Chapter 26

17.8K 367 10
                                    

JANE'S POV

"BABE, wake up." Halos mandilim ang aking paningin ng bumungad sa akin ang mukha ni Ace.

"Lumayo ka nga Ace!" Sigaw ko rito at inilayo ang mukha niya gamit ang hinututuro ko. Hindi maipinta ang mukha nito. Bakit ba sumasakit ang puson ko?

"Bakit?" Napairap na lang ako at bumangon. Tumayo ako at limang beses akong tumalon at nagtungo sa banyo. Kinuha ko ng mouth wash na nakalagay malapit sa sink 'tsaka nagmugmog ng ikatlong beses. Nainis na naman ako ng makita ko na naman si Ace.

"Pati ba naman dito sa cr Ace?" Iritang tanong ko. Kumikibot-kibot ang labi nito na animo'y may sasabihin.

"Why are you threatening me like this?" Masungit nitong tanong.

"Bakit? Hindi ba pwedeng magsungit ngayon?!" Singhal ko rito. "Tabi nga!" Dagdag ko ng nakaharang ito sa dinadaanan ko. Agad naman itong tumabi. Masama ko na muna siyang tinignan bago lumisan.

Bumalik ako sa kama at gan'on na lang ang panlaki ng mata ko.

"Bakit may dugo rito? Saan ito galing?!" Gulat kong tanong habang tinuturo ang bedsheet kung saan nandoon ang dugo. "Ace! Ace!"

"Ano ba? Ba't ka ba sigaw ng sigaw?" Nang makalapit ito sa akin ay binatukan ko ito.

"Pakialam mo kung sumigaw ako! Ikaw lang ba pwedeng sumigaw rito?!" Inis kong sabi. "Tignan mo ang bed sheet, may dugo!"

"I think nireregla ka." Agad kong tinignan ang likod ng pajama ko kung may abhid ba ito na dugo.

"Gosh!" Usal ko at dali-daking tumakbo papasok sa banyo. Agad ko itong sinara at nagtungo kaagad sa cubicle.

"Ace!" Sigaw ko. Napapikit ako dahil sumasakit na naman ang puson ko. Bakit ba ngayon pa?!

"What? Are you okay?" Taranta nitong tanong sa labas.

"Bilhan mo ako ng napkin-- Shit! Aray." Sumigaw ako dahil sumakit na naman ito.

"Dalian mo Ace!" Narinig ko ang yapak nito at mukhang lumabas na.

ACE'S POV

'Fuck! Saan ako bibili ng napkin?'

Agad kong kinuha ang susi sa kuwarto ko at hinalikan ko na muna ang noo ni Adrian na natutulog pa rin bago umalis at pumanhik palabas sa bahay. Agad akong dumiretso sa kotse ko at binuksan ito. Pumasok kaagad ako at tarantang pinaandar ang kotse.

Habang nagdadrive ako ay tinitignan ko kung may malapit ba na tindahan rito. Nang may nakita ako ay agad akong pinarada ang kotse ko sa tabi at dali-daking binuksan ito.

"Do you have a napkin?" Tanong ko sa tindera. Nanlaki naman ang mata nito.

"Ang gwapo! Este napkin?" Tumango naman ako. "Ano bang klaseng napkin ang bibilhin mo?"  Napakunot ang noo ko. Shit! Wala namang sinabi si Jane kung anong klaseng napkin ang bibilhin ko.

"Lahat ng klaseng napkin bibilhin ko. Now!" Sigaw ko dahil alam kung nagsisigaw na iyon sa sakit si Jane.

"Sungit nito." Narinig kong bulong nito. Mga ilang minuto ang nakaraan bago siya bumalik dala-dala ang ilang klaseng pack ng napkin.

"204 pes--" Hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita at binigyan siya ng one thousand.

"Wala ako--"

"Keep the change." Agad kong binitbit ang plastic na naglalaman ng napkin at nagtungo kaagad sa kotse. Nang makapasok ako ay agad ko itong pinaandar at pinaharurot kaagad.

"Bullshit!" Napamura ako ng inis dahil ngayon pa nag traffic. Nang mawala na ito para akong sumali sa karera dahil sa bilis kong magmaneho. Nang nasa bahay na ako ay agad akong bumaba kahit hindi ko pa napatay ang makina.

"ACE!! PATAY KA SA AKIN MAMAYA!!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sigaw nito. Shit! I'm dead.

Agad akong umakyat at nagtungo kaagad sa kuwarto niya at pumasok kaagad. Nang ansa tapat na ako ng pinto ng banyo ay kumatok ako.

"Nandito an ang nap--"

"Bakit ang tagal mo huh?! Alam mo bang masakit ang puson kong animal ka!" Mura nito. Napalunok na lang ako dahil alam kung galit ito-- galit naman talaga siya Ace.

"Papasok ba ako?"

"Ay huwag kang pumasok, maghintay ka sa labas Letche! Dalian mong pumasok!" Agad kong pinihit ang pinto at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Nakaupo ito sa cubicle and-- shit Ace! Huwag kang tumingin.

"Anong tiningin-tingin mo diyan! Tusukin ko kaya 'yang mata mo! Tumalikod ka!" Sigaw na naman nito.

"Can you please lower down your voice. Nakatalikod na oh!" Inis ko ring sabi. Patalikod ko ring binigay ang plastic at malakas iyong hinablot.

"Letche namang napkin ito Ace! Ba't ang dami?!  Hindi naman gripo 'tong dugo ko!"

"You said earlier that I'll buy a napkin but you didn't said that there's any type of napkin!" Inis ko ring sabi.

"Lagot ka talaga sa akin Ace! Ano pang tinutunganga mo diyan?! Lumabas ka!"

"Ito na nga oh." Agad akong lumabas at sinara ang pinto. Lumabas na lang ako at nagtungo sa kabilang kuwarto kung saan nandoon ang anak ko-- si Adrian.

"Baby." I said in a sweet tone ng makalapit ako kay Adrian. Nakita kong dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata nito at umiyak ng malakas.

"Shit! What should I do?" Taranta ko na namang tanong. I don't know what to do. Hindi ko alam kung paano siya patatahimikin sa pag-iyak.

Binuhat ko na lang ito at dali-daling nagtungo sa kuwarto ni Jane.

"Please hush now baby." Kinakabahan ako ngayon. Tumutulo na rin ang pawis ko.

"Bakit umiiyak ang anak ko Ace!" Napalunok na lang ako ng marinig ko ang boses ni Jane na galit. Tumingin naman ako rito habang siya ay nakapamewang habang matalim akong tinignan.

"I-i don't know! Umiyak na lang ito bigla." Lumapit naman ito sa akin at kinuha si Adrian sa akin. May kinuha siyang gatas at pangdede ni Adrian sa bagahe nito.

"Kumuha ka ng thermos Ace!" Sigaw na naman niya. Kukuha na talaga ako ng yaya ng magbabantay kay baby. Bumaba ako sa hagdanan at nagtungo sa dirty kitchen kung saan doon nakalagay ang thermos. Nang makuha ko ito ay umakyat na naman ako ulit.

Pagod na pagod kung ibinigay kay Jane ang thermos.

Hinablot naman ito at nagtimpla kaagad ng gatas oara kay Adrian.

"Gusto kong lumaki ka kaagad Adrian." Nakangiti kong sabi ng makalapit na ako sa anak ko na ngayon ay umiiyak pa rin. Parang galit na galit ito at gusto na talagang uminom ng gatas. Napatawa naman ako.

"Anong tinatawa mo diyan? Masaya ka ba na umiiyak ang anak ko?!" Taas kilay na tanong nito. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Hindi naman ako masaya Jane and anak natin." Diniinan ko ang huling sabi ko. Inirapan niya lang ako at pinainom kaagad kay Adrian ng matapos itong mag timpla. Napangiti nalang ako habang tinitignan silang dalawa. This is the best day of my life. Kailangan ko na talagang mag research kong paano mag-alaga ng bata.

~TO BE CONTINUED~

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon