JANE'S POV
BIRTHDAY na ng anak ko bukas. Nandito pala kami ngayon sa mall para bilhin ang lahat ng kailangan ng anak ko. Biglang may naalala ako.
FLASHBACK
Nagpa check ako ngayon sa doctor para mabalitaan ko kung lalaki ba ang anak ko o babae."Congratulation ma'am. Lalaki ang anak mo." Pagkakasabi ng doctor ay napaiyak ako. Nag-alala naman ito at lumapit sa akin.
"Okay ka lang ma'am? Baka mapano pa 'yung anak mo." Nag-aalalang sabi nito habang hinahagod ang aking likuran.
"Naiisip ko lang na paano ko bubuhayin ang anak ko. Ako na lang mag-isa. Iniwan na kami ng daddy niya." Umiiyak kong saad at hindi alam ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Paano ko bubuhayin ang anak ko? Hindi ko kaya kung ako lang mag-isa.
"Huwag ka ng umiyak. Kaya mo 'iyan. Tayong mga babae ay kinakailangan nating maging malakas para sa anak natin. Oo, may anak rin ako at iniwan rin kami katulad mo pero anong nangyari? Kinaya ko para lang sa anak ko. Kaya maniwala ka lang sa 'iyong sarili." Pagpapatatag nito sa aking loob. Tumango naman ako at ngumiti.
"Salamat doc. Lumakas na ang pakiramdam ko ngayon. Kakayanin ko ito kahit walang tatay ang anak ko." Ngumiti naman ito sa akin.
"Ano pala ipapangalan mo sa anak mo?" Tanong nito.
"Adrian. Adrian ang ipapangalan ko sa kanya."
END OF FLASHBACK
"Gusto ba ng anak mo ito?" Ipinakita ni Jacob ang car na laruan. Napaisip naman ako at kinuha at ipinakita sa kanya ang stuff toy na hawak ko.
"Mukhang ito 'iyong gusto niya."
"Hindi. Ito talaga ang gusto niya."
"Hindi nga sabi, mas gusto niya ito dahil anak ko siya."
"Oo alam natin na anak mo siya pero mas gusto niya it--" Biglang napahinto sa pagsasalita ni jacob ng may umawat sa amin.
"Ma'am, Sir. Ano ba yung pinag-aawayan niyong mag-asawa?" Tanong ng saleslady.
"Ito kasing si Jacob. Sinabi kong mas gus-- Anong mag-asawa!" Napasigaw na lang ako ng tinawag niya kaming mag-asawa. Kailangan pa kami naging mag-asawa?
"Ay. Sorry mo ma'am. Akala ko asawa mo siya." Pagpapaumanhin ng saleslady.
"Its okay. Nagulat lang rin ako kaya napasigaw ako." Saad ko na lang. Tumingin ako ni Jacob na ngayon ay tumatawa. Masama ko siyang tinignan kaya huminto ito.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Galit kong tanong.
"Wala,wala. Asawa ko." Pagkatapos ay tumawa ito ulit kaya tinadyakan ko ito.
"Aray! Nananakit ka na ah!" Sigaw nito. Inirapan ko na lang siya. Tinignan ko ulit si baby na ngayon ay tumatawa rin.
"Ano namang tinatawa-tawa mo diyan?" Masungit kong tanong kay baby. Tumawa ito ng malakas kaya napatawa na lang rin ako. Mukhang nagustuhan niya 'iyong away namin ni Jacob.
Para hindi na kami mag-away,pareho naming kinuha yung mga gusto namin at binilhan na rin ni Jacob ng mga damit, pampers at iba pa na kakailangan ni baby pagkatapos ay binayaran na namin ito at lumabas ng mall.
Nanlaki ang aking mata ng makita ko si Ace na kasama si Becca na papasok ngayon sa mall. Agad kong hinila si Jacob at nagtago kami sa isang puno na hindi kami makikita.
"Ba't ba tayo nagtatago?" Iritang tanong ni Jacob. Sinamaan ko siya ng tingin. Tinignan ko ulit kung nandiyan pa rin ba sila pero wala na kaya lumabas na kami sa pinagtataguan namin.
"Sige. Alis na tayo." 'Yun na lang ang aking sinabi at naunang pumunta sa parking lot. Ba't apektado pa rin ako kapag nakikita kong magkasama sila ng kapatid ko?
"Huy Jane! Okay ka lang?" Tanong ni Jacob ng makalapit sa akin.
"Oo naman. Okay lang ako." Tumawa ako para hindi niya mahalata. Tumango na lang ito at pumasok na kami sa kotse.
Pinaandar na ni Jacob ang kotse at umalis na kami. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya pinahiran ko ito kaagad.
Hinalikan ko ang ulo ng anak ko. Kaya natin ito anak. Kahit hindi kompleto ang pamilya natin, ipapangako kong ibibigay ko lahat ng pagmamahal at atensyon na kakailangan mo paglaki.
"Ba't ang lungkot mo ngayon? May bumabagabag ba sa isipan mo?"
"Wala naman. May naalala lang ako." 'Iyon na lang ang aking sinabi. Maya-maya ay nandito na kami sa condo ni Jacob. Bumaba na kami ng anak ko at pumasok. Ano kaya isusuot ko bukas? Ano na lang kaya iisipin ng mga tao kung makita nila kami ni Jacob na magkasama. Nakakahiya naman kung hindi maganda ang suot ko. Bumuntong hininga na lang ako. Basta ang importante, magiging masaya ang kaarawan ng anak ko. Masaya na ako kapag nakikita ko siyang masaya.
~TO BE CONTINUED~
BINABASA MO ANG
Carrying Mr. CEO's Child✔
General FictionWhat if anak pala ng CEO ang dinadala mo.. Date Started: May 15,2018 Date Finished: May 13,2020