Chapter 23

19.2K 376 15
                                    

JANE'S POV

KINAUMAGAHAN ay binalita ni Manang na nakauwi na daw si Jacob kaya dali-dali akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa ibang kuwarto kung saan doon aiya nagpapahinga. Huminga ako ng malalim bago kinatok ang pinto.

Nang walang sumagot ay pinihit ko ang pinto at bumungad sa aking harapan si Jacob na nakaupo sa kama habang may binabasa sa libro.

"What are you doing here?" He asked in a cold tone. Nagsulubong ang aking kilay dahil sa inasta nito.

"Bakit ngayon ka lang dumating? Alam mo bang nag-alala ka--" He cut me off.

"Why you care?" Doon nagsimulang mainis ako.

"Ano bang nangyayari sa 'yo Jacob?! Bakit ganyan ang inaasta mo sa akin?!" Singhal ko rito na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya ako sinagot at basta-basta nalang tumalikod sa akin at nagbasa muli.

Lumapit ako rito at hinila ang kamay nito ng mariin at pinatayo siya. Doon ko natignan ang kabuhuan ng katawan nito at nagulat na lang ako ng may mapula-pula sa leeg nito.

"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ko habang tinuturo ang leeg nito. Napaiwas ito ng tingin.

Nanghihinala ko siyang tinignan. Kaya pala nawala siya kagabi dahil may inaasikasong iba.

"So ano? Nasarapan ka?" Sarkastikong tanong ko na ikinasama ng tingin nito.

"Anong nasarapan?" Maang-maangan nitong tanong. Ngumisi naman ako.

"Huwag kang magmaang-maangan diyan Jacob." Mariin kong tugon rito. Walang emosyon niya akong pinasadahan ng tingin.

"Oo. Nasarapan ako. Ikaw nga rin, nasarapan sa paglalandi kay Ace." Dahil sa galit ko ay sinampal ko siya ng malakas.

"Anong paglalandi Jacob? Ganyan na ba ang tingin mo sa akin? Malandi?!" Sigaw ko rito habang dinuduro siya.

"Kung ganyan ang pagkakaintindi mo." Sinampal ko siya ulit.

"Ano bang nangyayari sa 'yo huh?! Kaibigan mo, sinabihan mong malandi?" Hindi makapaniwalang saad ko at napailing-iling. Doon nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Huwag mo sana akong sabihan ulit ng malandi dahil hindi mo pa ako kilala. Kaibigan lang kita at wala kang karapatan na sabihan ako ng malandi na hindi naman totoo!" Sigaw ko rito at padabog na umalis. He hurt me again.

JACOB'S POV

Tulala akong nakatingin ngayon kung saan lumabas si Jane. Sinuntok ko na lang ang pader dahil sa galit.

"Shit! Ang tanga-tanga mo Jacob! Sinaktan mo ulit si Jane!" Sigaw ko at napasabunot sa buhok ko. Doon ako napaiyak.

"I'm so sorry Jane." Usal ko at inalala kung anong nangyari kanina.

FLASHBACK

Agad akong napabangon ng maramdaman kong may pumulupot na braso sa katawan ko. Nagulat na lang ako ng hubo't hubad ako. Tinignan ko ang babae ngayon na mahimbing na natutulog sa aking tabi.

"What the fuck?" Mura ko at pinulot ang mga damit ko at nagsimulang suotin ito.

"What are you doing?" Biglang may nagsalita kaya napatingin ako dito. Doon umusbong ang galit ko.

"What did you do to me?!" Mariin kong tanong. Napangisi naman ito.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa natin Jacob?" Malanding tanong nito. Masama ko naman itong tinignan. Shit! Ang dumi ko ng tignan. Hindi ko alam kung ba't biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ko si Jane.

"Ba't napatulala ka? Gusto mo bang may maulit pa sa atin ul--" hindi ko siya pinatapos magsalita ng lumabas ako.

"Hey! Where are you going? My name is Navy!" Narinig kong sigaw nito pero hindi ko pinansin at basta-bastang umalis sa lugar na ito. Nang makauwi ako ay bumungad sa aking harapan ang nag-aalalang mukha ni Manang.

"Jusko Jacob! Ba't ngayon ka lang dumating?" Agad niya akong niyakap at hindi ako umimik. Nagulat ito dahil sa inasta ko.

"Maliligo muna ako manang." Mahina kong sabi at umakyat patungo sa kuwarto ko. Pabagsak kong isinira ang pinto at agad akong hinubad lahat ng saplot ko. Nandidiri ako habang inaalala 'yung mga pangyayari kagabi. Ikatlong beses akong naligo at ng matapos ako ay nag toothbrush kaagad ako.

Nanlumo ako habang tinitignan ang mukha ko sa salamin. Nandoon parin ang pandidiri ko. I'm so sorry Jane.

END OF FLASHBACK

Lumabas ako ng kuwarto at agad hinanap si Jane. Pumunta ako sa kuwarto niya pero hindi ko siya nakita. Natataranta na ako ngayon at hindi alam kung ano ang gagawin ko. Lumabas ako at nagulat na lang ako ng makita si Ace na hinawakan ang mukha ni Jane. Karga ni Jane si Adrian at naguiguilty ako ngayon dahil alam kong umiiyak ito at nasaktan ito dahil sa mga sinasabi ko.

Tumalikod ako at pumasok. Hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. Gusto kong sapakin ng paulit-ulit si Ace hanggang sa mamatay. Hindi ko gusto ang paghawak nito sa mukha ni Jane pero wala akong magawa dahil nasaktan ko siya at that's all my fault at pinagsisihan ko na ito ngayon.

Pumasok na lang ako sa kuwarto ulit at pabagsak na inihiga ang aking sarili sa kama. Parang nanghihina ako ngayon at hindi ako makapag-isip ng tama. Ilang oras ang nagdaan at napagdesisyonan kung tumayo. Lumabas ako  at hinanap ng aking mata si Manang. Gusto kong may makausap ngayon. Kahit ngayon lang.

Nang makita ko siya ay agad akong lumapit rito.

"M-manang." Nauutal kong saad. Tumingin naman ito sa akin at nandoon ang pag-aalala sa mukha nito.

"M-manang... I'm so sorry." Paumanhin ko at ngumild ang luha ko. Niyakap naman ako nito ng mahigpit at dahil sa ginawa niya, doon ako napaiyak.

"Shh. Umupo muna tayo at ikwento mo lahat-lahat sa akin." Umupo kami sa couch at doon ako nagsimulang magkwento. Pati na rin 'yung pangyayari sa motel. Hindi ko na lang idenitalyo ang mga ginagawang kahayupan namin dahil nandidiri pa rin ako habang maiisip iyon.

"Jusko! Bakit nangyayari ito ngayon? Ang pag-aaway ninyo ni Jane! Ang pag-alis niya." Gulat nitong sabi. Natulala ako ng ilang saglit dahil sa narinig ko.

"Umalis na si Jane manang?" Sinikap kong huwag mautal. Malungkot itong tumango.

"Babalik siya manang. 'Di ba?" Umaasang tanong ko at lumunok. Nanlumo ako ng dahan-dahan itong umiling.

"Hindi na siya babalik hijo. Hindi na." Pati rin siya ay naiiyak. Napapikit ako ng mariin at niyakap ang aking mga tuhod.

This is all my fault! Kung hindi ko siya inaway at sinabihan ng malandi, hindi na siya aalis. Sana walang Ace ngayon sa buhay mo. Sana mapatawad mo muli ako.

~TO BE CONTINUED~


Carrying Mr. CEO's Child✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon