Chapter 33

13.8K 284 26
                                    

Jane

PAGKABABA ko sa sasakyan ni Caleb ay nakita ko si Ace na nakatayo sa labas ng gate. He was angry while looking at me intensely.

"Oh-oh. Patay ka ni kuya." Pananakot nito sa'kin. I just raise my eyebrow. He just grinned.

Pagkalapit ko ay agad akong pinagalitan nito. "Why are you with him? Answer me honestly Jane." There was authority the way he spoke.

"Hinatid niya lang ako." I said in calm tone.

"Hinatid?! Ganyan ba ang ihahatid?! Naglalambingan pa sa harapan ko?!" He shouted at napaatras naman ako.

"Anong naglalambingan Ace? Nakita mo bang hinalikan niya ako? 'Di ba hindi? Kaya h'wag kang sigaw ng sigaw diyan." Mahinahon ngunit madiin na pagkakasabi ko. He stunned for a second at grabbed my wrist. Nasaktan ako dahil sa pagkakahila niya papasok sa bahay. Bigla naman may humawak sa kabilang braso ko para pigilan si Ace sa paghila sa akin.

"Put down your hand Caleb." Seryosong sabi ni Ace.

"I won't. Sinasaktan mo na si Jane."

"Hindi ko siya sinaktan kaya bitiwan mo ang pagkakahawak sa kamay niya!" Napahigpit ang pagkakahawak ni Ace sa akin kaya napadaing na naman ako sa sakit. Agad akong hinila ni Caleb para mabitawan ako ni Ace.

"Come here Jane. We need to talk." Hahawakan na sana ako ni Ace ng inilayo ako ni Caleb. Mahigpit kong hinila ang kamay kong nakahawak kay Caleb at galit ko silang tinignan dalawa.

"Pwede ba?! Huwag kayong mag-away dito! Kung gusto niyo mag-away, doon kayo sa labas! Magpatayan kayo! Huwag ninyo ako idamay! Letche!" Sigaw ko sa kanila. They became silent when they saw me angry. Padabog akong pumasok at nagtungo kaagad sa kuwarto. Agad ko itong sinara. Napaiyak na lang ako ng makita si Adrian sa kama na mahimbing ang pagkakatulog. Nilapitan ko kaagad ito at hinalikan sa noo.

"Huwag mo rin ako iiwan Adrian huh? Baka mamatay ako kapag nawala ka." I laughed and tears continuously coming out of my eyes. "Alam mo ba 'iyong pakiramdam na lahat ng taong nasa paligid mo, niloloko ka lang pala?" I asked him. "Hindi mo naman alam 'yung pakiramdam kasi baby ka pa." Tumawa ako ng may kasamang hikbi.

Humiga ako sa kama at sinubsub ang mukha ko sa unan. Doon ako tahimik na umiyak hanggang sa makatulog ako.

***

Nagising na lang ako ng marinig kong umiiyak ang anak ko. Dali-dali akong bumangon at agad itong pinainom ng gatas. Ilang saglit ay tumahimik ito. Napagpasiyahan ko na lang na magtungo sa balkonahe upang magpahangin doon. Napako ang atensyon ko sa isang babaeng naglalakad papalabas sa gate at. Kinausap niya muna ang guard bago ito lumabas. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong si ineng iyon.

Ano kayang ginagawa niya sa labas?

Agad akong lumabas sa kuwarto at bumaba. Lalabas na sana ako ng biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader. Marahas niya ako hinalikan. Itutulak ko na sana ito ng hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at pareho iyong isinandal sa pader habang patuloy niya pa rin akong hinalikan. Gusto kong manlaban pero malakas siya sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi siya matuloy sa kanyang ginagawa. "Open your mouth baby." Saad nito. I smell the liquor in his mouth.

"Y-you're drunk Ace. Bitawan mo ako!" Pagpupumiligas ko. He just smirked. Mariin niyang kinagat ang labi ko at napadaing naman ako sa sakit. Ramdam kong dumudugo na ang labi ko. Tumulo na lang ang luha ko.

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon