyon niya.

Napahikbi na lang siya ng may nagsampal rito. "Buksan mo ang iyong mga mata." Maawtoridad na utos ng isang baritinong boses. Kahit labag sa kanyang loob ay sumunod na lang ito dahil baka ano pang gawin ng kanyang kaharap ngayon sa kanya.

"Hmpp!" Pagpupumiligas nito. Marahas na tinanggal ng lalaking nakasuot ng maskra ang panyo na nakabusal sa bibig nito. Nang matanggal na ay agad nagmakaawa ang dalaga sa lalaki.

"P-pakawalan niyo po ako.... W-wala po akong nagawang kasalanan para g-ganituhin ako.." Hikbing pakiusap nito. Tumawa ang lalaki at sumunod ang mga tauhan nito na nasa likuran kung saan nagbabantay sa pinto.

"Pakawalan?! Nahihibang kana ba?" Mariin nitong tanong at sinampal na naman siya ulit. Tumabingi ang ulo nito dahil sa lakas ng pagkakasampal. Ramdam niya ang likidong tumulo sa kanyang labi. Mas lumapit ang lalaki sa dalaga at pahablot na pinaharap siya.

"N-nagmamakaawa po ako. M-may pamilya pa po akong n-naghihintay sa akin." Gusto niyang makiusap ulit at baka magbago pa ang desisyon ng lalaki. Makikita sa mata ng lalaki na hindi interesado sa sinasabi nito.

"Hindi ka sana madadamay kung hindi ka nagtatrabaho sa kanila!" Sigaw na naman ulit ng lalaki at sinampal siya ulit. Napahagulgol na lang ito dahil sa kalupitang naranasan niya.

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon