Chapter 17

25.6K 479 21
                                    

JANE'S POV

NAKALABAS na si Jacob sa hospital at ang Mommy at daddy nito ang naghatid sa bahay. Hindi pa masyadong magaling ang sugat nito sa mukha at may ilang parte pa sa mukha nito na may pasa. Hindi ko siya pinapansin kahit nasa iisang bahay kami. Galit pa rin ako sa kanya at hindi naman ito nagpapaliwanag sa akin.

"Manang Belin!" Pagtatawag ko kay Manang. Agad naman itong pumunta sa akin.

"Ano iyon hija?" Magalang na tanong nito.

"Pakibantayan mo muna si Adrian dahil bibili muna ako ng diapers at gatas nito. Naubusan na kasi." Tugon ko.

"Sige hija. Mag-iingat ka." Habilin nito.

"Kayo rin po Manang. Mag-iingat rin kayo."

Matapos kong sabihin iyon ay agad akong dumiretso sa kuwarto at naligo. Pagkatapos kong magligo ay nagbihis na lang ako ng simpleng dress na babagay sa akin. Pagkababa ko ay tumingin si Jacob sa akin na nakaupo sa couch habang may hawak na diyaryo. Hindi ko na lang ito pinansin at aalis na sana ng magsalita ito.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Wala kang pakialam." Malamig kong tugon at agad lumabas ng bahay. Nang may papasalubong na taxi ay agad akong pumara at ng huminto ito ay agad akong sumakay. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko si Jacob sa malayo na tinignan ako at batid kong nakakunot ang noo nito. Winalang bahala ko na lang ito.

"Saan po tayo pupunta ma'am?" Tanong ng driver.

"Sa mall na lang kuya." Saad ko rito at isinandal ang aking sarili. Nang huminto ito ay agad akong nagbayad at bumaba. Pumasok ako sa mall at kumuha ng push cart na naka stand by sa gilid ko. Agad akong bumili ng kailangan ng anak ko at pati na rin sa bahay.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may sumusunod sa akin. Tumingin naman kaagad ako sa aking likuran at wala naman akong nakitang tao kaya napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang matapos akong bumili ay agad akong nagtungo sa cashier.

"930 pesos po lahat." Saad ng cashier kaya binayaran ko ito at 'tsaka nagmamadaling kinuha ang plastic at lumabas. Nararamdaman ko pa ring may sumusunod sa akin. Nang makasakay ako ng taxi ay nakahinga ako ng maluwag.

"Jusko! Sino kaya 'yung sumusunod sa akin?" Kinakabahan na tanong ko sa aking sarili habang humihinga ng malalim. Sinabihan ko na lang ang driver kung saan niya ako ihahatid.

Maya-maya ay bigla itong huminto na ikinagulat ko.

"Ba't tayo huminto manong?" Nagtatakang tanong ko rito habang siya ay nagkakamot ng ulo.

"Eh ma'am. Naubusan ako ng gas." Nahihiyang tugon nito. Mariin akong pumikit. Binayaran ko na lang ito at bumaba. Naglakad na lang ako dahil malapit-lapit lang naman dito ang condo ni Jacob. Tinignan ko ang langit at gumagabe na.

Napahinto ako sa paglalakad ng may naramdaman na naman akong sumusunod sa akin. Agad akong tumingin sa aking likod at wala akong makitang tao maski isa. Pagkaharap ko ay may tumakip sa aking bibig at mata kaya nabitawan ko ang aking plastic na bitbit ko at nagpupumiligas. Agad niya akong ipinasok sa masikip na daan at isinandal sa pader. Tinignan ko ang lalaki na naka shades habang may suot na cap sa kanyang ulo.

"Shhh. It's me Ace." Binitawan nito ang pagkakatakip sa aking bibig at kinuha ang cap na suot-suot nito at napagtanto ko na si Ace pala.

"Bakit mo ba ako hini--" Sisigaw na sana ako ng tinakpan na naman niya ang aking bibig.

"Can you shut up your mouth?" Mariin na utos nito sa akin. Para akong istatwa na hindi makakilos dahil sa pagkakalapit ng mukha nito sa akin habang nagsasalita. Naamoy ko pa ang hininga nito.

"Bakit mo ba ako hinihila?!" Inis kong tanong rito at itinulak siya. Napalayo naman ito kaagad sa akin.

"Alam mo bang may sumusunod sa'yo?" Tanong nito na hindi nakatingin sa akin. Sinundan ko naman kung saan siya tumingin at nakita ko ang mga grupo ng lalaki na nakatayo malayo sa amin at mukhang may hinahanap. Naka black silang lahat.

"S-sino ba sila?" Kinakabahang tanong ko at batid kong nauutal ako dahil sa matinding takot na nararamdaman ko.

"Tsk! I don't know. Ikaw lang ang nakakaalam kung bakit ka ba nila sinusundan. May ginawa ka bang mali?" Nanghihinala na tanong nito. Nagsalubong ang aking kilay.

"Ano?! Pinaghihinalaan mo ba ako?!" Naiinis kong tanong rito. Ngumisi lang ito.

"Kung 'yan ang pagkakaintindi mo." Pabalang nitong tugon na mas ikinainis ko. Aalis na sana ako ng hinila niya ako pabalik at napayakap sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang mapahamak ang iyong sarili? Kita mo naman na nandiyan pa sila at hinahanap ka!" Mahinang singhal nito. Hindi ako makapagsalita at tulala itong tinignan.

"L-lumayo ka nga. M-masyado kang m-malapit." Nauutal kong sambit kaya lumayo naman ito. Nakahinga naman ako ng maluwag habang nakahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Titignan ko na muna kung nakaalis na sila." Maya-maya ay nagsalita ito. Aalis na sana ito ng hinawakan ko ang kanyang braso.

"H-huwag mo akong i-iiwan." Natatakot kong sabi at parang maiiyak na. Tinignan naman nito ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya napapahiya akong inalis ito.

"Tss. You're young enough to handle yourself. Babalik rin naman ako kaagad." Napapahiya naman akong nagyuko. Mukhang nasaktan ako sa sinabi nito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ito.

"You can go now. Mukhang nakaalis na sila." Nabuhayan ako ng loob dahil sa binalita niya. Nanguna akong lumabas habang siya ay nakasunod sa aking likuran. Pinulot ko naman ang nagkakalat na mga binili ko sa mall habang pinapasok ko ito sa plastic. Tumulong naman ito sa akin. Nang matapos ay agad ko itong binitbit.

Nagsimula na akong maglakad habang may iniisip. Mukhang delikado na ang buhay ko ngayon. Nangingilid ang aking luha habang inaalala ang ang aking anak.

'Hindi ko gustong mamatay ng maaga. May naghihintay pa sa akin.'

Magpapatuloy na sana ako ng paglalakad ng may huminto na kotse sa aking harapan.

"Sumakay ka na. Ihahatid na kita." Saad ni Ace. Inangat ko ang aking ulo at maluha-luha siyang tinignan. Nakita ko sa mukha nito ang pag-aalala. Dahan-dahan akong sumakay. Pinaharurot na niya ang kanyang kotse habang ako ay tulala nakatingin sa daan.

Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan at nasa harap na ako ng condo ni Jacob. Nagulat ako ng naunang bumaba si Ace at pinagbuksan ako ng pinto.

Walang emosyon niya akong tinignan kaya nagbaba ako ng tingin at bumaba.

"Salamat pala." Mahina kong saad rito.

"No need to thank me. Basta sa susunod mag-iingat ka." Malumanay na pagkakasabi nito at sumakay. Pinaandar na niya ang kanyang kotse at umalis. Tinignan ko naman ito hanggang sa nawala na.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon