Chapter 37

22.1K 324 6
                                    

Jane

5 months later

Limang buwan na ang nakakalipas simula nu'ng may nangyari sa amin. Akala ko mamatay na si Ace pero sabi ng doctor, isang himala daw ang nangyari dahil 50/50 na ang buhay ni Ace.

Laking pasasalamat ko nu'n. Wala akong magawa kundi ang magpasalamat sa panginoon dahil siya ang nagligtas kay Ace. Naramdaman ko nalang ang paghaplos ng buhok ko.

"Ang lalim yata ng iniisip mo wife." Wika ni Ace. Napangiti naman ako at saka siya niyakap.

"Akala ko, mawawala ka na ng tuluyan sa akin.." Naluluhang saad ko.

"Matagal na iyon Wife." Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya. Hinawakan niya ang makabilang pisnge ko. "Buhay ako. Nahahawakan nga kita." Natatawang dagdag nito. Napanguso naman ako.

"Eh kasi... hindi ko kayang mawala ka." Nakayuko ako.

"At kung mamatay man ako, babantayan naman kita palagi kaya h'wag kang mag-aalala." Pinalo ko ito at tumawa naman ito. Nag-iwas ako ng tingin at pasikretong umiiyak.

"Hey wife. Why are you crying?" He asked and pulled me closer to him. Hindi ko ito pinansin.

"H-hindi nakakatawa ang biro mo." I said between my sobs. I heard him sighed.

"I'm sorry." Paumanhin nito sa akin. Dahan-dahan naman akong humarap rito at tinignan siya sa mata. "Matagal na 'yun kaya kalimutan nalang natin."

"Hindi madaling kalimutan 'yung nangyari Ace." Kapag naiisip ko iyon ay napapaiyak nalang ako. Hindi ko kayang mawala si Ace sa akin. Hindi ko kaya talaga.

"Hush," Bulong nito. Napasubsob ako sa balikat rito at doon umiyak. Nagtataka nga ako dahil nu'ng nahospital si Ace, palagi nalang akong naiiyak. Hindi naman ako maiyakin pero lately, nagiging maiyakin na ako.

"Surprise!" Bigla kong naitulak si Ace ng bumukas ang pinto at tumambad sa aming harapan si Caleb na nakangiti habang may dala-dalang cake. Nagtaka tuloy ako.

"Bakit ka nagdala ng cake Caleb? Para saan 'iyan?" Pinahiran ko ang luha ko at nagtataka siyang tinignan. Napakunot naman ang noo nito.

"Did you forgot?"

"Anong nakalimutan ko?" Naguguluhang tanong ko. Tinignan ko si Ace ngayon na nakangiti. Mas lalo akong naguluhan dahil sa mga magkakapatid na 'to.

"It's your birthday wife." Nanlaki ang mata ko. Shit! Oo nga, birthday ko pala ngayon!

"Happy birthday!" Sumigaw si Caleb. Mas nagulat ako ng may nagsidatingan na mga tao sa bahay. Napatayo kami ng sabay ni Ace sa couch.

Mangiyak-ngiyak kong nilapitan sina Manang belin at Jacob at binigyan sila ng mahihigpit na yakap.

"Happy birthday bestfriend." Nakangiting sabi ni Jacob ng makalapit ako rito. Yayakap na sana ako ng may humila sa akin.

"Don't you dare touch my Wife." Seryosong sabi ni Ace at masamang tinignan si Jacob na ngayon ay nag-iiwas ng tingin. Napanguso naman ako saka ito pinalo.

"Ano ka ba? Bestfriend ko 'yan kaya huwag kang magselos!" Singhal ko rito. Agad itong umiwas ng tingin.

"I'm not j-jealous." He said in a stuttering tone. We just laughed.

"Hindi daw nagseselos pero namumula ang tenga." Pang-aasar ni Caleb. Ace gave him deadly glares. Napalunok si Caleb at saka nag peace sign sa kapatid nito.

"Wala ba kaming yakap diyan birthday girl?" Rinig kong tanong. Tumingin naman ako at masayang nakita sina Daddy, Mommy, Becca at lolo. Patakbo akong lumapit sa kanila at binigyan rin sila ng tig-iisang yakap.

Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon