Chapter 30

17.8K 320 3
                                    

Jane

MUKHANG na trauma na ako ngayon. Kahit may naririnig akong kaluskos, agad akong nagigising at napapabangon. Hindi na rin ako makapag concentrate sa pag-aalaga ko kay Adrian. Hindi rin ako makatulog ng maayos at alam ko sa sarili kong may naglalaking eyebags sa mga mata ko.

Panay rin ang tanong ni Ace kung okay lang ba ako, wala bang nangyaring masama sa akin. Hindi ko man rin siya masisisi sa kakatanong nito dahil wala naman siyang alam sa nangyayari sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatayo ako sa balkonahe habang nilalasap ang preskong hangin. Kahit na umaga ngayon, wala akong magawa kundi ang tulala na lang buong araw. Hindi ko na rin nakakausap ng maayos si Ace.

Nagsitaasan ang balahibo ko ng bigla may yumakap sa akin. Naramdaman kong ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat.

"Wife, do you want to go outside?" Tanong nito.

"H-hindi tayo pwedeng lumabas Ace." Hindi ko mapagilang mautal dahil nararamdaman ko na naman ang takot at panginginig.

"Huh? But why?" Gusto kong magsalita at sabihin sa kanya kung bakit ako nagkakaganito pero mas nangibabaw ang takot ko ngayon. Gusto ko na naman maiyak ulit.

"W-wala. Basta huwag tayong lalabas. Dito lang tayo." Pinaharap niya ako at seryosong tinignan. Hinawakan niya ang pisnge ko at marahang hinaplos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinikap na huwag maiyak.

"Alam kong may pinoproblema ka ngayon at ayos lang naman kung ayaw mong magsabi pero wife, gusto kong lumabas tayo para mawala 'yang lungkot na nararamdaman mo." Anito at hinalikan ang noo ko. Napayakap nalang ako ng mahigpit dito.

Wala namang mangyayaring masama kung lalabas kami ngayon 'di ba? Mag-iisang linggo na akong tahimik at palagi na lang nakakulong sa kuwarto. One week na ang nakalipas simula nu'ng tumawag 'yung unknown number sa akin at hindi naman ito nagpaparamdam sa amin.

Wala na dapat akong ikabahala. "Sige, lalabas tayo." Nakangiting sabi ko. Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng mabuti kung hindi ba ako nagbibiro.

"Really?" Masiglang tanong nito. Tumango naman ako.

"Dadalhin ko rin si Mika para magbantay kay Adrian." Aalis na sana ito ng pinigilan ko siya.

"Magdala ka rin ng ilang bodyguards Ace."

"But why?" Nakakunot na noong tanong nito. Nag-isip naman ako ng dahilan.

"Para iwas disgrasya. Please." Nakikiusap kong tugon rito. Nag-aalinlangan niya akong tinignan bago tumango.

"Maliligo muna ako wife. Be ready." Tumalikod na ito sa akin at kumabas ng kuwarto. Naligo na rin ako pagkatapos ay sinuot ko ang isang blue dress na hapit na hapit sa katawan ko at nagsuot ng doll shoes. Nagsuklay na lang ako at naglagay ng light make-up sa mukha ko. Pinaliguan ko na rin si Adrian at binihisan. Sabay kaming lumabas at bumaba. Nakita ko si ineng na ngiting-ngit habang naghihintay sa dulo ng hagdan. Pilit ko siyang sinuklian ng ngiti.

Hindi ko na hinintay si Ace at basta-basta nalang lumabas. Ayaw kong ipakita sa kanila na natatakot ako. Baka mag-aalala sila at baka rin maudlot ang aming pag-alis. Kumalma ang loob ko ng may mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Alam kong si Ace iyon at para bang nagsasabi na wala dapat akong ipag-aalala. Nandiyan naman ang bodyguards para bantayan kami.

Nakasakay na kami sa kotse ni Ace habang tinatahak namin ang daan patungong mall. Nakapagdesisyon kasi si Ace na bumalik kami sa mall dahil 'yun daw 'yung araw na nakasama niya si Adrian pati na rin ako. Wala akong magawa kundi ang pumayag sa desisyon niya. Labag ito sa loob ko pero wala na akong magagawa ngayon. At ang mas ikinatatakot ko pa ay iyong pupuntahan namin ay maraming tao.

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon