JANE'S POV
"MA'AM Jane. Pinasasabi ni Sir Jacob na magsisimula na daw ang party." Saad ni Manang Belin ng pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Sige po Manang. Pakidala na lang muna ito si baby Adrian sa labas." Saka ko ibinigay ang anak ko sa kanya. Ngumiti muna ito bago lumisan.
Nagtungo ako sa cr at tinignan ang mukha ko sa salamin. Lumaki ang eyebags ko dahil sa pag-iyak ko kanina kaya binasa ko ang aking mata ng tubig para hindi nila mapansin na umiyak ako. Pagkatapos ay pinunasan ko na ito. Ang apply lang ako ng kaunting make-up bago ako lumabas.
Sa paglabas ko, inilibot ko ang aking tingin at marami-rami na ring tao ang nandoon. 'Yung iba ay nagtatawan, 'yung iba rin naman ay umiinom ng wine. Bumaba ako habang nakayuko. Nakakahiya kasi. Wala akong kilala maski isa sa kanila.
"Jane! Come here." Biglang may tumawag sa akin kaya itinaas ko ang aking ulo. Nakita ko si Jacob na pinapalapit ako. May kausap siya
Lumapit naman ako sa kanila habang nahihiya pa rin. Sa paglapit ko ay hinawakan ni Jacob ang aking wrist.
"Meet Jane. My bestfriend." Pagpapakilala ni Jacob sa kanyang mga kausap. Tinignan ko naman sila at ngumiti.
"Good evening po sa inyo."
"She's so gorgeous. I like the way she act." Pagpupuri ng matandang babae habang nakangiti sa akin.
"Bakit bestfriend lang Jacob? Wala kang balak na ligawan siya?" Nagtatakang tanong ng matandang lalaki. Mukhang mag-asawa ito.
"Ah, eh. Bestfriend lang po talaga kami ni Jacob at wala ng hihigit pa doon." Sagot ko. Parang nanghinayang ang mga mukha ng mag-asawa.
"Sayang naman kung hindi kayo magkatuluyan. Ang gaganda't gwapo niyo naman."
"Actually, anak pala ni Jane ang magbibirthday ngayon." Iniba ni Jacob ang usapan dahil parang nasesense niya na naiilang ako.
"Oh god! Really Jane?" Gulat na tanong ng matandang babae sa akin. Tumango naman ako.
"Opo ma'am." Naiilang kung sagot.
"Sinong ama?" Biglang nanginig ang katawan ko ng magtanong ang matandang lalaki sa akin.
"Sorry Miss and Mister Fontello, uuna muna kami ni Jane. Magsisimula na kasi ang birthday." Saad ni Jacob. Tumango na lang ang mag-asawa at ngumiti sa amin. Pagkaalis namin ay nakahinga ako ng maluwag.
"Good evening everyone. We are here to celebrate Adrian 1st Birthday." Saad ng emcee. Naghiyawan naman ang mga tao.
Pagkatapos magsalita ang emcee ay si Jacob na ang nagsalita.
"Good evening everyone. Ito ang unang birthday ni Adrian, tito niya. Sa mga nagsasabing anak ko siya. It's a big no." Tumawa muna ito bago magpatuloy. "Mahal ko talaga itong batang ito. Parang anak ko na rin ang turing ko sa kanya. Kailangan niya kasi ng tatay kaya ako ang pumalit." Maraming nagulat dahil sa sinabi ni Jacob. Pati na rin ako nagulat.
"Oo, simula ng ipanganak si baby Adrian, walang tatay ang nag-alaga nito. Walang tatay na bumili ng mga kailangan ni baby Adrian at lahat 'iyon ay ginawa ni Jane para lang sa anak niya." Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako dahil sa speech ni Jacob. "Nakita ko mismo sa aking dalawang mata kung paano niya pinalaki ang anak niya, kung paano niya ito inalagaan ng mabuti kahit walang ama sa tabi nito. Jane, I'm so proud of you." Napaiyak na lang ako dahil sa huling mensaheng sinabi niya. Ba't hindi ko alam ito?
Pagkatapos niyang mag speech ay dali-dali itong pumunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong napaiyak. Bestfriend ko talaga itong si Jacob.
"Huwag ka ng umiyak. Papangit ka tuloy." Pananakot nito. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at ibinigay ang panyo na agad ko namang tinanggap at pinahiran ang luha ko.
"Pinaiyak mo kasi ako. Hindi ko naman alam na may sorpresa ka pala." Naiinis kong sabi at hinampas ito. Napasigaw naman ito sa sakit.
"Aray! Kababae mong tao, ang lakas humampas."
"Whatever." Natawa naman ako ng mag pout ito. Pagkatapos ng aming masasayang usapan ay ibinigay na ni Manang Belin sa akin ang anak ko dahil kakanta na kami ng Happy birthday.
Karga ko ang anak ko habang hawak ni Jacob ang cake na binili niya kaninang umaga.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you." Kanta ng mga tao at naghiyawan.
"Wish!" Sigaw ng iba. Napatawa na lang ako.
"Ang wish ko, sana lumaki si Adrian na may takot sa diyos at may respeto sa kapwa." 'Iyan na lang ang sinabi ko at pumalakpak ang mga tao.
Pagkatapos kong mag wish ay kumain na kami. Ang laki talaga nagastos ni Jacob para lang sa birthday ng anak ko. Mahal niya talaga ito na parang anak.
"Ba't kunti lang kinuha mong pagkain?" Nagtatakang tanong ni Jacob.
"Diet kasi ako ngayon." Natawa ito sa sinabi ko.
"Anong diet? Pumayat ka na nga tapos mag di-diet ka pa?" Hinampas ko naman ito dahil nang-aasar naman. Ibinigay ko na muna ang anak ko kay Manang Belin at sinabihan itong painumin na ng gatas.
"Wala ka bang plano na magbalikan kayo ni Ace?" Tanong ni Jacob. Umiling naman ako.
"Ba't mo naman 'iyan naitanong? Syempre hindi. Hindi ko na gustong masaktan at lalong hindi ko na gustong maging tanga-tangahan." Natawa naman ito sa sinagot ko.
"Naging matured ka na ngayon ah?" Kinurot ko naman ito ng malakas.
"Mongoloid ka!" Sigaw ko dito. Tumawa pa rin ito kahit nasasaktan. Sana ganito na lang parati, palaging masaya.
~TO BE CONTINUED~
BINABASA MO ANG
Carrying Mr. CEO's Child✔
BeletrieWhat if anak pala ng CEO ang dinadala mo.. Date Started: May 15,2018 Date Finished: May 13,2020