Ch. 1.1

11.8K 178 1
                                    

ISINUOT ni Renz ang rayband, isinukbit ang dala-dalang duffel bag sa balikat at kinuha ang paper bag na may laman ng mga pasalubong niya sa dalawang kapatid.  Nando'n siya sa Terminal 3 ng NAIA.  Kadarating lang ng eroplano na sinakyan niya mula sa France.  Katatapos lang ng French Grand Prix kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na bumalik dito sa Pilipinas.  Well, not that she had any choice in it anyway.

Isa siyang Formula One o F1 racer.  Kabilang siya sa team Honda na isa sa mga nag-co-compete na team para sa world championship.  Isa siya sa mga main racer nila.  Meroong at least nineteen races na kailangang salihan ng mga competing team sa isang season ng world championship.  Nagaganap 'yon sa iba't-ibang parte ng mundo.  Pero karamihan sa mga races ay ginaganap sa Europe.  Ang team na makakakuha ng pinakamaraming accumulated na points sa lahat ng labing-siyam na karera ang siyang tatanghalin na world champion.

Hindi biro para sa isang babae na kagaya niya na gumawa ng pangalan sa mundo ng F1 racing.  Heck, hindi nga niya masasabi na madali para sa kanya na mapabilang sa mundong 'yon.  Sa isang mundo na dinodomina ng mga kalalakihan, kailangan niyang maging matigas at walang awa para lamang kilalanin siya at hindi maliitin ng mga tao sa paligid niya dahil lang sa isa siyang babae.  Na masasabi niyang nangyayari pa rin magpasahanggang ngayon kahit pa nga ba lagpas apat na taon na rin siyang nangangarera.

Sampung taong gulang pa lamang siya nang una siyang makapanood ng F1 race sa telebisyon.  And she immediately feel in love with it.  Ang mga mabibilis at magagandang sasakyan na animo lumilipad sa sobrang bilis.  Naging tagahanga na siya ng F1 racing simula noon.  Lagi na siyang nagpapabili ng mga magazine patungkol doon at nanonood ng mga karera.  Inabot ng taon bago niya napapayag ang ama na dalhin siya sa isang GoKart circuit ring, which was the closest thing she could have here in the Philippines.  At sa unang beses na pagsakay niya sa Kart at paghawak sa manibela, she knew there and then that she will be a racer.  She just had to.

Pero hindi agad nagkaroon ng pagkakataon si Renz na mabigyan ng katuparan ang pangarap na 'yon not until she turned sixteen at pumunta siya ng Amerika para mag-aral ng kolehiyo.  Tumira siya sa pamilya ng Tita Maureen niya, ang kapatid ng yumaong ina.  Bumubulusok pa lang ang political career no'n ng ama.  Parang requirement para sa kanilang magkakapatid noon na umarte na mga perpektong anak.  Dahil hindi raw makaktulong sa karera ng ama kung makikita ng mga tao na maldita ang mga anak nito.  Pero ang problema, napakalayo niya sa pagiging perpekto.  She's rude and oftentimes insensitive.  Kaya nang tanungin siya ng tiya kung gusto niyang mag-aral sa Amerika ay hindi na siya tumanggi pa.

Hindi naging madali para sa kanya na kumbinsihin ang ama na payagan siyang mag-aral sa Amerika.  Matapos kasing mamatay ng nanay nila at nangyari 'yong insidente na kinasangkutan ng bunso niyang kapatid ay naging overprotective na ito sa kanilang magkakapatid.  Dumating nga siya doon sa puntong kung anu-ano nang kalokohan ang ginagawa niya mapilitan lang ang ama na ipatapon siya sa Amerika.  Pero matapos naman itong kausapin ni Tita Maureen at maipaliwanag dito na makakatulong sa kanya kung bibigyan siya nito ng kaunting kalayaan ay wala na itong nagawa kundi pumayag.

Sampung taon na ang nakakalipas simula noon at kahit minsan ay hindi niya pinagsisihan ang desisyon niyang pagpunta ng Amerika.  Pumasok siya sa UCLA at kumuha ng kurso na may kinalaman sa automobile.  Nang makakuha siya ng driver's license ay nagsimula na siyang sumali-sali sa mga junior motosport race.  Nang makatapos siya ay nag-apply siya para makakuha ng FIA Super License na binibigay ng Fédération Internationale de l'Automobile.  Kailangan kasi 'yon para makasali siya sa mga opisyal na F1 race.  Nang makuha na niya 'yon ay doon na talaga nagsimula ang karera niya bilang racer.

Madami ang hindi kumbinsido sa napili niyang karera, nangunguna na do'n ang pamilya niya.  Lalong-lalo na ang ama at nakakatandang kapatid.  Pero wala siyang pakialam, she still pursued it.  Nagsimula siyang sumali sa mga Kart racing competition, and then she come up through traditional European single seater series like Formula Ford and Formula Renault to Formula 3, and finally the GP2 Series.  It took three years and winning several championships bago siya nagdesisyon na umakyat sa F1.

Pinagkatiwalaan naman siya ng Honda at agad siyang inalok ng kontrata para sumali sa team ng mga ito.  Malaking bagay na 'yon para sa kanya since mahirap para sa isang babae na kagaya niya na mapabilang sa isang distinguished na F1 team.  She spent one year after that as a practice driver for the team.  At ngayon nga ay dalawang taon na siyang kabilang sa mga main racer nito.

Dahil doon ay minsan na lamang siyang nakakauwi dito sa Pilipinas dahil sa bilang ng race na nagaganap kada-taon.  Pero pinipilit naman niya na makapagbakasyon dito ng kahit isang buwan man lang kada-taon.  Pero walang kinalaman sa pagbabakasyon ang pagbabalik niya ngayon sa bansa, sa katunayan nga ay napilitan lang siya na umuwi ngayon.  Kailangan pa kasi niyang paghandaan ang susunod na race.  Pero dahil sa walang humpay na pagpupumilit ng nakakatanda niyang kapatid na umuwi muna siya dito sa bansa ay wala na siyang nagawa kundi sumunod.  Kailangan daw kasi na kumpleto ang pamilya nila para sa pagbisita dito sa Pilipinas ng kung sinumang prinsipe.  Kung sinuman 'yon, wala siyang pakialam, it still a big hassle for her.

Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad, pero nakakailang hakbang pa lang siya ay may kung sino nang bumangga sa kanya mula sa likuran na naging dahilan para malaglag ang dala-dala niyang paper bag at tumapon ang mga laman no'n.  Agad naman niyang nilingon ang may sala at halos mapigil niya ang hininga nang makita niya ang lalaking bumunggo sa kanya. 

Matangkad ito, marahil ay nasa anim na talampakan.  Nakasuot lang ito ng kaswal na damit, t-shirt and faded jeans.  But she could clearly see that he was very fit, full of lean muscles and all that.  Kulay golden brown ang buhok nito, matangos din ang ilong, hindi maitatatwa na isa itong foreigner.  Pero ang mas lalong nakatawag ng pansin niya ay ang pares ng kulay abo nitong mga mata.  Nagmumukha 'yong silver kapag tinatamaan ng liwanag.  But those beautiful eyes lacked emotion, all she could see in them was coldness.  Never-ending coldness na para bang isa itong robot na walang kahit na anong emosyon.

"Watch it," wika nito sa baritonong tinig and a very obvious British accent.

Damn, and he really just has to have a sexy accent. 

Pero agad na napakunot ang noo niya nang tumalikod ito at akma na siyang iiwan.  "Hey, wala ka man lang bang balak na tulungan ako? After all, you're the one who bumped into me," aniya sa wikang Ingles.

Nilingon siya nito.  "Why should I?  You're the one standing there, daydreaming like an idiot.  Hindi ko na kasalanan kung nabangga man kita," malamig na wika nito sa wikang Ingles at dagli na siya nitong iniwan.

Hindi naman makapaniwala si Renz sa narinig.  Lahat ng paghanga na naramdaman niya para dito ay dagling naglaho na parang bula.  At napalitan 'yon ng matinding pagkainis.  How dare he?  Hindi niya maaaring paalisin ang lalaking ito nang hindi man lang siya nakakaganti.  Because aside from being rude and insensitive, she's also a brat who doesn't let some jerk get the better of her.

Dali-dali niyang dinampot ang mga nahulog na gamit at agad na sinundan ang walang modong lalaki.    

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon