Ch. 6.1

3K 79 4
                                    

ANG BALAK lang sana ni Renz ay kumuha ng prutas na maaari nilang kainin kasama ng baboy-ramo na hinuli ni Lancer pero nakuha ng isang grupo ng mga paru-paro ang atensiyon niya.  Noon lang siya nakakita ng gano'ng karaming mga paru-paro kaya natural lang siguro na sundan niya ang mga 'yon, hindi ba?  Hanggang sa hindi niya namalayan na ilang minuto na pala ang lumipas.  Nang ma-realize niya 'yon ay agad na niyang tinigilan ang panonood sa mga paru-paro at sinimulan na ang paghahanap ng makakaing prutas.  Eksakto naman na nakakita siya ng puno ng mangga na hitik sa bunga. 

Naghanap siya ng kahoy na pwede niyang gamitin para gawing panungkit.  Pagdampot niya sa kahoy ay saka naman niya narinig ang malakas na pagtawag sa pangalan niya.

"Renz, nasa'n ka?"

"Here!" sigaw niya bago itinaas ang panungkit.

Malapit na niyang masugkit ang unang bunga nang bigla na lang sumigaw si Lancer.  "Renz, don't!"

Bago pa niya malaman kung bakit bigla na lang sumigaw ng gano'n ang binata ay tumama na ang panungkit niya sa kung anong bagay.  At first, she thought it was just a mango fruit but then she heard a buzzing sound at nanlaki talaga ang mga mata niya nang makita ang bagay na nalaglag sa harapan.  Isa 'yong bahay-pukyutan!  Parang bigla siyang nanigas sa kinatatayuan.  Lalo na nang magsimulang lumipad mula doon ang ilang mga bubuyog.

Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Lancer sa braso niya at agad siya nitong hinigit palayo doon.  Parang bigla naman siyang natauhan dahil sa ginawa nito at agad na rin niyang sinabayan ang pagtakbo nito.  She could hear a loud buzzing sound behind them at kahit hindi pa siya lumingon, alam niyang hinahabol sila nung mga bubuyog.  Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo na para bang nakasalalay do'n ang buhay niya.  Na hindi naman malayo sa katotohanan dahil kapag kinuyog sila ng gano'ng karaming bubuyog, maaari talaga silang mamatay.

Nang makalabas sa gubat ay nagdire-diretso pa sila sa dagat.  Sumisid sila at inilubog ang buong katawan sa tubig.  Noon lang niya nagawang lumingon at labis-labis na relief ang naramdaman niya nang makitang hindi na sila sinundan ng mga bubuyog.  But the swarm of bees were still there on the shore.  Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago tuluyan lumipad paalis ng dalampasigan ang mga bubuyog.  Saka pa lang tuloy sila nakaahon ni Lancer.

"Bakit mo naman naisipan na guluhin yung bahay ng mga bubuyog?" inis na wika nito nang nasa dalampasigan na sila.

"Tingin mo ba sinadya ko 'yon?  I didn't even see the damn thing!"

Napailing naman ito.  "You will really be the death of me."

Sa sinabi nitong 'yon, a hysterical laugh escaped her throat.  "We were almost killed by bees," aniya na unti-unti nang nag-sink in sa kanya ang mga nangyari.  "By bees!"  Tiningnan lang siya nito na para bang nababaliw na siya.  Hanggang sa ang pagtawa niya ay unti-unting nauwi sa paghagulhol.  Walang humpay sa pagtulo ang kanyang mga luha.  "Muntikan na tayong mamatay, ni hindi man lang malalaman ng mga pamilya natin kung anong nangyari sa 'tin.  We could rot in this hell and nobody would even know!"

Simula nang mapadpad sila sa isla na 'to, her brain refused to accept that possibility.  Pero pagkatapos silang habulin ng mga bubuyog na 'yon, reality just came crashing down on her.  Posible na mamatay sila sa lugar na 'to.  Sa isiping 'yon ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng matinding takot.  Ni hindi man lang alam ng pamilya niya kung nasaaan siya o kung anong nangyari sa kanya.  Ni wala din nga siyang ideya kung nasa maayos bang kalagayan ang pamilya niya.

Sa patuloy niyang pag-iyak ay nagulat siya nang bigla na lang siyang ikulong ni Lancer sa mga bisig nito.  "I won't let you die.  Hanggang nandito ako, walang masamang mangyayari sa 'yo.  I will protect you even if my life depended on it.  Makakaalis tayo sa isla na 'to.  Makakasama mong muli ang pamilya mo.  Pangako."

And she believed him.  Ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito at doon ibinuhos ang lahat ng luha.  Parang isang mabigat na dinadala ang nawala sa kanya dahil sa ginawang pag-iyak.  Maya-maya pa ay bigla na lang siyang inilayo ni Lancer, na para bang noon lang napagtanto na masyadong matagal na silang magkayakap.

"Sorry, it's just--"

"Reflex," pagtatapos niya sa sasabihin nito.  Napangiti siya ng tumango lang ito.  "Pasensiya na nga pala sa biglaan kong pag-me-melt down.  I'm not usually a big crier.  You must find it annoying, huh?"

"No, annoying is what you did at the airport.  But this, it's only natural.  Something you have no control over.  Kung umiyak ka siguro dahil sa isang napakababaw na bagay, then I will be definitely annoyed.  Pero itong nangyayari sa atin ngayon, malayo 'to sa pagiging mababaw.  So I'll give you leeway if you feel like crying again." 

Merong maliit na ngiti sa mga labi nito na para bang sinasabi sa kanya na nagbibiro lang ito.  Pero nakikita niya ang matinding pang-unawa sa kulay abo nitong mga mata.  Gray eyes which were usually devoid of emotion.  And she was touched by the kindness and the understanding.

Napangiti siya sa sarili bago nag-angat ng mukha at tiningnan ang binata.  "You really are kind, Lancer."  Bago pa ito makapagsalita ay tumingkayad siya and gave a small kiss on his cheeks.  "Thank you."

Humiwalay siya dito at mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ang pamumula ng mukha nito.  He looked so damn adorable that she just wanted to do it again.  Pero pinigilan niya ang sarili.  "Wow, Mr. Townsend, I believe you're blushing."

Lalo naman itong namula at tinakpan ang bibig gamit ang likod ng kamay nito.  "I-It's--"

"Reflex.  Yeah, I know," natatawa niyang wika.

He grunted bago bumalik sa nilulutong baboy-ramo.  Habang pinagmamasdan ito, isang bagay ang napagtanto niya.  Mukhang may isa pang bagay na hindi niya kayang kontrolin.  At 'yon ay ang puso niya.  Kung hindi siya mag-iingat, her heart could really be in big trouble.  Trouble of falling for Lancer Townsend.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon