JANE'S POV
Bumuntong hininga ako habang tulalang nakatingin sa daan. Masakit pa rin isipin 'yung ginawa ni Jacob sa akin. Gusto ko tuloy umiyak ulit.
"Hey, we are here." Pagbabasag ni Ace sa katahimikan. Tinignan ko naman siya 'tsaka nginitian. Nasa harapan na kami ng isang bahay. I think It's Ace house. Nauna itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makababa ako ay kinuha niya ang bagahe ko sa likod ng kanyang kotse at sabay kaming pumasok.
"Wala ka bang yaya dito?" Nagtataka kong tanong habang inilibot ang tingin sa kubuhuan ng bahay niya.
"Wala." Maikling tugon nito at inilagay ang bagahe ko. Kahit maganda ang bahay niya at malaki ay nakakalungkot naman dahil siya lang mag-isang nakatira dito.
Hindi ko nga rin alam na pupunta si Ace kanina sa condo. Napapikit na lang ako ng maalala ko kung paano niya ako inalo habang ako'y umiiyak.
Inayos ko sa pagkakabuhat si Adrian at umupo na muna sa couch.
"Ilalagay ko na muna itong bagahe mo sa magiging kuwarto mo." Ngiti lang ang itinugon ko dito bago niya kinuha ang bagahe at inakyat iyon sa itaas. Maya-maya ay bumaba na ito at nagtungo sa akin.
"Ako na muna mag-aalaga kay baby. You look so tired." Ibinigay ko sa kanya si Baby at isinandal ang aking sarili sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pakiramdam ko. Kinapa ko naman ang noo ko at napamulat na lang ng maalala ko na hindi ako nakainom ng gamot kanina.
"Tch! Ba't ko ba kasi nakalimutan 'yon?" Bulong ko habang nakasimangot.
"Anong binulong-bulong mo?" Narinig kung nagtanong si Ace kaya napadako ang tingin ko rito. Nakikita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan habang karga-karga ang anak ko--namin.
"Kailangan ba sabihin ko pa iyon sa 'yo?"
"Hindi naman." Tumahimik na lang ako at ipipikit na ulit ang mata ko ng magsalita siya.
"Do you want to go to your room? Ihahatid kita." Saad nito. Tumango naman ako kaagad dahil pagod na pagod ang katawan ko. Sumali pa 'yong pag-iyak ko kanina kaya mukhang naubusan kaagad ako ng lakas. Nauna itong lumakad sa akin paakyat at tahimik naman akong sumunod rito. Malamang siya lang kasi ang may alam dito dahil sa kanya naman itong bahay.
Tumigil kami sa tapat ng pinto. "Ito ang magiging kuwarto mo." Saad nito at 'tsaka niya binuksan. Palihim ko namang sinuri ang kabuhuan ng pinto. Napamangha ako dahil sa kalakihan nito na parang kakasiya ang buong pamilya rito.
"Don't you want to go inside?" Pumasok na lamang ako habang siya nakatayo sa laabs ng pinto.
"Hindi ka ba papasok?" Nagtataka kong tanong. Oinasadahan naman niya ako ng tingin at ngumisi.
"Gusto mo bang pumasok ako?" Hindi ko alam kung bakit napalunok ako sa tanong nito. Naberde ang utak ko.
'Papasok siya sa akin?'
Napailing-iling na lang ako dahil sa kadumihan ng iniisip ko.
"U-umalis ka na nga!" Nauutal na singhal ko at narinig ko naman itong tumaea bago niya isara ang pinto. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sumasabay ang kaba at lakas ng tibok ng puso ko.
Humiga na lang ako sa kama at pinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng katawan ko. Winalang-bahala ko na lang ito hanggang sa makatulog ako.
"Hey wake up." Biglang may gumising sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napaatras naman ako kaagad at malapit na sanang mahulog ng mahila niya ako. Napaiwas ako ng tingin dahil sobrang lapit ang mukha nito sa akin na oara bang mahahalikan na niya ako sa maling galaw ko.
BINABASA MO ANG
Carrying Mr. CEO's Child✔
General FictionWhat if anak pala ng CEO ang dinadala mo.. Date Started: May 15,2018 Date Finished: May 13,2020